FE 14

54 1 0
                                    

Our Almost


2015

"It's been 4 years, but I still blame myself why things ended that way." halos bulong na lamang iyon.

I wiped my tears.

"I am so sorry for asking things." kagat labi kong pag hingi ng patawad.

"She felt betrayed so she broke up with me. I love her. I don't know if she do, but even though that's what I did, hindi ko pa rin siya ipinaglaban."

Napapikit ako ng mga mata. Hindi rin ako makahinga ng maayos. Kinuom ko na lamang ang mga kamao.

"I let her leave me alone kahit na mahal na mahal ko siya. That's just it, kasalanan ko rin naman kasi eh, and I blamed myself. She doesn't deserve me so I let her leave and find someone better."

"Greg," hindi ko alam kung paano siya icomfort. Hindi ko  rin maintindihan ang kirot na nararamdaman ko ngayon sa aking dibdib.

"At hindi ako 'yon, Elli. Never will it be me."



***



"Miss Buendia, Celestine Alkina. Are you listening to me?" rinig ko ang pag dabog ng propesor ng ruler sa black board.

Agad nanlaki ang mata ko at napatayo.

"P-pardon me, Sir?" mahina kong sambit.

"You're on your last month of review. I expect you to be attentive. However, you seemed to be so tensed today." he studied my weak face with his authorized glaze.

"I'm sorry, sir."

"Take a rest for today, Buendia. A rest from personal accountabilities is all you need to regain the energy to review. Huwag mong masyadong pinapagod ang sarili mo dahil minsan, iyan pa ang nagiging sanhi kung bakit tayo bumabagsak. Go, treat yourself." ani niya sa mas malambot na boses.

Gusto kong sumalungat sa kaniya. Ngunit kung ipipilit ko lang ay baka lalala pa 'to. Ni hindi ko nga alam kung ano itong nangyayari sa akin. Tumango na lamang ako at dahan dahang binuhat ang sling bag tsaka ay lumabas ng review room.

Bumuga ako ng hangin nang makalabas.  Sinandal ko ang aking likoran sa nakasaradong pintuan habang hawak hawak ko pa ang door knob. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Greg nang gabing iyon.

I exhaled and started walking weakly. Siguro nga ay pahinga lang ang kailangan ko.

I went home and caught Ali sleeping in her deck. Dahan dahan akong umakyat sa aking pwesto at umupo. I opened my phone and checked for some messages.

Elli: How's your day?

Elli: Kumain ka na ba ng lunch? Huwag ka magpagutom, long hair.

Parang may nabasag sa puso ko nang makitang sineen na niya pala ito kaagad kaninang umaga matapos ko itong isend sa kaniya. Ni hindi man lang siya nag react o nag reply rito.

Nag tipa ako ng panibagong mensahe.

Elli: I'm home, earlier than usual. Masama kasi pakiramdam ko.

Hindi nakawala sa mga mata ko ang pag delivered ng message. Online siya ngunit naka turn-off. Mas lalo lang yatang sumama ang pakiramdam ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata at niyakap ang aking kumot.

Forgive ElliWhere stories live. Discover now