"Mag bihis ka na, aantayin ka namin sa labas" sabi ni Xyrill, at saka ito na una ng lumabas, bakas ang galit sa mukha niya, bat siya pa ang may ganang magalit ngayon?

"Xyrill" tawag ko, pero hindi na ako nito nilingon pa

"Sige na Kint, maligo ka na doon 4 pm na, malalate na tayo, antayin ka na lang namin ng maayosan ka" sabi sa akin ni Tanya na, kumalas na sa pag kaka yakap sa akin,

"Tumayo ka na, Wag kang mag inarte, sasabunutan na kita" sabi sa akin ni Andrea at lumabas na rin sa kuwarto ko

"Sige na, ito ang gusto ng daddy mo" si Tanya at iniwan na rin ako sa loob ng kuwarto at ngayon mag isa na lang ako

ilang minuto na rin akong tulala ng bigla na lang na may sumampiga sa akin, sinampal ko ang sarili kung mukha, naka ramdam ako ng sakit hindi ito panaginip, pero bakit ganito? ang bilis naman ata ng mga pang yayare

Para akong zombie ng tumayo ako, dahil wala ako sa aking sarili, at saka ako nag madaling maligo ng maalala ko na bawal nga pala akong umiyak dahil buntis ako, huminga muna ako ng malalim at saka ko pinag patuloy ang ginagawa ko, buntis ako at bawal sa akin ang umiyak

may kalahati oras din ng muling pumasok yung tatlo, napangiti pa sila ng makita nilang naka sout na ako ng puting tuxedo na pinapasout nila at saka ang puti kung pag ibabang sout

"Isosout mo rin pala 'yan nag inarte ka pa" saad sa akin ng kaibigan kung si Tanya, kakasama niya kay Andrea nahahawa na siya

"Dali ayusin na'tin itsura mo, mukha kang zombie" pag aasar pa sa akin ni Andrea, napipikon na talaga ako

"Sinabi mo pa ate Andrea" sabi pa ni Tanya kay Andrea at saka parehas silang tumawa, nag apir pa sila, nakaka asar, close agad sila eh parang kahapon lang mag kaaway sila

"You look good" puna sa akin ni Xyrill na ngayon ay naka ngiti na sa akin

"Naku, Xyrill tigil tigilan mo yan si Kint, ang akala ko ikakasal ka na rin" sabat naman ni Andrea, sa pag puna sa akin ni Xyrill

"Ikakasal ka na?" gulat na tanong ni Tanya dito, maging ako rin naman ay nagulat

"Yeah" maikling sagot ni Xyrill kay Tanya

"Wee? talaga? ba't parang kahapon lang binibigyan mo pa ng bulaklak si Kint, Kanino ka ikakasal?" tanong pa ni Tanya, kaya naman bahagyang tumawa si Xyrill bago sumagot

"Secret" sagot niya kay Tanya na Ikinasimangot nito, nakita ko naman na marahang bumulong si Andrea kay Tanya

"Let's go" aya sa amin ni Xyrill, ng matapos na akong ayusan ng dalawa, hindi ko na nga tiningnan ang itsura ko sa salamin

"Saan tayo?" tanong ko sa kanila, ngayon nga ay naka sakay na kaming apat sa kotse ni Xyrill

"Sa kasalan" pilosopong sagot ni Andrea, kaya napa irap na lang ako sa kawalan

"I mean saan gaganapin" tanong ko pa, nakaka asar na talaga pag ganito ang kausap mo

"Sa Deveraux Resort" si Xyrill ang sumagot sa tanong ko, dahil si Andrea natahimik lang ito at naka tingin sa labas ng bintana, malalim ang iniisip nito

"Deveraux?" gulat kung tanong, ba't sa Deveraux Resort, sa pag mamay ari nila King

"Oo" sagot ni Xyrill sa akin, habang nag dri-drive pa rin

"Kila, King?" tanong ko pa, kahit alam ko naman na kila King iyun dahil wala akong alam na ibang Deveraux

"Yes!" maikling sagot sa akin ni Xyrill na hindi man lang tumitingin sa akin

MY BULLY FUTURE HUSBAND | To Be Published Under Etlux Oc Publishing Inc.Where stories live. Discover now