02

971 10 0
                                    

Kyla

April 10, 4:15 p.m.

Kyla:
Anong oras dating mo dito?

Gio:
Inaantay ko na lang yung driver namin

Kyla:
Okay
Hinahanap ka na ni Sofie
Iyak kasi nang iyak eh
Hindi ko mapatahan
Lumalayo kapag lumalapit ako
Hindi ko na alam gagawin

Gio:
Wait lang kamo
Aliwin mo muna

Kyla:
Never naman naaliw sa akin ang batang to
Lahat naman na ginawa ko
Nakakapagod na

Gio:
Kanino kayang kasalanan?

Kyla:
Oh please Gio wag na natin pag awayan to
Bilisan mo na lang

Gio:
Sabi ko naman kasi sayo, I can handle my daughter
Ayoko siya ipagdamot sayo kasi karapatan mo naman yan
Pero kung napipilitan ka lang naman wag na lang

Kyla:
Gio, I'm trying okay?
Kasi anak ko siya
Dinala ko siya nang halos siyam na buwan
Kaya kahit na hindi maganda sa pakiramdam ko na nagkaanak ako nang maaga sinusubukan ko na mahalin siya talaga
Kasi galing siya sa akin

Gio:
Eh ayun naman pala eh
Tiisin mo lahat ng trato sa yo ni Sofie kasi natural lang yan sa kaniya
Iniwan mo ba naman pagtapos na pagtapos mo siyang ipanganak
Na para bang iyon lang ang responsibilidad mo sa kaniya
Tapos pilit na pilit pa ang trato mo sa kaniya kapag nandiyan siya sa inyo

Kyla:
Natakot ako, ilang beses ko ba sasabihin sayo yun?

Gio:
Gets ko Kyla okay?
Ako din natakot
Kaya nga nung binigay mo siya sa akin tapos nawala ka na lang na parang bula inintindi ko kasi akala ko parte yan ng pagbubuntis
Akala ko postpartum depression na yung nangyayari sayo
Pero ewan ko na Kyla
Mas nakakapagod ka sa totoo lang

Kyla:
May mga pangarap ako sa buhay Giovanni!
Madali sayo kasi lalaki ka naman, hindi naman ikaw ang nagbubuntis
Magbibigay ka lang ng pera

Gio:
Ano yang sinasabi mo?
Ako? Magbibigay lang ng pera?
Ilang beses ko sinabi sayo na hindi ko kayo iiwan kahit anong mangyari
May mga pangarap din naman ako pero alam ko ang responsibilidad ko sa anak ko at sayo
Pero iniwan mo kaming dalawa sa ere
Ikaw ang nang iwan dito Kyla, hindi ako kaya wag mo sasabihin na madali sa akin dahil tinambak mo lahat sa akin iyong responsibilidad na dapat hati tayo
Takot na takot ako na lumaki si Sofie na sakitin kasi hirap na hirap ako kumuha ng breast feed sa mga ospital at mga charity organization
Habang ikaw nagpapakasaya noon
Akala mo ba hindi ko alam

Kyla:
Ang bata ko pa noon Gio
Ang dami ko pang gusto gawin
Masisisi mo ba ako

Gio:
Ang alam ko lang ang selfish mo

Kyla:
Bumabawi na nga ako diba?

Gio:
Talaga lang ha?
Eh parang kung pwede ko lang paliparin ang sasakyan
Papaliparin mo ko para makuha ko na si Sofie diyan eh

Kyla:
Wag na nga muna tayong mag usap
Pagod na nga ako
Ganiyan ka pa sakin

Chasing Daylight Where stories live. Discover now