Simula

1 0 0
                                    

"Ah.." napatingin si Ma'am Verna sa akin nag-aalangan kung ano man ang sasabihin.

Nakamata ako sa kanya. Hinihintay kung sa puntong ito ay siya parin ang taong dalisay ang reputasyon kung ilarawan ng mga taga- Gigaquit. Napaiwas ito ng mata kasunod ng salitang nagpawasak ng katiting na paniniwala ako.

"Pakikuha kami ng juice, Madeliene. Kumain ka na rin kasama nila Yuly" ilap ang mata at tunog balewala niyang utos. Maganda ang ngiti niya sa kaharap.

Isang sophistikadang babae. Larawan ng karangyaan. Kahit sa paggamit ng kurbyetos at pagnguya ay marilag ang kilos nito. Hindi karaniwang bisita ang kasama ni Ma'am Verna dahil rinig ko ay ito ang dating kasintahan ni Breden.

Minabuti kong pumikit at magbilang upang kumalma. Nagtatalo ang utak kung nangyari ito upang  magising sa katutuhanan o dapat parin ba ako maningil ng kabayaran ng aking dignidad.

Ngunit may nagsasabing 'isa pa'. Isa pang pagkakataon at ekplinasyon para sa lahat ng ito. Hindi tamang damdamin ko lang ang isa-alang alang dahil kahit sila ay may dahilan rin naman.

Tumalikod ako upang kumuha ng inutos. Isang juice para sa isang dating kasintahan. Napangiti ako ng mapakla.

Alam kong dati ay may mali. Pero umasa akong maging maayos ang lahat sapagkat sila ang naki-usap.

"Madeliene, halika at may ibinilin si Ma'am" salubong sa akin ni Aling Yuly sa bungad ng kusina. Nakamasid sa amin ang tatlong katulong na dapat ay naghihintay tawagin kung may kailangan ang mga taong kumakain.

Ipinasa ang aking hawak sa isang katulong na nakamata. Andito lang sila pero bakit kailangang ako pa?

Napasunod ako kay Aling Yuly. Tinahak namin ang guestroom na ngayo'y okupado ko. Nasa ikalawang palapag ito malapit sa teresa katabi ng kwarto ng mag-asawa. Mukhang mahalaga ang ibinilin at kailangan sa pribadong silid kami ni Aling Yuly mag-uusap.

"Madeliene" nahihirapang bigkas niya. Kapapasok lamang namin sa kwarto ngunit ang mamasa-masang mata ang ipinakita niya.

"Bakit Aling Yuly?" Ano ba ito?

"Makinig ka Madeliene" ginanap nito ang aking kamay. " Lilipat ka ng kwarto" napabitaw ako sa kamay ni Aling Yuly. Saan naman ako lilipat kung ganun? Sa kwarto ni Breden?

Napasinghap ako sa naisip. Naging mapanghusga ba ako kay Ma'am Verna? Kapakanan ko pala ang iniisip nito samantalang nag-iisip ako nang mali sa kanya. Maaring gusto ni ma'am na dapat magkasama kami sa kwarto ni Breden upang hindi na maghahabol ang dating nobya nito.

"Ayoko po" kahit na minamadali nila ang kasal namin ay hindi tamang magkasama kami sa kwarto.

"Wag kang mag-alala Madeliene. Paniguradong panandalian lamang ito"

"Hindi po tama yun Aling Yuly. Hindi po ba pwedi ang ibang paraan? Naniniwala akong dapat lamang kami magsama ng kwarto ni Breden pagkatapos ng kasal"  nababahala ako.

Napaawang ang bibig ni Aling Yuly sa narinig. Hindi nagtagal ay dumaan ang awa sa mata nito. Nagtaka ako sa kanya. May butil ng luha ang kumawala sa kanyang mata.

"Bakit po?" lito kong tanong, naawa ba si Aling Yuly dahil may babaeng kagaya ko hanggang ngayon ay conserbatibo?

Umiling siya. Ipinakita ang kanyang tipid na ngiti na hindi umabot sa mata. "Segi na ayusin mo na ang gamit mo".

Hindi maging emosyonal si Aling Yuly kung walang problema. Akmang tutol ako ng magsalita siya.

"Wala tayong magagawa Madeliene. Kailangan nating sumunod. Hindi ka lilipat sa kwarto ni Breden".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Dignity for MadelieneWhere stories live. Discover now