Kabanata 2 : Hindi Nakikita at Hindi Nakikita

Start from the beginning
                                    

     Pagkatapos, natuon ang kamera sa kasunod na miyembro, si P'Sea, ang unang henerasyon at pinakamatandang miyembro ng UNISTAR. Isa siyang matangkad na lalaki na may natatanging mukha, ang kanyang mukha ay parehong maganda at gwapo. Hindi nakakapagtaka na nakuha niya ang bansag na #BeautifulMoon.

     Tagapanayam : Ano ang masasabi mo sa pagkakaroon ng isang Invisible Moon sa UNISTAR?

     Sea : Gusto ko siya, marami akong nakikitang mga nakakatawang bagay kapag nasa paligid siya. Lalo na kapag nag-aaway ang mga Half Moons tapos biglang susulpot si N'In, pareho silang sisigaw ng 'Argh' na akala mong mga nakakita sila ng multo.

     Kung ang panlabas ang pagbabasehan, mukha itong magalang at kalmado, mukha rin itong inosente, ngunit may ugali itong mahilig mang-asar. Lagi niyang inaasar ang ibang myembro.

     Tagapanayam : Talaga?

     Nilingon ng tagapanayam ang Half Moons, P'Natee at P'Wayu, para tanungin.

     Natee : Hindi ah, totoong lalaki ako, hindi ako takot sa mga multo.

     Wayu : Hindi totoo 'yan, hindi ako sumigaw ng 'ARGH', ang isinigaw ko ay 'WARGH!'

     Pagkatapos ay bumaling muli ang tagapanayam kay P'Sea.

     Tagapanayam : Nagulat ka na ba tuwing bigla na lang sumusulpot si N'In?

     Sea : Hindi, hindi pa, dahil napakapogi niya, hahaha.

     Tagapanayam : Oh, sa sinabi mong iyan, magseselos ang Prinsipe.

     Kung hindi ako nagkakamali, 'Prince' ang palayaw ni P'Leo, dahil ang tawag sa fandom niya ay #DomPrince. Samantalang ang tawag naman kay P'Sea ay Princess, dahil maraming tagahanga ang pinagtatambal sila. Pareho din silang nasa isang programa na may pamagat na ' Diagnosis with the Doctor Moons ', ito ay isang palabas na may labinglimang minuto tungkol sa pangangalaga ng kalusugan. Minsan ay may mga demonstransyon ng first aid, masahe at pag-check ng katawan na kung saan ang ilang mga tagahanga ay medyo lumalawak masyado ang imahinasyon.

    
    
     •••   T/N : 'Dom' ang pinaikling salita para sa fandom..  •••

     Pagkatapos ay nag-zoom ang kamera kay P'Natee, kilala din sa hashtag na bilang #RedMoon. Nakilala siya sa reputasyon niya bilang isang prangkang tao, pranka siya sa lahat - kung may magmura sa kanya, mumurahin din nya nang pabiro, at maraming tagahanga ang nagugustuhan ito - ito ay isang uri ng natatangi niyang katangian.

     Natee : Bakit hindi nakikita si P'In? Dahil, alam ni P'In na hindi niya matatalo ang kaguwapuhan ko, kaya kailangan niyang itago ang sarili, hahaha. Hey! Cameraman! I-focus mo sa'kin, dapat na sobrang gwapo ko sa kuha  mo!

     Isang beses lang siyang tinanong ng tagapanayam at tinapos na, saka siya bumaling sa kasunod na miyembro, si P'Wayu, na nakita ko kaninang umaga, napakaraming tagahanga ang nakapalibot sa kanya kanina sa may football field.

     Merong dalawang miyembro ng UNISTAR ang galing sa XU University, si P'In at P'Wayu. Ang dalawang ito ay may magkaibang uri ng pagiging guwapo, si P'In ay pang isang obra-maestrang rebulto - napakarilag ngunit walang emosyon, samantalang si P'Wayu naman ay tulad ng isang maluwalhating modelo - ang kanyang napakaputing balat at wari'y nagliliwanag sa ilalim ng spotlights. Kaakit-akit tingnan si P'Wayu kapag ito ay seryoso at tila nagliliwanag naman kapag nakangiti. Sa lahat ng miyembro ng UNISTAR, si P'Wayu ang una kong naalala dahil siya ang may titulo bilang #NewMoon. Mahilig itong magbiro kahit na madalas ay hindi nakakatawa at walang nakakaintindi sa mga biro nito, ba para bang ang mga hindi nakakatawang biro nito ang nagpapatay ng liwanag sa nagniningning na buwan, madilim tulad ng isang New Moon.

UNISTAR : INVISIBLE MOON ( Ang Buwan na Hindi Nakikita ) ~ Filipino Translation Where stories live. Discover now