"She's now fine. Nagkaroon lang ng infections kaya ito nilagnat. Pero wala na kayong dapat ipag-alala. Kailangan lang talaga ng bata ng alaga at pahinga." Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig iyon.

"Thank you, Doc." Ngumiti naman ito saka nagpaalam na. Parang may nawala namang mabigat sa puso ko dahil sa sinabi ng doktor.

Napatingin naman ako kay Stella ng makitang gumalaw ito at nagkusot ng mata. "Did I wake you up?" Tanong ko sa kaniya pero umiling naman ito.

"Napanaginipan ko na ginigising raw ako ni Astreed at nagising nga ako." Natawa naman ako saka inayos ang buhok nito. "Kamusta na siya?"

"Sabi ng doktor ay maayos na raw siya. Diba, sabi ko sayo eh magiging ayos ang prinsesa natin. Malakas kaya si Astreed mana sayo." Inirapan naman ako nito.

"Mambola kapa." Tinawanan ko naman ito.

"Hindi ako nambobola. Naalala mo noon nung third year tayo, sinuntok mo 'yung kalaban mong babae." Tatawa-tawang asik ko ng maalala iyon. "Dumugo talaga ang ilong ng kalaban mo eh."

"Kasalanan niya 'yun. Kalabanin ba ako? Tapos kung sino pa kung umasta. Sarap itapon sa impyerno at ipakain kay satanas." Mas lalo namang lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

"Oh relax lang HAHAHA. By the way, gusto mo ba munang kumain? Maaga pa tayong umalis kaya baka nagugutom ka na." Umiling naman ito.

"Huwag na. Busog pa naman ako." Napatango naman ako saka agad na tumayo ng makita ang doktor.

"Doc, pwede na ba kaming lumabas?" Tanong ko sa Doctor. Since okay naman na si Astreed. Mas mabuti kung sa bahay na lang kami.

"Of course. Maayos naman lahat ng test at bumaba na rin naman ang lagnat ng bata. Like what I've said before, kailangan lang talaga ng bata ng alaga at pahinga." Tumango naman kaming dalawa ni Stella.

Matapos makipag-usap sa doctor ay agad na kaming naghiwalay ni Stella. Siya iyong pumunta kay Astreed at ako naman ang umasikaso sa mga babayaran namin.

Nang matapos ay agad ko na kuna silang hinanap at naabotan ko naman sila sa may bukana ng ospital kaya agad naman akong lumapit at naglakad na kami papunt sa kotse.

Maliwanag na ang buong paligid ngayon. Madami na ring tao at kotse sa daan papauwi.

Nakauwi naman kami ng matiwasay. Pagdating sa bahay ay agad naman akong dumeritso sa kusina at nagluto ng makakain namin.

Hotdog, ham and egg lang ang niluto ko dahil baka matagalan kapag nagluto pa ako ng iba. Siguradong gutom na si Stella dahil hindi pa ito kumakain at kunti lang ang kinain nito kagabi.

Madali lang naman akong natapos sa pagluluto ng mga iyon kaya agad ko na iyong dinala sa may hapagkainan at kumuha ng mga plato at iba pa na gagamitin. "Stella, come here! Food is ready." Pasigaw na tawag ko sa kaniya habang hinahanda ng mesa.

Nakita ko naman ito kaagad kaya pinaghigit ko naman ito ng upuan. "Dito na muna sa akin si Astreed." Saad nito kaya ngumiti naman ako saka tumango at pinaglagyan siya ng kanin at ulam sa plato.

"Here. Para hindi ka na mahirapan." Asik ko saka naglakad na papunta sa upuan ko at kumuha na rin ng kanin at ulam.

"Stella, ano kaya kung kunin na natin si Nanay mo sa bahay niyo dati at dito na rin natin patirahin? Naisip ko lang kasi na parang ang hirap ng buhay niya doon sa bahay niyo dati eh." Suhestiyon ko. Alam ko rin naman na namimiss na rin siguro ng Nanay ni Stella ang apo at anak nito.

"Ayos lang ba 'yun sayo?" Tanong nito kaya tumango naman ako.

"Bakit naman hindi? Tsaka mabuti na din kapag nandito siya, diba?" Tanong ko sa kaniya saka sumubo ng kanin.

"Dagdag gastusin na naman 'yun. Wala na nga kaming ambag tapos may dadagdag pa na isa."

"Don't mind that things. Ako na bahala dun. Tsaka tandaan mo, ang pera ko ay pera niyo na rin." Nakangiting saad ko pa.

"Bahala ka sa gusto mo."

"Okay. Siguro mamaya, ipapasundo ko na siya sa mga tauhan ko." Tumango lang naman ito kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

Paminsan-minsan ay nagtatanong naman ako ng ilang mga bagay sa kaniya para may mapag-usapan at sinasagot naman nito ang mga iyon.

Nang matapos ng kumain ay napagdesiyonan ko ng maghugas ng mga pinagkainan at si Stella naman ay pinadede na si Astreed.

Matapos maghugas ay agad ko namang sinunod ang mga labahin. Nilagay ko lang ang mga iyon sa washing machine at iniwan sandali at pumunta sa mag-ina ko at agad na napangiti ng makitang sinasayaw-sayaw at kinakantahan ni Stella ang anak.

Hindi ko pa siya nakitang ganito ang trato kay Astreed dati. Siguro ay ganoon talaga ang pag-aalala niya kanina kaya nagbago bigla ang turing nito sa anak.

Halos noon ay hindi na niya hawakan ang bata o maski tingnan man lang.

Iniwan ko na muna sila para makapagbonding pa sila ng matagal at gumawa na lang ng nga gawaing bahay.

Nawili naman ako sa ginagawa kaya hindi ko na namalayan ang oras. Pareto't-paroon naman ako habang nagwawalis at nagvavacuum.

Naisipan ko na rin na magluto ng masarap na tanghalian. Napapansin ko kasi na parang ang liit ni Stella. Kailangan niyang lumaki at lumusog.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na ako at agad na sinabi sa dalawa na sunduin si Nanay Selia. Sinabi ko na rin kung saan ito nakatira at iba pang nga detalye. Nang matapos ay bumalik na ako sa loob at agad na niyakap si Stella mula sa likod pero imbis na itulak ako nito ay natatawa pa itong tumingin sa akin at tinuro si Astreed na nilalaro ang daliri nito.

Kung palagi kaming ganito ay sobrang saya ko na siguro. Sana palagi na lang ganito...

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now