Leaf Oil

3 0 0
                                    

LEAF OIL’S POINT OF VIEW

Hinila ako ni Nion, ewan ko nga kung bakit e. Tinignan ko naman si Cin na kausap pa rin yung lalaking iyon. Sino ba iyon?

“Leaf, naaalala mo ba kung sino yung sinasabi nila lola sen na kababata ni Cin?” nangunot naman ang noo ko, anong connect er--- wait

“Yung dahilan ba kung bakit kailangan burahin yung memorya niya? Teka, nasa dulo na ng dila ko!” habang iniisip ko ay napatingin ako uli sa pwesto nina Cin, nakahawak siya sa ulo niya at nakita ko ang paghawak nung lalaki sakaniya. Akmang tatayo na sana ako ng magsalita si Nion.

“Chaser, Ice, at Heineken!” madiin niyang sabi, pero imbis na pansinin siya ay napunta na agad ako kay Cin, kasi natumba siya. Aba gago, anong nangyari?

Hinila ko siya mula sa pagkakahawak nung lalaki at matalim na tinignan yung lakaki. “Gago, sino ka ba?” nakita ko ang pag hawak ni Nion sakin.

“Leaf, si Cin.”

Kinwelyuhan ko ‘tong lalaki at tinignan sa mata, “Anong ginawa mo?!” madiin kong tanong, nakita ko naman ang pag singhap ng mga nakakita. Itinaas niya ang kamay niya na parang sinasabihan akong kumalma.

Binitawan ko siya ng pabagsak tsaka tinignan si Cin, wala siyang malay. Galit man ako pero tinulungan ko si Nion na dalhin siya sa clinic. Kung sino man iyong lalaking iyon, babalikan ko siya, aba gagong iyon.

Pagkarating sa clinic imbis na bigyan pansin si Cin, nagtanong lang yung nurse--

“Anong nangyari?” potah.

“Nurse ka ho ba talaga, ayan tignan mo oh walang malay sige, kami muna. tanungin mo muna kami ng tanungin bago mo siya bigyan ng lunas.” bwiset, kita ng mamutla mutla na yung kaibigan namin tapos hindi niya muna bibigyan ng lunas, aba anong klase

Nakita ko ang pagpipigil ng galit netong nurse, edi magalit siya. Kung alam ko lang na gan’to kapangit dito hindi na sana kami lumipat. Lumabas ako sa clinic, kasi pakiramdam ko sasabog ako sa inis. Narinig ko pa ang paghingi ng tawad ni Nion para sakin, tsh.

Inabot ko ang phone ko tsaka tinawagan sina lola sen para sabihin ang nangyari. Sabi nila pupunta na raw sila, hay badtrip. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng pinto, malamang nakasalampak walang upuan amp, so poor.

Nang tignan ko ang oras, simula na ng klase, pero wala akong pake. Nakakabanas! Maya maya lang dumating na sina lola sen. Nang makita niya ako ay agad niya akong tinanong kung nasaan si Cin, agad kong tinuro ang clinic. Agad siyang pumasok habang si Lolo naman ay  tinanong ako kung anong nangyari. Edi kinwento ko, nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Humingi naman ako ng tawad, pakiramdam ko i failed as Cin’s friend. Oa na kung oa, sa aming tatlo kasi si Cin yung pinaka-fragile. Kung pwede lang, ibabalot ko ng bubble wrap si Cin ng maingatan talaga.

$#@&

𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥: 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝗮 𝘄𝗼𝗿𝗸 𝗼𝗳 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻. 𝗡𝗮𝗺𝗲𝘀, 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗮𝗰𝘁𝗲𝗿𝘀,  𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀𝗲𝘀, 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝘀, 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗮𝗿𝗲 𝗲𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿'𝘀 𝗶𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗿 𝘂𝘀𝗲𝗱 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗺𝗮𝗻𝗻𝗲𝗿. 𝗔𝗻𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘁𝗼 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀, 𝗹𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗿 𝗱𝗲𝗮𝗱, 𝗼𝗿 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗶𝘀 𝗽𝘂𝗿𝗲𝗹𝘆 𝗰𝗼𝗶𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spice and BeerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon