Chaser

9 1 0
                                    

"Cin, sigurado ka bang magtitino ka na? Baka akala mo hindi ko malalaman na may pinatid ka, aba aba---" imbis na pakinggan pa ang mga lintanya ni granny ay umupo na ako sa tabi ni lolo, ikalawang araw na ng pasok. Ewan ko kung saan niya nalaman na may pinatid ako, hay nako sabi ko na pinapabantayan ako ni granny e.

Nakatali ng mataas itong buhok ko, feeling ko nga ako si rapunzel e, haba ng hair ko pero hindi naman ako nagrejoice. Sarap ng breakfast namin, paano na ang diet ko neto? chos, anong diet diet asa sila.

Agad kong tinapos yung tapsilog ko, kesa naman dakdakin pa ako ni granny. Paglabas ko saktong paglabas din ng dalawa. Nang makita ko agad si Leaf ay binatukan ko siya.

"Aray naman!"

"Boba ka, akala mo nakalimutan ko? Hindi mo dinefuse yung bomba may pa-emote emote ka pa kasi, balik master ule tayo!" gigil kong sabi, oo ang tinutukoy ko ay ang larong call of duty. Eh, paano ba naman naclutch niya nga yung tatlo, hindi niya naman nadefuse yung bomba.

"Oo nga, Leaf. Ikaw naman Cin, ikalma mo iyang bibig mo. Andiyan na yung van, ako sa harap." panira talaga 'tong si Nion, anyways, sumakay na kami sa van.

Feeling ko ang ganda ganda ko, ano ba iyan. Mukha akong bida sa isang romcom anime series, yay! Inabot ko yung bag ko tsaka kumuha ng litrato, hay ang ganda ganda ko! Tinignan ko ang litratong kinuha ko, naka peace sign pa ako, kawaii!

Isinukbit ko yung earphones ko sa tenga ko, sinusubukan kong sumabay sa kanta kaso parang wala sa tono yung kumakanta. Ibinaba ko nalang ang phone ko tsaka tumingin sa daan.

Inaalala ko pa rin ang kabataan ko, wow kung makapag salita akala mo naman ang tanda tanda niya na. Anyways, wala kasi akong masyadong maalala. Basta ang alam ko, gumising ako and ang sabi nila saakin kaibigan ko raw iyang dalawang lukaret.

Ewan ko nga kung bakit sila kasama ko ngayon imbis na yung nanay ko e, ayaw nila akong papuntahin sa ibang bansa. Ikinakahiya kaya nila ako? Bakit naman, aba ang ganda ko kaya, tapos matalino rin naman ako kahit papaano.

Sa sobrang pagmumuni hindi ko namalayan na andito na pala kami. Pero sigurado na ba talagang dito na kami maga-aral, kasi parang tanga lang. Bakit hati ang school? Bakit hindi ko kasama sina Leaf and Nion?

Hindi na agad ako bumaba, ano ipapahiya ko nanaman sarili ko? Hindi 'no, ang balak ko ngayon mag mukhang cool kid para maangas. Nauna akong bumaba, dala dala ang puting bag. Hinintay ko sina leaf na makasabay ko.

Napagpasyahan na muna naming pumunta ng cafeteria, wala nagugutom ako e. Pumila na kami at nang makita ko si ate ay kumaway agad ako, aba dapat kinakaibigan ko sila malay niyo makatulong sila saakin pag dating ng araw. Ganun kasi yung sa nababasa ko ano ba.

"Good Morning, Ate! Order nga po ako ng Macaroni tsaka water nalang po." nakangiti kong sabi tsaka siya inabutan ng cash, nginitian niya rin ako at sinabing maghintay daw ako. Malamang, medyo ano ren si ate e.

Umorder na rin yung dalawa oh diba, akala mo hindi kami nag agahan ah. Okay lang iyan, sexy pa rin naman ako kahit kumain ako ng marami. Habang naghihintay nagulat ako ng may umakbay sakin, whut the heal?

Mabango pero nang tignan ko kung sino, isa sa tropa nung pinatid ko. Hala, babawian na ba nila ako? Magkakajowa na ko mga sisztmars! Magkakajo-- ay oo nga pala cool kid ako, kaya mabilis kong hinatak ang braso niya at ipinaikot katulad ng sa napapanood ko. Kita ko ang gulat nila Nion at Leaf, pati na rin ng mga nakakita.

"Aray, aray! P're chill ano ba. Hindi mo ba kilala ang gwapong ako?" anong pre? tingin niya sakin tropa niya. Aba hindi pinepre pre yung magagandang tulad ko, ekis siya sakin. Tinignan ko lang siya ng matalim, siya lang mag isa, wala pa yung dalawang tropa niya.

"Sino ka ba aber?" sagot ni Leaf ng makabawi siya sa pagkagulat. Nakita ko ang pag angat ng labi netong lalaking 'to para pang nangaasar.

"At ikaw, sino ka naman? Final na Cin, hindi mo na ako kilala? Ouch naman, crush mo kaya ako nun!" nakangusong sabi ng lalaki, bakit kilala niya ako? Crush? Ako crush ko siya nun? Asa siya, goggles.

"Sino ka ba, mare? Kilala ba kita, kung pinagtritripan mo lang ako kasi pinatid ko yung tropa mo, sensya na ha? godbless. Ate, yung macaroni ko po may extra cheese!" nakita ko naman ang pagkagulat netong lalaki, habang si Nion naman ay hinila na si Leaf para humanap ng upuan.

"M-mare? Chaser, Chaser Fonacier. Ikaw ha, pagkatapos mong umalis papuntang ibang bansa hindi mo na ko kilala!" nagtatampong sabi niya, agad naman akong napahawak sa ulo ko ng kumirot iyon.

"Hello! Ako nga pala si chaser! Bago ka palang ba dito? Halika, ipapakilala kita kina ice tsaka hein hihi!"

Mariin kong pinisil ang ulo ko, may naririnig akong boses ng mga bata. Ano ba 'to? Bakit parang kilala ko siya, bakit parang---

$#@&

𝗗𝗜𝗦𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗘𝗥: 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝗮 𝘄𝗼𝗿𝗸 𝗼𝗳 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻. 𝗡𝗮𝗺𝗲𝘀, 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗮𝗰𝘁𝗲𝗿𝘀, 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀𝗲𝘀, 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝘀, 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗮𝗿𝗲 𝗲𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿'𝘀 𝗶𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗿 𝘂𝘀𝗲𝗱 𝗶𝗻 𝗮 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗺𝗮𝗻𝗻𝗲𝗿. 𝗔𝗻𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝘁𝗼 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀, 𝗹𝗶𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗿 𝗱𝗲𝗮𝗱, 𝗼𝗿 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀 𝗶𝘀 𝗽𝘂𝗿𝗲𝗹𝘆 𝗰𝗼𝗶𝗻𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹.


Spice and BeerWhere stories live. Discover now