kabanata 4

383 28 3
                                    

HININTO ni Irish ang kotse sa tapat ng mansyon ng mga Villarica. Ibinigay ni Redeemer ang address nila kani-kanina. Alam naman niya kung saan ito nakatira pero para makaiwas sa paghihinala hiningi niya ito. Marahan siyang tumingala sa mansyon na nasa kanyang harapan. Unang nahagilap ng kanyang mga mata ang isang babae na si Emilia na nakatayo sa terrace, nakatingin ito sa direksyon nila.

“Salamat sa paghatid sa akin,” entro ni Redeemer. “At salamat rin sa pagligtas ng buhay ko.”

Tumingin si Irish sa nagsasalita na katabi niya sa driver seat. “Walang ano man. Basta ipa-imbestiga mo ang nangyari kagabi. Kung may maitutulong ako sa investigation, alam mo kung saan ako makikita.”

“Sige. By the way, what is your name?” tanong ng lalaki.

Irish smiled. “Irish Barquin, you?” Inilahad niya ang kaniyang kamay para makipag-kamay sa kausap.

Tinanggap rin ito ni Redeemer. “Redeemer Fhryck Villarica.”

“Nice to meet you, Redeemer,” she said while smiling.

“Nice to meet you too,” he gladly said.

Binitiwan nila ang kamay ng bawat isa. Lumabas si Redeemer sa kotse nang makitang papalapit si Emilia sa dereksyon nila. Nakatingin lamang si Irish habang nag-uusap ang dalawa sa labas. Lumingon sa kanya ang binata at sininyasan siyang lumabas. Lumabas rin agad ito at lumapit sa dalawa.

“Mom, this is Irish. Siya ang sinasabi ko kanina na nagligtas sa akin,” pagpapakilala ni Redeemer kay Irish sa kanyang ina.

“Oh, you. Thank you for saving my son,” Emilia  said. “Anong gusto mo? Pasok ka muna para makapag-usap naman tayo.”

Isang tili ang kumuha ng kanilang pansin. Napalingon sila sa bandang kaliwa kung saan nanggaling ang boses. Patakbong palapit sa kanila ang isang babaeng may-ari ng boses na si Elara.

“Fryck! Kumusta ka? Alalang-ala kami sa iyo. Si Manong Renz ang nagsabi sa amin na may nagkidnap sayo. Ayos lang naman siya. Pinauwi muna namin siya sa kanila,” ani Elara. “Nabaril  rin si kuya Wren kagabi.”

“Si kuya nabaril? Is he okay?” may pag-aalalang tanong ni Redeemer.

“He was snipped at his office," there was a slight tremble in Elara‘s voice. "Hindi ko alam kung anong condition niya ngayon. Hindi pa kasi tumatawag si ate Colene. And dad is there.”

Nakikinig lamang si Irish sa nag-uusap. Wala siyang balak na sumali sa usapan ng magpamilya. Nagmamasid-masid lamang siya sa bawat reaksyon ng mga ito.

“Buti pa pumasok na tayo aa bahay. We're not safe here,” mungkahi ni Amelia. “Halika kayo. Redeemer, papasukin mo na rin ang kasama mo.”

“No tita Amelia! Hindi natin siya kilala!” tutol ni Elara. “Hindi tayo puwede magpapasok ng kung sinu-sino sa bahay.”

"But ate... siya ang nagligtas sa akin,” sabi ni Redeemer dito.

“Oh...” hindi makapaniwala si Elara. “Sige kung ganun.”

Napayuko silang lahat nang biglang may umalingawngaw na isang putok ng baril na halatang si Elara ang target ng pamamaril. Patakbo silang pumasok sa loob mansyon.

“Everyone get inside! Faster!” Amelia shouted.

Hawak ni Redeemer ang pulsunan nina Elara at Irish habang papasok sila ng mansyon. Pagdating nila sa living room, pinakawalan ni Redeemer ang kamay ng dalawa.

Assassin's Heartbeat Onde histórias criam vida. Descubra agora