"Love, andyan ka pa ba?" tanong nya

"Oo Love, este Kaizen..ano ba yan..Raine na lang kasi tawag mo sakin..naiilang kasi ako na Love an tawag sakin.."

"Sige na nga Raine, by the way, may mga gamot na binigay yung family doctor namin sabi ibigay ko daw sayo..pwede ba tayo magkita?" sabi nya

Wrong timing naman, "Sorry ha, may lakad kasi ako ngayon e, next time na lang?" naghihinayang na sabi ko

Nagokay naman sya at natapos na ang tawag..

Umupo na ko sa tabi ni Ash, "Sino ba yun?kanina halatang kinikilig ka..tapos ngayon parang pinagbaksakan ka ng langit at lupa..dinaig mo pa yung problema ko sa shop ah.." sabi ni Ash

"Hindi naman ah.." pagtanggi ko

"Ay naku Love Raine ha, ako pa ba lolokohin mo..kilalang kilala na kita..sinasabi ko sayo..kung inlove ka na ulit..isipin mo muna yang sarili mo..wag bigay todo ha" sermon nya

"Inlove agad?hindi naman siguro bes.." sabi ko

"Kitams,sabi na nga meron e..huling huli ka talaga bes..sino ba yun ha?" panguusisa nya

"Si Kaizen" pagamin ko

Sumigaw si Ashley at nagtitili, "Waaaaaah talaga bes??yung boy next door..ay naku bes, unang kita ko pa lang sakanya alam ko na type ka nun..at bagay kayo bes..at infairness naman bes yummy at may appeal sya ah.." papuri nya kay Kaizen

"Imposible naman yun bes, hindi kami bagay..hello..7yrs ang tanda ko sakanya.." sabi ko

"Hoy Love Raine..age doesnt matter sabi diba..tsaka di naman halata..pwede pa nga kayo pumasok sa bahay ni kuya..PBBTeens lang ang peg.." pagkumbinsi nya sakin

"Puro ka kalokohan bes, ayusin mo nga muna yung problema mo sa shop...ano oras na o, wala ka pa nakikita dyan.." sermon ko sakanya

Napatayo naman sya, "Problem solved na bes!!!yehey!!!you're my savior talaga!!!" tuwang tuwa na sabi nya

"Teka nga, may nahanap kana?" nagtatakang tanong ko

Hinawakan nya ko sa kamay, "Oo bes, at alm kong tutulungan mo ko..tawagan mo na sya bes"

"Ha?sino?staff ko sa resto?" tanong ko..

Umiling sya

"E sino nga?" naguguluhang tanong ko

Nakangiti sya ng abot hanggang tenga

"Si Mr.Boy Next Door..

...si

Kaizen...."

Kaizen's POV

Nalungkot ako bigla kasi di ko sya makikita, aaminin ko gumawa lang talaga ko ng paraan para makipagkita sakanya...bumili ako dun sa family doctor namin ng mga kailangang gamot ni Raine..at yun nga ang dinahilan ko para magkita kami..pero wrong timing naman at hindi sya pwede..

Ang saya saya ko kanina nung kausap ko sya..sa totoo lang kinikilig ako..

Tama..

I Fall for her...

..gusto ko sya..

Nagulat na lang ako ng nagring ang fone ko..

Shit!

Eto na naman ang puso ko...

calling...

LoveRaine♥

Sinagot ko agad yung tawag..

"Hello, Kaizen".. sabi nya, shit kinikilig talaga ko marinig ko pa lang na binabanggit nya ang pangalan ko

"Hello Raine..napatawag ka?may problema ba?" tanong ko sakanya

"pwede ba tayo magkita?tanong nya

"Sure, sige..okay lang..puntahan na lang kita..aalis na ko ngayon, hintayin mo ko.." sunod sunod na sabi ko sakanya..di naman halatang excited no..

Nagmadali na kong umalis, sa bahay na lang daw nila ako magpunta..

Wala pang isang oras, andito na ko sa bahay nila..pinalipad ko na ang kotse ko para lang makarating agad dito.

Nakangiti naman akong sinalubong ng bestfriend ni Raine..

"Ang bilis mo ah, ganyan ba ang nagagawa ng pagibig" panunukso nya sakin

Lumabas naman si Raine "Bes, tumigil ka nga dyan..Kaizen pasok ka.." sabi nya

Pinaliwanag nila sakin kung bakit nila ako pinapunta, magmomodel daw para sa cover ng magazine..hindi naman ako nagdalawang isip na tulungan sila..medyo may experience na naman ako sapagmomodel e..

Agad kaming nagpunta sa shop ni Ashley na malapit lang pala dun sa bahay nila..pinaghanda na nya kami para sa photoshoot..

Inayusan at binihisan nila ko..at ngayon hinihintay namin na matapos si Raine..

At..

napatayo ako ng makita ko sya..

..biglang tumigil ang mundo ko..

akala ko sa pelikula lang at palabas sa tv ngyayari ang ganitong eksena..pero hindi pala..

shit!

..ang ganda nya...

..ang bilis ng tibok ng puso ko...

..isa lang ang alam ko..

..mahal ko na ang babaeng nasa harapan ko ngayon..

kahit bago pa lang kami magkakilala alam na ng puso ko..na sya ang mahal ko...ang mamahalin ko...

..at ang babaeng ihaharap ko sa altar...

Bigla naman akong natauhan ng nagsalita sya..

"Hoy, okay ba yung itsura ko??ang pangit ko siguro no?" sabi nya

"Hindi ah..

...ang ganda mo.." sabi ko

"Ehem, dyan sa ganyang titigan nagkatuluyan ang lolo't lola ko e.." biro ni Ashley

"Loka ka talaga bes, okay ba talaga itsura ko?baka naman nakakatawa mukha ko ah.." si Raine

"Ano ka ba bes, lahat nga ng tao dito napanganga sa kagandahan mo, including yang lalaking nasa harap mo e.." natatawang sabi ni Ashley

Speechless ako..

maganda na naman sya kahit walang makeup..pero ngayon..

lalo sya gumanda..

at lalo ako nahuhulog sakanya..

at simula ngayon..

ipapakita at ipaparamdam ko sakanya

na

mahal na mahal ko sya...

--------->pic nila na naging cover ng magazine :-)----->

Ikaw Parin :-)Where stories live. Discover now