Chapter 6

38 1 0
                                    

Raine's POV

Napagpasyahan ko na hindi na muna pumasok sa restobar, puro sermon kasi aabutan ko kapag nagpumilit pa ko..naabutan ko si Ashley sa sala na hindi maipinta ang mukha..

Nilapitan ko sya, "Ano problema?bakit ganyan itsura mo..para kang nalugi dyan" sabi ko

"Malulugi nga ako bes, kapag di ko nagawan ng paraan ang problema ko..nakakainis kasi!!!waaaaah" pagmamaktol nya

"Hoy Ashley Chua, ano ba talaga problema??sa shop ba?" tanong ko sakanya

"Eh kasi ba naman, yung dalawang models ko para dun sa cover ng Ash magazine..biglang nagbackout..hindi naman pwede ipostpone kasi madedelay yung release..wala naman ako basta basta mahahanap na kapalit dun.." naiiyak na paliwanag nya

"Si Jem?di ba sya pwede?im sure matutuwa yun kapag kinuha mo sya.." suggestion ko sakanya

Nalungkot naman sya lalo, " Naisip ko narin yan bes, kaso sa kasamaang palad..kung kelan kailangan ang lalaking yun saka naman wala..may business trip daw sya sa Cebu..sa Sat pa yung balik nya.."

Inakbayan ko sya, "Kung pang model sana ang beauty ko bes kanina pa kita natulungan..kaso hindi e.." pagaalo ko sakanya

Bigla syang tumayo at tinitigan ako na mabuti..saka itinayo..

"Bes!!!!you saved me!!!!iloveyou na talaga" biglang yakap nya sakin

"Teka lang teka lang hindi ko ata gusto ang naiisip mo..dont tell me ako gagawin mo model??ay naku bes..gusto mo ba lalong malugi yang business mo?" sabi ko

"Kala ko ba bestfriend kita..kala ko ba tutulungan mo ko..akala ko lang pala ang lahat..." nagiyak iyakan syang kunyari

Hays, buntong hininga ko.. "Okay fine, you win..payag na ko" pagpayag ko sakanya

Bigla naman syang nagtatalon at niyakap ako, "Sabi na nga ba di mo ko matitiis..yehey!!!isa na lang problema ko, male model na lang.." masayang sabi nya

"Marami ka naman makukuha dyan, sa resto yung mga staffs ko..good looking naman sila baka may mapili ka" suggestion ko ulit

Parang nagiisip naman sya, "Hmmmm..ang kailangan ko kasi yung hindi basta good looking lang, need kasi yung guy na sa unang tingin pa lang..mabibihag na yung puso mo..kahit simpleng pose lang nya mapapatitig ka at saka mapapangiti..in short may appeal.." paliwanag nya

"Bigla naman ako nahiya dun bes, wala naman ako appeal e..tsaka hindi naman ako fashionista..tingnan mo naman ako oh" reklamo ko sakanya

"Sa appeal bes wala ka problema kasi meron ka nun..maniwala ka sakin, tsaka wag ka magalala aayusan naman kita at hindi naman ako mahihirapan sayo e.." sabi nya

Bigla namang nagring ang fone ko, "Wait bes ah, ill take this call muna.." paalam ko sakanya

calling...

Mr. Lee

Shit, ang puso ko bakit ganito..

"Hello, Ms.Love" sabi ng nasa kabilang linya

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses nya

"Mr. Lee napatawag ka"

"Masyado ka naman pormal, Kaizen na lang" sabi nya

"Ikaw din kaya, Love na lang..este Raine pala" pagtatama ko

"Mas gusto ko yung Love, " sabi nya

Ano ba to, bakit kinikilig ako e yun naman talaga ang pangalan ko..

"Bes, sino ba yang kausap mo..si Jem ba yan?bakit parang kinikilig ka dyan"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ash, pinatahimik ko naman sya

Ikaw Parin :-)Where stories live. Discover now