EPILOGUE

41 4 0
                                    

Francine POV

Mabuti nalang at may taong pumasok sa loob ng kwarto dahilan para tumigil si master sa ginagawa sa'kin, naitulak panga ako nito nang malakas kaya nahulog ako sa baba ng kama, kaya ngayon ay nanakit ang likuran ko sa ginawa niya.

"A-hmm Dre, may binili kaming snack" Nakapikit pa akong dahan dahan na tumayo habang nakahawak sa bewang at palihim na iniinda

"Francine, snack gusto mo?" umiling ako sa alok ni Roy at palihim na sinamaan ng tingen si master na hindi sa'kin makatingen ng deritso

"Sige. Labas ulit ako, ahem. Enjoy" tinignan ko si Roy na parang ngumingiti pa at nang tuloyan na itong makalabas ay binalingan ko naman ng tingen si master.

Napatikhim siya habang mabilis ang pagkurap ng mata

"Tsss. mag sorry ka sa'kin" nakatayo ako sa kanang gilid niya habang nakatingen sakaniya. Nag-angat naman siya ng tingen habang may inosenting matang tumingin sa mukha ko

"Bakit? pag nahuli tayo, baka kung anong isipin niya" nakanguso niya pang sabi kaya hindi talaga ako makapaniwalang tumingen sakaniya.

"Hindi yon! halos mamatay ako sa nerbyos at kaiiyak ng dahil sayo tapos ito? Buhay na buhay ka?" Napasintido ako habang nakatingen sakaniya.

"eh sino bang nag sabing patay na ako? ang OA mo" napasinghal lang ako sa sinabe niya dahil para siyang bata kong umasta ngayon.

"Tsk! Hindi talaga ako makapaniwala, kumain kana muna. Lalabas lang ako" tumalikod ako sa gawi niya ngunit hindi paman ako nag-sisimulang mag lakad ay hinawakan niya na ang kamay ko

"Sabi mo hindi mo ako iiwan. Nangako ka ugly maid" nakatingen siya sa'kin ng seryuso kaya wala akong nasabi.

Ang kulit rin eh tss.

Hindi ako nagsalita at umupo nalang sa upuan na malapit sa higaan niya.

"Ipagbalat mo ako ng mansanas, pasyente akong dapat alagaan" napairap ako sa sinabe niya. Halata naman kasing naghahangin siya, sinunod ko ang sinabe niya tsaka kumuha ng mansanas sa tray at ang maliit na kutsilyo narin na katabe lang ng tray tsaka nagsimulang magbalat

"May tanong ako ugly maid" saad niya. Hindi ko siya nilingon at ipinagpatuloy lang ang ginagawa

"bakit ka umalis ng hindi sinasabe sa'kin?" Natigilan ako sa tanong niya.

"kasi kailangan" napabuntong hininga ako. Hiniwa ko sa apat ang mansanas tsaka ako na mismo ang nagsubo sakaniya nong isang piraso

"sobrang kailangan ba at hindi ka nagpaalam sakin? Inisip mo ba ako ugly maid?" titig na titig sa akin si master at sobrang seryuso ng mata niya. nag-iwas ako nang tingen dahil hindi ko manlang alam kung ano ba ang isasagot sa tanong niya

"Answer me ugly maid" Porsigido niyang saad ngunit hindi parin ako umiimik.

"sinadya mo bang saktan ako dahil sa ginawa ko? Dahil ba sa nagselos ka kaya umalis ka nang walang paalam?" Napapaas ang boses niya at unti-unti ring humihina, batid kong sobra ko siyang nasaktan ngunit hindi ko manlang masabi sa kaniya ang dahilan ko, na kung bakit hindi ako nagpaalam.

"Hindi." hindi ako lumilingon sa gawi niya upang itago ang luhang unti-unting pumapatak.

"Hindi ganon 'yon, umalis ako dahil kailangan ko. Umalis ako hindi dahil nag-selos ako" napakagat labi akong napayuko at pinahed ang luha sa pisnge.

"kung nasaktan kita, nasaktan ko rin ang sarili ko. Umalis akong walang paalam dahil alam kong hindi ako makakaalis kapag makita kita" nag-angat ako nang tingen tsaka siya nilingon na may pang-gigilid ang luha

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Sep 05, 2023 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

STILL MY MASTER S2 [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt