Chapter 2 - My Boss
Kim pov
After 6 Months
ang bilis noh eh wala naman kasing masyadong nangyari sa amin kasi ganun pa rin magkakasama pa rin kami
nung August nga nanligaw si Mico sa akin pero hindi ko muna sya sinagot dahil di naman ako sure kung may nararamdaman ako sa kanya pero sabi nya gagawin daw nya lahat para magkagusto din daw ako sa kanya
si Zacharias naman, ayun nagpapakasingle kasi inaantay daw ako, talaga lang ah !!!!!
si Shin naman broken hearted dahil ninakawan lang sya nung boyfriend nyang pogi
si Stephanie naman may nanliligaw na sa kanya pero hindi nya muna daw ito sasagutin kasi gusto nya kapag sinagot na nya ito ay sure na sure talagang mamahalin sya ng totoo
maliban sa kanilang apat meron din palang isang nangyari na muntik ng ikalunggkot namin
dahil nung November ay sinugod si Jay sa Hospital, hindi ko alam kung bakit sya sinugod basta nalaman na lang namin na may cancer sya at stage 3 na daw ito
*Flashback*
" kim 5th Monthsary na pala nina Peter at Jay " shin
" oo nga eh, kaiingit sila noh " ako
" meron ka naman kasi, bakit ayaw mo lang sagutin " shin
" ah .. si mico eh sa ayaw ko at saka parang wala naman akong nararamdaman sa kanya " ako
" eh bakit ano bang pakiramdam mo kapag kasama mo sya " shin
" siguro masaya " ako
" bakit ka naman masaya " shin
" kasi masaya sya kasama para kasi syang bata kumilos basta yun na yun " ako
" ayiiiiiieeeeeeeee, alam mo kim walang masama kung magmamahal ka ulit kasi ganun talaga ang buhay pag-ibig, sa una masasaktan at masasaktan ka talaga pero kapag sinubukan mong ulit buksan yang puso mo eh mawawala yung nararamdaman mong sakit " shin na biglang naging seryoso ang mukha tapos turo sa dibdib ko na parang tinutukoy nya yung puso ko
" ah kaya pala " ako
" kaya pala, ano ? " shin na nagtataka
" na masaya ka kahit niloko ka lang pala nung lalaking yun " ako
YOU ARE READING
My Ex & My Boss (Completed)
RomanceBabaeng umibig ulit kahit harap-harapan na syang sinaktan ngunit hindi nya inaasahan na sa kanyang pagbabalik bilang isang Star Princess sa Star Mafia ay may makikilala pa sya na dalawang lalaki na magpapagulo sa kanyang damdamin. Sino ang mananaig...