CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Chapter 3
FLORA

"Hoy ano sayo?" Sigaw saakin ni Melion.

"Una na ako may kasabay akong kumain ngayon e." Naglakad na ako papasok sa canteen at di na hinintay na makapagsalita sila napaka ingay e.

Paano ko nga pala mahahanap yun e di ko nga pala alam yung itsura niya.

May biglang dumaan sa harap ko isang nerd na babae muntik na akong matumba buti nalang nabalanse ko pa ang sarili ko.

"Miss Cressida." Napalingon ako sa nerd na sumigaw nun tinawag niya yung nakatalikod na babae. Nakaupo na siya at mag isa lang sa table.

Mukhang nakita ko na ang hinahanap ko.

Pinatapos ko muna ang usapan nila at nung umalis na yung babae ay lumapit ako at tumayo sa hilid niya.

"Miss Bliss?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes--" natigilan siya ng makita ako.

Wait siya yung babae kahapon. Yung sinabing gusto niya daw yung kapatid ko... yung babaeng hinalikan ko kahapon sa classroom ng elementary.

Tumingin siya saakin ng masama at tumingin sa pagkain niya.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya.

"Ahmmm ano- ahmm" tumingin ulit siya saakin ng masama para bang sinasabing umalis sa harapan niya.

"Okay, okay. Wag mo akong tignan ng masama sorry sa nagawa ko kahapon" umupo ako sa harap niya. "Niloloko lang naman kita e. Sige ganto nalang tutulungan kita sa kapatid ko para makalimutan mo na yun."

"Actually nakalimutan ko na e di na kailangan." Sabi niya ng mahinahon pero alam kong naiirita siya sa presensiya ko siya nga si Sunny.

"Sige aalis nalang ako total ayaw mo narin naman na sa kapatid ko." Tatayo na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita siya.

"Sinong may sabing umalis ka?"

"Sabi mo di mo na ako kailangan?" Ngumisi ako sa kaniya at umupo ulit ako.

"Di kita kailangan pero gusto ko lang pagbayaran mo yung ginawa mo." Sabi niya at di makatingin ng deretso sa akin.

"Sige sabi mo e." Tumayo na ulit ako para sana kumuha ng pagkain ng pigilan niya ulit ako.

"Saan ka nanaman pupunta?" Inis niyang sabi.

"Babe babalik rin ako agad kukuha lang ako ng pagkain ko."
Dahil sa lakas ng boses ko ay maraming nakarinig kaya nahiya siya at binitawan ako. Tumatawa nalang akong umalis sa harap niya at bumili ng pagkain.

Pagbalik ko sa lamesa ay sinipa niya yung paa ko.

"Ouch! What was that for?" Grabe ansakit nun ah.

"That's for shouting and calling me babe." Natapos na siyang kumain. Ang bilis naman niyang kumain.

"Okay sorry babe." Pinipigilan ko yung tawa ko at susubo na sana pero sinipa niya ulit ako ng ilang beses. "Okay sorry sorry hindi ko na uulitin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FLUER DE SOLEIL (on going)Where stories live. Discover now