Disclaimer:
All of my characters are flawed and have imperfections. Even the main ones in their own way. So kung ayaw niyo ng gano'n, feel free to skip this book and maghanap ng iba na aligned sa standards niyo. ^^
P.S. Please wag niyo tularan si Sunny sa anxious perfectionist era niya 🙏🏻
PROLOGUE
I have everything planned for my future. And I can't afford to mess or ruin one single thing that affects it.
The rains and thunders are comforting through my worst night, I could see in my window while facing my computer how the night sky was even darker due to the gloomy clouds crying and roaring nonstop.
Sa mabibigat na pagpatak ng ulan ay kasabay ng aking pag-iyak ngayong gabi. Ni hindi ko na makita ang computer screen ko nang maayos dahil sa labo ng mga mata ko, punong-puno ng mga sunod-sunod na nagbabadyang mga luha.
I failed a single yet the most crucial thing for my entire plan to be perfect.
Hindi ako natanggap sa tatlong pangarap kong universities. Hindi ko magawang tanggapin ang mga emails na na-receive ko at ang mga resultang nakuha ko.
I was confident answering my entrance exams because I reviewed for almost two months. I made sure that I comprehend each topics well. Nakailang trial test pa ako at lahat naman ay nakakuha ako ng matataas na scores. So why was I not accepted?!
Not to be bitter or anything, but Natasha― my bestfriend― got accepted to one of those three big universities that I also applied for. Bakit siya lang?! Bakit hindi rin ako?!
Maganda sanang kaming dalawa ang natanggap para magkasama pa rin kami sa kolehiyo. Pero wala.
Natasha didn't even do anything wrong but she kept on saying sorry to me, seeing how devastated and disappointed I reacted. She knows all of my plans and also knew how I badly need to succeed those. Junior high pa lang kami ay witness na siya sa mga gusto kong marating. Ganoon din ako sa kaniya. Kaya siguro naramdaman niya 'yung nararamdaman ko.
Yes, I am desperate. For my plans to be perfect, I badly need to succeed on everything.
That's why I'm here in the middle of night, facing my computer. Mag-aapply ulit ako.
Kailangan kong maghanap ng isang unibersidad, public man o private. Hindi ko naman kailangang mag-alala sa tuition fee, nasa youtube channel ko at sa mga artworks ko ang mga perang kinikita ko.
Kung tutuusin ay maganda ngang marami kang pagpipilian kesa sa hindi matanggap sa nag-iisa mong in-applyan. I admire the other people's bravery for taking risks to that but as for me, I will not allow myself to only have one option. Lalo na kapag tungkol sa unibersidad na papasukan.
I'm an overthinker, I believe na maganda ito dahil naiisip mo ang bawat posibleng mangyayari. Sa ganoon ay babawasan mo ang mga negatibong posibleng mangyayari sa pamamagitan ng paghanap ng magandang solusyon at paghahanda. With that said, it makes me anxious that I might not be accepted. Maganda nang may back-ups. But look at me. May mga back-ups nga, hindi rin naman natanggap. Ending? Wala rin.
Pinunasan ko nang marahan ang huling huling papatak sa pisngi ko habang naghahanap. Bawat link ay pinipindot ko at binabasa lahat ng tungkol sa unibersidad nila.
Una ay syempre tinitignan ko kung anong mga course ang mayroon sa kanila. Tapos mga reviews o kahit ano pa. Ang mga propesor na ipinapakita sa website ay iniistalk ko, kung saan sila nakapagtapos at ano ang mga credentials nila. Ano ang mga sinu-suporta nila? Saan sila active? Those kind of things and many more.
Halos nabuksan ko na yata ang lahat ng mga university websites pero hindi talaga ako makapag-decision kung alin. Iyong iba naman ay hindi na available, meaning sarado na ang application. Malapit na kasing matapos ang bakasyon.
Gusto ko kasi ay iyong masasabi kong marami akong makukuha sa unibersidad na iyon lalo na tungkol sa course na kukunin ko. Ang sabi sa 'kin kasi ng iba ay huwag kang mag-apply sa mga magagara at sikat na unibersidad. Sikat nga at malaki ang reputasyon, hindi naman naayon sa course na kukunin.
Habang nagbabasa pa ako ng isa pang link ay may nag-pop up sa tabi ng website. Isa itong ad na nag-o-offer na makapasok sa university nila. What caught my attention, especially, was the logo design of it. What stood out was the pentagon shape in the middle with a globe. Sa tabi ng logo ay doon nakasulat ang pangalan. Atlas Pentagon International University.
Kumunot naman ang noo ko. A foreign university? Sa Pilipinas lang ako mag-a-apply. Noong una ay inignora ko iyon pero hindi nagtagal ay mas lalo akong na-curious.
Wala naman sigurong masama kung sisilip ako.
After all, it's just a foreign one. Titignan ko lang kung anong mayroong courses sila na wala dito sa bansa.
Napagpasya kong pindutin ito, at nang lumabas ang website ay mas lalo akong nagtaka nang makita ang lokasyon nito na nasa Pilipinas lang pala. I mean, yeah, there are international schools or universities here but I don't think there is a university named like that.
And it has existed many years ago?
Sinubukan kong tignan kung sino ang mga propesor na nafi-feature sa website pero ni isa ay wala akong makita. Only the contact details. The link for online application. And the location.
Sinubukan kong i-search ang pangalan nito pero wala ni isang lumabas na review. Wala kahit isang student na nag-post tungkol sa experiences, opinions, kahit random post habang nag-aaral sila doon.
Okay? Siguro medyo strikto lang ito tungkol sa pagpo-post. And maybe too much private.
Bumalik ako sa tab kung saan naka-open ang link, mabuti na lang at sa dulo ay naroon ang pangalan ng principal. Warrick Pentagon.
Sinearch ko ang pangalan niya at may ilang lumabas na resulta. He's a dignified man with impressive credentials. May isang litrato siya na nakatayo sa harap ng gate ng university. He's half-foreigner and half filipino. I figured out he has an older cousin, iyong may-ari ng university ngunit walang mukha na lumalabas kapag sinearch ko 'yung Atlas Pentagon. They're being too much confidential.
Bumalik ako sa website saka ko tinignan ang mga courses na ino-offer nila. Halos magising ang inaantok kong diwa nang makita ang mga ito.
Walo lahat ng field na mayroon: Engineering, Criminology, Arts & Design, Technology, Humanities and Sports. At sa walong ito, maraming under nitong mga courses.
It's tempting. Pero medyo misteryoso ang unibersidad na 'to, wala akong masyadong makuhang impormasyon tungkol dito kahit saan.
Still, out of curiosity, nag-apply pa rin ako online. Pati ang submission ng requirements ay online lang din.
The next thing I knew, I immediately got accepted and may sumundo sa aking limousine.
♡
YOU ARE READING
Racing towards the Sun
RomanceSunny Megan Pierce is an art and computer prodigy who have made herself quite famous online for streaming different games. Starting a new journey in college, she managed to pass three entrance exams of different universities that she planned for her...
