"He wished na sana, makatagpo ka ng taong mas better sa kanya. Yung hindi mo pagsasawaan."

Saglit silang natahimik dahil doon. Hindi nila dapat ito pinag-uusapan sa harap ng pagkain eh, pero hindi din kasi maiwasan since ang lakas makahawa ng stress ni Jaehyun. Vacation to, dapat hindi sila nag-iisip ng mga bagay na nakakastress.

"Anyway, san mo nakilala si Autumn?" -Ten asked.

"Blind date." Mahinang sagot ni Jaehyun.

"Tangina?" - Yuta. Di nya din alam eh. Pakialam ba nya sa bagong jowa ni Jaehyun.

"Gago seryoso?" - Hendery. Tinampal naman ni Xiaojun ng mahina si Hendery sa mukha nito. Syempre kasi mas matanda pa din si Jaehyun sa kanya. "Ay sorry. Pero seryoso? Blind date?"

"Diko naman alam na blind date talaga yung pupuntahan ko. Si Mingyu dapat yun pero nakiusap sya sakin na ako nalang yung humarap since naging okay sila nung jowa nya. There, she likes me and I liked her company and boom, we're dating."

"Yun na yon hyung?" Bulong ni Mark.

"Bakit ngayon mo lang sinasabe ha Jung Jaehyun? Pinag-isip mo kami ng isang bwan! Akala namin nagloko ka!" - Hinila naman ni Johnny paupo si Ten. Bigla kasing tumayo eh.

"Hoy walang nag-isip ng ganon ah!" - Yuta.

"Actually meron." Singit pa ni Sungchan kaya tinadyakan sya ni Xiaojun ng malakas sa ilalim. "AHHH!!! Ano ba?"

"Kumain ka na Sungchan! Favorite mo to diba?"

"Taena hot dog?"

"Oo! Isubo mo ng buo."

"Hoy gago kumakain pa tayo."

"Utak mo Mark Lee napakaberde." - Chenle.

Silang lahat sa 3rd floor ganun ang inisip kay Jaehyun. Kakabreak lang kasi bakit may jowa agad si koya. Kasi naman hindi detailed yung pagkakasabi nila ng reason kung bakit sila nagbreak kaya mahirap hulaan.

Ang galing nga naman ni Taeyong at Jaehyun eh, hindi nila pinahalata sa kanila na something's wrong with their relationship na. It's getting cold and dry, isang araw nagising nalang sila at sinabi ni Taeyong sa mga kaibigan na wala na sila ni Jaehyun.

Kapag napagod yung isa, mawawalan na din ng motivation ang isa na ipagpatuloy pa. Paano nga ba naman maisasalba ang relationship nila kung ayaw nang lumaban ng isa?

Maya-maya pa, dumating na din ang iba. Tapos ng kumain din ang iba at naghanap ng kanya-kanyang pwesto para maghintay. Syempre hindi lang sila basta magbabakasyon, magkakaroon din sila ng team building for their friendship. Kasi nga diba muntik na silang mabuwag noon.

"Bakit ngayon lang kayo?" Kun asked the others.

"Si Doyoung kasi ayaw pang umalis sa higaan ko." Sagot ni Taeyong.

"Ginising pa namin sila Yangyang, Renjun, Shotaro, Jaemin at Jisung. Shuta ang hirap gisingin ni Jaemin ha." Sabi naman ni Lucas at naupo na para kumain.

Palihim na sinulyapan ni Jaehyun si Taeyong, he seems okay today. He wonders, ano kayang pinag-usapan nila ni Doyoung?

"Dons tinatamad ulit ako."

"Ang kapal na ng mukha mo Lee Taeyong." Mabilis namang sagot ni Doyoung sa kanya.

Binati naman nung ibang youngsters si Taeyong pero si Xiaojun naman niyakap sya. Ganyan sadya si Xiaojun, no wonder nafall si Hendery. Yun lang wala pang label.

"Tinatamad saan?" - Ten.

"Magpapasubo lang yan. Ayan kay Chittaphon ka magpasubo."

"Yoko. Ang haras kumilos nyan, hindi uso ang gentle."

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now