Prologue

20 0 0
                                    

Nabuhay ako sa kakaibang mundo na kapag mahina ka, talo ka. Mula pagkabata ay naranasan ko na may kulang sa sarili ko. Dahil siguro hindi ko naranasan ang mahagkan ang aking tunay na mga magulang.

Lumaki man akong may pamilya ngunit alam ko sa sarili ko na hindi ko sila kadugo. Dahil wala ang lukso ng dugo akong nararamdaman.
Inamin naman ng mga tumatayo kong mga magulang na kapwa beta, na aking mga magulang ay kapwa Alpha. Ngunit ang masakit doon ay kapwa kong di na makikita ang mga magulang ko dahil sa namatay sila sa digmaan.

Lumaki akong simpleng mamayan sa South pack kung saan nabibilang mga simpleng wolf na walang pack na naging bahagi. Tahimik lang dito, dahil sa pagtatapos ng digmaan ay naging maayos na ang samahan ng ibang pack.

Natapos ako mag-aral ng high school sa WF Academy kaya sa susunod ay College na ko. Nalaman ko din na ang result kung ano ba talaga ang katauhan ko at nalaman ko na isa pala akong Omega.

Nagtaka nga ang tumatayo kong mga magulang na kung bakit ako naging isang Omega dahil ang magulang ko ay kapwa Alpha.

Dahil doon may matutuklasan akong lihim na dapat hindi ko na natuklasan. Dahil dito magugulo ang tahimik kong buhay.

 Six Alpha and Me Where stories live. Discover now