Oh, talking about kagagahan, Agape?

"I'm sorry po, I didn't thought about that. But I'm Agape, everyone calls me that, " she answered honestly.

Who would call her Clementia anyway? Kahit nga siya ay naiilang kapag pinapakilala niya ang sarili sa kumpletong pangalan.

"Hmm, you got a lovely name. " Tumigil ito at ngumiti sa server na naglapag ng pagkain sa table nila. "You probably know me, right? But for the sake of meeting for the first time, I'm Genevieve. You can call me in whatever you're comfortable with. "

Nanuyo ang lalamunan niya. She simply nodded and watched the server arranging the food in place.

"Do you want some wine, ma'am?" baling sa kanila ng server.

"Sure, two glass, " aniya at sumulyap sa ginang na tumango lang.

"It can avail by bottle ma'am, " saad ng lalaki sa harap nila.

"Sure, we'll get that. "

Nang makaalis ang lalaki ay iginiya niya ang ginang na kumain. Katulad ng kanina ay ngumiti lang ito ng tipid.

"When can I meet my granddaughter?" bigla nitong tanong kaya't umangat ang tingin niya.

"Anytime naman po, she's with Abuela po kasi today. She's celebrating her 2nd birthday next week so she's in gown fitting right now. "

She's sure that Abuela's house is a mess right now. Punong-puno iyon malamang ng mga designer na gagawa ng birthday costume ni Wine. Hindi na lang siya sa umimik. Afterall, once a year lang naman.

Well.. kahit hindi pala birthday ni Wine, laging nadadagdagan ang closet nito. Kulang na nga lang ay gamitin niya ang guest room para sa mga damit nito.

"Oh, " tanging sagot nito at napatango-tango. Nagsimula ulit itong kumain kaya't napabuntung-hininga siya.

"Uh, you can go po, " agad niyang agap.

Napangiti lang ulit ito ng tipid. "As much as I want to, I'm sure you know the state of my relationship to your Abuela and their family. I don't want to ruin my granddaughter's birthday. "

Tila may sumundot sa puso niya sa narinig. Sa rahan ng pagsasalita ng babae, ramdam niya ang pait sa bawat salita.

"You can visit our house though, " mahinang imik niya. "... anytime, Gray won't mind it. "

Wala namang sasabihing iba ang asawa niya. She knows him. It maybe look that he's not longing for his mother, but deep inside, he's happy. Minsan lang talaga ay hindi 'yon expressive. Patiyempo-tiyempo lang yata.

"I don't think so. If he didn't mind, he should atleast visit me once here. " Binaba nito ang kubyertos at kinuha ang wine bottle sa gilid at sinalinan siya. "Come, join me. This is my first drink of alcohol after years, " the woman sophisticatedly drank in the glass.

Hilaw siyang napangiti at ininom narin ang sa kan'ya. Pasimple niyang ibinaba ang cellphone sa ilalim ng table clothe ng lamesa at nagtipa ng mensahe sa asawa.

Saan ka? Patapos na kaming kumain maya-maya. Pupunta ka ba dito?

Tumaas ang kilay niya nang agad itong sumagot.

I'm with Daniel. He's processing Balthazar's case.

Susunduin kita sa parking ng condo. Give me some minutes.

Napairap siya. Taka namang tumingin sa kan'ya ang ginang at ngumiti lang ito nang makitang abala siya sa cellphone. Nahiya naman siya bigla kaya't agaran siyang nagreply.

Billionaire Diaries #1: Gray PereiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon