"Bayaran mo 'yan!" Dinig kung sigaw pa nito pero hindi ko na siya pinansin at pinaharurot na ang kotse paalis matapos na bumusina.

Kagaya kanina ay maluwag pa rin ang daan kaya mabilis rin aking nakabalik. "Mabuti na lang talaga at walang traffic ngayong araw." Bulong ko saka agad na bumaba sa kotse nang marating ang bahay.

Pumasok na ako sa loob at dumeritso na kaagad sa taas. Habol ang hininga ko namang binuksan ang pinto at agad na naabotan si Stella na komportableng natutulog.

Tiningnan ko naman muna si Astreed at natutulog rin ito ngayon kaya hindi ko na muna ginising.

Naupo ako sa gilid ng kama at mahinang tinapik ang pisngi ni Stella. "Wake up. Andito na yung hinihingi mo." Saad ko at unti-unti itong nagmulat. Tinulungan ko rin siyang umupo ng maayos.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala ka na bang nararamdaman? Wala ng masakit o ano?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Maayos na. Sobrang ayos na ng pakiramdam ko. Mabisa yung pad na ibinigay mo natanggal yung hangin-hangin sa tiyan ko. Oh, saan ka nanggaling? Ano 'yang dala mo? Nakahanap ka ba ng puting strawberry?"  Tumango naman ako saka kinuha ang boxes ng white strawberries na nilagay kosa taas ng mesa kanina nang tulungan ko itong maupo.

Nagugulat naman itong tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala na nakakuha talaga ako ng hiningi niya. Pero kuminang din kinalaunan ang mga mata niya nang makitang may mga puting strawberries talaga akong dala. Nagsimula na itong lantakan ang mga strawberries na iyon kaya napangiti naman ako saka inayos ang buhok nito bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Kukuha lang ako ng ranch na puwedeng ipares diyan sa strawberries." Nakangiting saad ko saka tumalikod na at umalis na naman roon at dumeritso na sa baba.

*Ranch po talaga 'yon HAHAHA. Mayonnaise ang kingina. Pati ako nagulat sa mayonnaise at strawberry lmao.*

Hinubad ko na ang suot ko na coat kanina ng umalis ako. Ramdam na ramdam ko yung mga pawis ko ngayon kahit na may aircon. "I will take a shower after this." Saad ko saka binuksan ang ref at agad na kinuha ang ranch ang babagay sa mga strawberries na dala at ng may mapili na ay agad ko na iyong inilagay sa bowl at saka nilagyan ng kutsara at agad ng bumalik sa taas.

"Here." Bigay ko sa kaniya ng bowl na may lamang ranch.

Nagsimula naman ulit itong kumain kaya napagdesiyonan kung iwan muna ito para maligo sandali. Kumuha na ako ng towel at dumeritso sa loob ng banyo.

Matapos mahubad ang damit ay agad ko ng pinaandar ang shower at napapikit na lang.

Refreshing...

Nanatili pa ako ng ilang sandali sa loob ng banyo dahil ang sarap ng tubig na dumadaloy sa katawan ko. It's really refreshing. Nawala na yung lagkit ng katawan ko na kanina ko pa tinitiis.

Makaraan ang ilang sandali ay pinatay ko na ang shower at tinuyo na ang katawan saka itinampi ang tuwalya sa ibabang parte ko at lumabas na.

Naabotan ko naman si Stella na panay subo  kutsara na puno ng ranch. Napalunok naman ako at napatitig sa kaniya ng ilang sandali at wala sa sariling lumapit sa gawi niya at inagaw ang bowl na hawak nito dahilan para samaan naman ako nito ng tingin. "Ibalik mo! Uubusin ko pa 'yan."

Tiningnan ko naman ang ranch na nasa bowl. Kalahati pa iyon.

Is this really that good?

I don't think so...

Did she really like ranch dressing that badly? And does it really that good when you partner it in strawberry? I just saw that idea on social media though... Add to the topic that buntis pa yung kumain niyon. Hindi naman buntis si Stella... Bakit ko nga ba naisip yung ranch?  They say ranch and strawberry are not bad partner so I suggest to her kanina to add ranch on her berries.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Where stories live. Discover now