CHAPTER 19: A Night To Remember?

Start from the beginning
                                    

Later on, she found out that Lilian was her Water Element. Arina was protected and guided by her own magic, who happened to be Lilian, all her life since when she was a kid. She was with her since when she was born in this world. And like what Lilian said, it's the right time for Arina to know everything about her power.

In the end of the story, Edward and Arina continued what has been stopped by all the tragic and unwanted happenings in their lives— in their relationship— finally, they got the chance to start a new life together. They just proved that love has no face, because it does not look for the physical attributes of a person, but it seeks for a genuine personality and a good character that a person has.

~•~

Pagkatapos naming mag-ayos ay bumaba na kami. Hindi pa man kami nakabababa, rinig na rinig na namin ang malakas na tugtog. Malamang ay nagsisimula na ang kasiyahan sa ibaba. Pagkalabas pa lang namin ng pintuan, bumungad sa amin ang likuran ng tatlong makikisig na lalaki.

"Hey, gorgeous ladies!" bungad sa amin ni Miguel. Inalalayan niya kaagad si Erica dahil sa suot nitong gold night gown. Napansin kong bagay sila sa isa't isa.

"You're so stunning tonight, Alvira," George said while smiling.

"Thank you, George," I smilingly said. "By the way, I like your looks, too. It makes you more of a good-looking guy."

He is wearing a white long sleeve polo and gray pants matching his gray tuxedo. Lumapit na siya kay Alice na siyang ka-partner niya sa gabing ito. Pinilit ko pa siyang partner-an si Alice dahil gusto niya na ako ang ka-partner niya. Hindi naman problema kay Alice ang kapares dahil maraming nagtanong sa kanya, pero tinanggihan niya ang mga ito. Mas maganda na rin kasi na kakilala niya iyong makakapares niya.

"Wow! You look so beautiful as ever, Alvira," bati sa akin ni Asher. Naglakad siya palapit sa akin, inabot ang aking kamay saka hinalikan. "Salamat dahil pumayag ka na ikaw ang maging date ko sa gabing ito."

Natawa ako nang kaunti, "Salamat, Ash. Walang problema roon. Isipin mo na lang na regalo ko na ito sa'yo dahil sa pagkapanalo mo."

"Aray naman! Paano kung hindi pala ako nanalo? Edi hindi tayo magkasama sa gabing ito?" may pahawak-sa-dibdib-effect pa siya.

"Hindi, biro lang," natatawa kong sabi. "Tara na?"

Naglakad na kami sa hallway papunta sa hagdanan paibaba. Hindi pa man kami masyadong nakalalayo sa aming pwesto kanina, bumukas naman ang isang pinto sa bandang likuran namin. Nilingon namin ito at nakita si Aira na mahigpit na nakahawak sa braso ni Tyrone. Kung titingnan mo, para silang magkasintahan dahil parehas sila ng tema ng suot— color black.

"Team captain," bati ni Erica. "You look so good, tonight."

Hindi man lang nagsalita si Tyrone, at parang walang narinig. Masyadong seryoso ang mukha niya, wala kang makikitang emosyon. Bumalik na naman sa dati ang pakikitungo niya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Mas lalong naging dark ang aura niya.

Napatingin siya sa direksyon ko, nagkasalubong ang mga titig namin. Hindi ako kaagad nakaiwas ng tingin dahil parang nilalamon ako nito. Tumindig ang balahibo ko sa ibinibigay niyang sensasyon sa akin. Nagawa ko namang iiwas ang aking tingin, dahil kung hindi baka tuluyan na akong nilamon nito.

Hinawakan ni Ash ang kamay ko, at inilagay ito sa kanyang braso. Napasulyap pa ako nang bahagya sa gawi ni Tyrone bago kami magpatuloy sa paglalakad, at doon ko sandaliang nakita ang pag-igting ng panga niya. Sa di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng hindi komportableng pakiramdam.

Nang marating namin ang ground, abala na ang karamihan sa pakikipag-socialize sa ibang tao. Ang mga pagdiriwang na katulad nito ay talaga namang naaayon sa mga katulad nilang may marangyang buhay. Kitang kita mo ang pagkakaiba, lalo na kung nanggaling ka sa simpleng pamumuhay.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now