CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)

Start from the beginning
                                    

Naging conscious na rin iyong isang lalaki, humawak siya sa kanyang ulo. Tumingin siya sa gawi nila Erica, nabigla siya. Tiningnan niya rin ang direksyon namin nina Alvira at Tyrone. Maging ang lalaking kasama niya na nakahandusay sa lupa ay binigyan niya rin ng atensyon, at nang mapagtanto niya kung anong nangyari ay bigla siyang yumuko. He cried as guilt crept into him. He didn't want it to turn this way, like he was pushed by his comrade to do a horrible thing even if it was against his will. Though, he still did it and it made him responsible for what's done.

"S-Sorry. Kasalanan ko ito. Kung hindi lang sana ako pumayag sa gustong mangyari ni Brent, hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat," nakayuko lang siya at patuloy na umiiyak. Humingi siya ng tawad sa ginawa nila. "I'll willingly take the consequences of this."

Lumapit naman si Erica sa gawi niya, hinawakan siya at pinagaling ang mga galos na mayroon siya. Nagpasalamat naman siya sa kanya. Sunod namang pinuntahan ni Erica iyong tinutukoy niyang Brent, at napag-alaman na unconscious siya. Hindi maganda ang kalagayan niya. Masyadong malakas ang enerhiyang ginamit sa kanya.

"We have to get him into the clinic. His life's at risk," Erica seriously said, and worry could be noticed on the tone of her voice.

Maayos na ang pakiramdam ni George, nakakatayo na rin siya nang tuwid. Silang dalawa ni Miguel ang nagbuhat kay Brent papunta sa school clinic. Umalalay din naman iyong kasama niya. Malala ang kondisyon niya, at kung hindi siya kaagad mabibigyan ng karampatang lunas, mamamatay siya. Hindi siya kayang gamutin ni Erica dahil may limitasyon din ang kanyang kapangyarihan. Minor injuries at sugat lang ang kaya niyang gamutin through her in-born magic. At kung gagamit siya ng traditional way of healing o alternative herbal medicine, aabutin pa siya ng ilang oras dahil kailangan niya pang suriin nang maigi ang sitwasyon ng pasyente bago makahanap ng sapat na lunas para rito.

Pero bago ako sumunod sa paglalakad sa kanila, napansin ko na parang walang balak sumama sina Tyrone at Alvira. Si Tyrone ay nakasandal sa puno habang malalim ang iniisip, pero wala pa ring emosyon na makikita sa kanyang mukha. Mas lalo pang dumilim ang aura niya kumpara sa dati. Si Alvira naman ay nakaupo sa lupa habang naka-bend ang mga tuhod, yakap-yakap niya ito, malapit sa kanyang baba. Lumapit naman sa gawi ko si Erica na hindi na rin sumama sa clinic.

"I think we should get her back to our dorm. She's still vulnerable, and it isn't good for her condition to see those two who tried to rape her," Erica said silently so Alvira won't hear us. Like me, she's worried about what really happened, especially the impact of this to Alvira's life. I gave her a nod, then motioned towards Alvira. Lumuhod din ako para pumantay sa kanya.

"Alvira, kailangan mong magpahinga. Sasamahan ka ni Erica pabalik sa dorm," mahinahon kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang kanyang ulo at buhok. Tumingin naman siya sa akin, at bahagyang ngumiti, pero naroon pa rin sa mga mata niya ang lungkot, takot, at pangamba. Ganoon talaga, hindi biro ang nangyari sa kanya. Kahit sinong tao ay hindi gugustuhing magahasa. Walang tao ang gusto itong maranasan. No one deserves that anyway. "Don't worry, hindi ka namin pababayaan. Everything will be alright."

Galit ako sa mga ganoong klase ng tao. Hindi nila alam ang trauma na pwede nilang idulot sa buhay ng kanilang mga biktima. Hindi nila alam ang epekto nito sa kanilang pamumuhay. Malaki ang posibilidad na buong buhay nila itong dadalhin, na parang bangungot sa gabi, at masamang alaala sa umaga. Isang malaking bagahe na kahit pilit man nilang tanggalin ay hindi nila magawa dahil malinaw pa rin sa kanilang isipan ang masalimuot na nangyari. Nakakababa ng pagkatao, nakakasira ng dignidad. Hindi alam kung kailan makakabangon.

Inalalayan ni Erica si Alvira sa pagtayo. Tumungo sila pabalik sa dorm para magpahinga si Alvira. Nagpaiwan naman ako rito para kay Tyrone. Gusto ko siyang kausapin. Alam ko na katulad ni Alvira, vulnerable din siya sa mga nangyari. Maaaring nabigla siya sa mga pangyayari o baka sinisisi niya ang kanyang sarili. Hindi ko alam.

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now