CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)

Começar do início
                                    

"Ayun si Yara, she has an elemental ability. She can control water," suggestion ng isang estudyante na kasama namin. Tinuro niya iyong babae na hanggang bewang ang itim na buhok pero pa-wave ito. Nakikisalamuha ito sa iba pang estudyante. Elemental power? It's related to George's ability which is earth elemental magic.

"What's with her? I mean, what's unique about that?" George asked her as we both put our gaze on that girl named Yara.

"Tama si George. Bukod sa kaya niyang kontrolin ang tubig, ano pang kakaiba sa kanya na hindi pa nakikita ng iba? O iyong bagay na siguradong mamangha kapag nakita siya?" tanong ko naman.

"Hindi kayo mabibigo sa kanya. Sinisigurado ko, mamamangha kayo sa ipapakita niya," wika niya nang may pagmamalaki. Tila ba confident siya sa kayang gawin noong Yara. "Pero sa ngayon, it's still a mystery for you guys. We want to keep it as a suprise to everyone. Kami na ang bahala sa parteng iyon ng circus, iyon ang magiging highlight ng palabas."

Nagkatinginan kami ni George, at napangiti. Hindi ko alam pero maging ako ay nae-excite sa sinabi niya. Gusto ko mang malaman kung ano iyong sinasabi niyang ikamamangha namin, hindi na ako nagtanong.

"Well, that's okay. What's your name by the way?" George asked her.

"I'm Mika. Don't worry, kaklase namin si Yara. Kami na ang tutulong sa kanya para naman may ambag kami sa event na ito," she said with a lovely smile. "To be honest, this idea was a good opportunity for those students who have unique power, yet were afraid to show it. Thanks to whom this idea came from." Then after that, she left us.

Napagdesisyunan namin ni George na i-check kung ano na ang kaganapan sa iba naming ka-team. Nauna naming puntahan si Miguel dahil siya ang mas malapit sa pwesto namin kumpara kina Erica at Alice.

"Hey, how's it going there?" George asked Miguel as we reached his place.

"Everything's perfectly fine," he said in a jolly tone as he walked toward us. I smiled as I saw how he enjoys what he's doing.

They set up a huge circle platform where the contenders will have their battle. It's elevated for about 5 feet from the ground. Then, the audience area was already fixed. I'm amazed that they managed to improvise a battle arena. Ang mga upuan ay inayos nila na para kang nasa isang pagtatanghal, papataas ang ayos ng mga upuan ng mga manonood na nakapalibot sa platform. Nakamamangha talaga.

Nagpaalam kami kay Miguel na pupuntahan naman namin sina Erica at Alice. Pagkarating namin sa pwesto nila ay halos hindi magkandaugaga ang mga estudyante sa kanilang ginagawa. They were too busy. Erica was too serious about this, and I saw that Alice's just keeping herself not to laugh. Kung hindi ko lang talaga nakilala si Erica nang personal, aakalain ko talagang mataray at maarte siya. She's too detailed about everything. She's meticulous.

"Okay, good," wika ni Erica nang nakuha ng kapwa-estudyante niya ang tamang pwesto ng stage. Nang magawi ang tingin niya sa direksyon namin ay biglang nagbago ang aura niya. She managed to smile. "Oh. Nandyan pala kayo. Kumusta naman ang trabaho niyo?"

Iniwan niya ang mga kasamahan niya at tuluyan ng pumunta sa gawi namin. Pinagpahinga niya na ang lahat at sinabing bukas na nila itutuloy ang pag-aayos. Masyado siyang istrikta sa mga ganitong bagay.

"Everything's going to its place. It's fine," George replied.

"Let's have a coffee?" Erica asked.

We just nodded. We headed to the coffee shop near the library. We haven't seen Tyrone in the field, so the five of us got in it again. Students were few as we entered the shop. Maybe they were all busy with the preparation for the event.

Eukrania AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora