CHAPTER 8: Taste Of Longing

Magsimula sa umpisa
                                    

Halos sampung minuto rin ang itinagal namin sa garden, sa sobrang lawak nito, hindi na namin nalibot pa ang kabuuan. Naglalakad kami sa iba pang nasasakupan ng academy nang mapansin ko ang isang gate na sakto lang ang haba sa laki ng tao. Hindi ko alam kung bakit, pero tila nang-aakit ang aura nito. Tila inaanyayahan kang pumasok.

"Alvira, may problema ba?" tanong ni Alice nang mapansin na napahinto ako sa paglalakad. Nauuna na maglakad sila George.

"Anong mayroon diyan?" Hindi ko na napigilang itanong.

"Ah. Iyang gate ba na iyan ang tinutukoy mo?" tanong niya sa akin, at tumango naman ako. "Iyan ang lagusan papunta sa Eanverness Forest. Sagrado ang lugar na iyan at hindi pinahihintulutan ng headmaster ang mga estudyante na pumasok dyan. Kahit kami mismo ay hindi pa nakikita kung anong mayroon sa loob niyan."

Hindi ko mawari, pero may nararamdaman akong kakaiba. At parang unti-unti akong ginugulo ng aking kuryosidad sa kung ano nga ba ang mayroon sa likod nito.

"Don't think too much. Based on what I've heard, there's nothing special with that forest. It's just an ordinary forest, and perhaps, the academy only wants to preserve it."

Hindi na ako nagtanong pa, at sumunod na lamang sa kanilang paglalakad. Papalubog na ang araw at nagbabadya na ang dilim. Habang naglalakad ay natatanaw ko ang mga estudyante na naglalaro sa playground katabi ng field, habang ang iba ay naghahabulan sa gitna ng malawak na lupain. May mga bench at lamesa rin sa gilid na perpekto para sa mga estudyanteng gustong kumain o magbasa. May mga nakahiga sa damuhan habang nakalatag ang pang-sapin para pagmasdan ang kalangitan.

Ang gandang pagmasdan ng tanawing ito. Nang tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang academy, bigla naman itong nagliwanag dahil sa mga lamp post na nasa paligid. Kung inaakala mong maganda lang ito tingnan sa umaga, nagkakamali ka, dahil may panlaban din ang hitsura nito sa gabi. Nakatutuwang isipin na nakikita ng dalawa kong mata ang ganitong kagandang senaryo. I am starting to love it.

Mayroong estudyanteng lumikha ng apoy sa gitna para pagmukhain itong bonfire. Sinabayan naman ito ng magandang imahe ng galaxy sa kalangitan. Hindi ko alam kung namamalik-mata at nananaginip lang ba ako o totoo talagang nasasaksihan ko ito— na sa buong buhay ko ay nababasa at nakikita ko lang sa libro.

Hindi sapat ang salitang "wow" bilang isang ekpresyon upang ilabas ang aking nararamdaman ngayon. Kasi sobra itong imposible para sa akin.

Umupo kami sa gilid ng bonfire kasama ang ibang estudyante. Nakapalibot kami rito na parang nagka-camping. Pero may kani-kaniya pa rin kaming mundo dahil may iba-ibang ginagawa. Ang iba ay nakikipagkwentuhan sa mga kasama nila, ang iba ay kumakanta, at mayroon ding sumasayaw. Napakasaya nilang tingnan.

Hindi ko maiwasang tumingin sa kanan. Namataan ng mga mata ko ang gawi kung nasaan ang team captain nila, o sabihin na nating team captain namin dahil member na nga pala nila ako. Seryoso lamang siya habang nakatitig sa apoy na nasa gitna namin. Pero kataka-takang hindi nakakunot ang noo niya, dahil madalas ko siyang nakikitang nakabusangot, iyong tipong iiwas ka na lang ng tingin kasi ayaw mong mahawa sa negative vibes na dala-dala niya. Ngayon ko lamang nakita ang maamo niyang mukha, at tila malalim pa ang iniisip.

"I've never been informed that this place is used to be like this," George commented.

"Yeah. It's so beautiful," Alice added.

"And it will be more nice if lights are off," Miguel said. He snapped his fingers and then the lights from the lamp posts turned off. What could you expect from a telekinetic person?

"It's the first time that we got to experience it— surprisingly with you and our team captain who usually happens to be unseen," Erica uttered silently enough to not be heard by him.

Eukrania AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon