CHAPTER 6: Intruders

Start from the beginning
                                    

"Kailangan ba nila ang tulong natin?"

"Mukhang hindi na kailangan. Papunta na roon ang Dark Noxis."

"Kawawang mga outcast, hindi man lang nila kayang ipagtanggol ang mga sarili nila," wika pa niya, na hindi ko alam kung nang-iinsulto ba o naaawa.

"Yeah. They're hopeless."

Hindi ko na narinig pa ang mga pinagsasabi nila dahil malayo na ang pagitan namin. Outcast? Kalaban? Halimaw?

"Si lola," bigla kong bigkas.

Tumakbo ako pabalik sa dorm ko, at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi na ako mapakali— lakad doon, lakad dito. Ang mga kamay ko ay nanginginig na, at ang mga tuhod ko ay nangangatog na rin. Naiiyak na ako sa kaiisip. Anong dapat kong gawin?

Tumingin ako sa bintana kung saan tanaw ang gate mula rito. Mahaba-habang lakarin din ito kung tutuusin. Hindi pa naman ito bumubukas simula pa kanina, dahil naririnig ko naman ang ingay ng gate kung sakaling bubukas ito. Sound-proof naman itong building, pero hinahayaan ko lang talagang nakabukas ang bintana ko para aware ako sa labas.

Tama, kailangan ko silang puntahan— ang Dark Noxis. Tumakbo ako palabas nang sobrang bilis. Maingat kong tinanaw at pinakiramdaman ang paligid para siguraduhing walang makapapansin sa akin. Pupunta ako sa dorm nila, at sana nandoon pa sila. Saan nga ba iyon?

Shit naman! Sa mga ganitong pagkakataon talaga ang hirap mag-isip. Kalma, Alvira, kumalma ka.

Hindi na ako nagpatuloy sa paghahanap sa dorm nila kasi naalala ko na nasa 15th floor pa ito. Panigurado, pababa na ang mga iyon.

Ginamit ko ang hagdan pababa, kasi kung gagamit ako ng elevator baka may makakita pa sa akin. Binalaan pati ako ni Ms. Helefina na kung maaari ay manatili na lamang ako sa loob ng dormitoryo kung wala naman akong importanteng gagawin. Most of them probably don't use stairs, because they would prefer something that is not tiring. Mag-aaksaya pa ba sila ng pagod kung mayroon namang bagay na magpapadali sa gawain nila?

Inabangan ko sila sa ibabang bahagi ng gusali, pero ilang minuto na ang nakalilipas wala pa rin sila. Ano nang gagawin ko?

Naramdaman kong may paparating na tao, nagtago ulit ako sa isang sulok. May kausap ito sa telepono habang naglalakad, at huminto malapit sa pwesto ko.

"Bakit hindi niyo ako inantay? Ang sabi ko, may kukunin lang ako, pero hindi niyo na ako nahintay," halata ang pagiging iritable sa boses niya.

"Susunod ako," ibinaba niya na ang telepono at inilagay sa kaniyang bulsa.

Tumingin-tingin pa siya sa paligid kung may tao, saka niya ginamit ang kapangyarihan niya. May ginagawa siyang isang malaking bilog na maliwanag, kulay puti. Pumasok siya sa ginawa niyang ito. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong portal papunta sa Harthwaite Town.

Kinuha ko itong pagkakataon para makapunta sa bayan namin. Tumakbo ako papunta sa bilog at halos gumulong na ako para lamang makaabot dito. Hindi ko na ininda pa ang galos na natamo ko dahil sa pagdausdos, dahil ang mahalaga ngayon ay ang kapakanan ng aking lola at ng mga kababayan ko. Alam kong wala akong kakayahan, pero batid ko na may magagawa ako.

Lumabas kami sa isang bakanteng lote, bahagi ito ng Cesterfield na katabi ng Palperoth Academy. Hindi ko na nakita si Aira na siyang gumawa ng portal, bigla siyang nawala. Mukha namang walang nangyayari, pero mula rito sa pwesto ko ay tanaw ko ang mga halimaw na nasa himpapawid. Papunta na ang mga ito sa academy namin.

Nagtago ako sa isang puno. Pinakikiramdaman ko lang ang paligid. Malayo-layo pa mula rito ang bahay na tinutuluyan namin ni lola. Paano ako pupunta roon sa loob lamang ng limang minuto?

Eukrania AcademyWhere stories live. Discover now