"Sinadya mo iyon Ms. Alvarez."

"Sinadya mo rin naman, e kung sinadya ko ano naman?"

"It was an accident, ganito pala ang ugali ng 'asawa' ng presidente ng Vilavegas, walang modo, kahit asawa ka pa niya, teacher mo pa rin ako."

"Ganito na ako bago ko pa naging ASAWA si Atticus. At alam kong teacher ka, pero mukhang hindi mo alam kung anong ibig sabihin noon, cause you know why? You lack professionalism. Ba't mo ako tinitira kung di mo makuha ang asawa ko? Ha? Tingin mo sakin? Mapapasunod-sunod mo?" She grinned and rolled her eyes. "You're talking to Tamara Aevah, may respeto ako, sa'yo lang wala."

Hinablot niya ang bag, tumayo rin si Xiangli na hindi man lang tumigil sa pagkain sa kabila ng nangyari kanina.

Tatalikod na sana siya nang tumili bigla si Veyda at sinugod siya ng sampal at sabunot kaya ganoon din ang ginawa niya. Lumaban siya ng sabunutan dito.

Ewan niya ba kung bakit naging teacher ang ganito ka eskandosang babae, baka hindi ito naka Prof Ed.

Pakiramdam niya ay mapipintas na ang mga buhok niya pero wala man lang nangahas na tumulong. Kaya napilitan nalang tuloy siyang itulak ito ng ubod ng lakas, napatumba ito sa sahig, akmang babangon pa sana ito at babalik sa kanya nang hinawakan na niya ang mesa at iwinaksi papunta kay Veyda.

"How dare you do this to me?!" Veyda's voice is shaking.

"I dared, so ano?"

Humikbi na ito. Umaagaw ng simpatya, alam niya, pero lahat ng tao rito ay alam na si Veyda ang nauna.

"Huwag mong isiping tumayo pa, ihahambos ko talaga yang mesa sa'yo. Nagkamali ka ng kinalaban Veyda Llenarez... I'm Mrs. Cuerva, magaspang ang ugali ko, noon pa, ulit ka pa, ulitin mo pa...expect the worst."

Tumingin siya sa palagid, nabato lang ang mga tao sa kinatatayuan nila. Xiangli is beaming with boredom while watching them.

"Mababawi ko rin kung anong sakin, mang-aagaw ang babaeng iyan. Atticus is my boyfriend! " Sigaw nito sabay hikbi ulit.

Tanginang drama!

"Your boyfriend, MY HUSBAND, legal ako... kung boyfriend mo edi kabit ka, mahiya ka!"

They exited the cafeteria head high, Xiangli is even giggling, ang sadistang side na naman nito ang umaatake, alam niya. Samantalang siya, inis na inis, ang sama ng ugali, what a bad taste for Atticus.

Purong mukha lang ba ang binasehan noon?

She twisted her lips, napangiwi siya ng sakit sa gilid ng labi at pisngi.

"Ang sakit palang sumampal ng babaeng iyon." Hinimas-himas niya ang pisngi.

"Alangan, she's bony, malamang masakit e puro buto, at saka nagantihan mo naman e." Sinipat ni Xiangli ang pisngi niya. "May hulma na kaunti... pero okay lang yan. Hindi ko na pala kailangang pektusan, kaya mo naman pala."

Nagpatuloy sila sa paglalakad, balak niyang pumunta sa kotse niya, may mga extra siyang t-shirts doon. T-shirt na muna ang partner ng uniform niya.

Pero bago pa man siya makaabot siya kotse ay natanaw na niya ang nagmamadaling anyo ni Atticus palapit sa kanya.

"I made a mess." Pag-amin niya agad nang tumigil ito sa harap niya. "Sorry to blemish your name, hindi ko kasi mapigilan e. Dapat kasi hindi na muna na-publicize ang-"

Natigil siya sa pagsasalita ng bigla siyang hinalikan ni Atticus, long enough to take her breath away and gave her great intensity that kills her heart.

The School President's Wife (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن