Chapter 34

8.6K 191 22
                                    

The news of Tamara Eavah Alvarez being married to the school president came rushing on the campus like a wild fire. Maugong na maugong sa mga estudyante ang pangalan niya kahit sa internet.

Earlier in the morning she had read tons of articles tackling their 'unlikely', 'unpredictable' and 'surprising' marriage. They had dug information about her being the heiress of the RMB and Atticus owning a school.

She breathed heavily while walking and finding a vacant seat on the schoool's cafeteria. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao ngunit karamihan ay inggit at paghanga habang nakatingin sa mukha niya.

Pakiramdam niya ay para siyang artista na minsan ay pinagkakaguluhan at kinukunan ng litrato. Sa loob ng isang araw naging insta-famous siya sa buong Vilavegas.

"Mrs. Cuerva," bati sa kanya ng isang instructor na nginitian niya lang.

Bigla tuloy hindi niya alam ang gagawin, binabati nalang siya ng mga staff at instructors na di niya kilala, awkward tuloy dahil siya ang estudyante, siya pa ang binabati.

Paglapag niya ng tray ay agad naman sumunod si Xiangli.

"Feeling ko nakasunod ako sa celebrity." Pangiti-ngiti nitong sabi sabay upo. "Lahat ng mata nasa iyo."

"Hayaan mo na yon, ayaw mo noon, may friend kang famous." Sabay hagikhik ng kaunti.

It was a hot midday, pang lunch ang kinakain ni Xiangli pero siya ay nakontento lang sa kanyang scalded milk cake. Hindi niya alam pero talagang napaka rare na ng scalded milk cake hanapin pero good thing ang school nila meron. Di siya usually kumakain nito, karamihan na nag-o-order nito ay matatandang staff ng school pero nangahas siyang tumikim ngayon, mukha kasing masarap.

"Asan si Paisley?" Tanong niya kay Xiangli saka sumimsim ng kape.

"May practice para sa susunod niyang theater performance, halos mabasag ang tenga ko sa kakawalwal noon kanina, gusto kang makausap at sabunutan dahil bakit daw ngayon niya lang nalaman."

Napatawa si Xiangli sa sarili saka sumubo uli ng kanin, siya naman ay uminom uli ng kape.

"Napapadalas ata ang pagkakape mo?"

"Yeah, masarap pala ang kape, noong nakaraan ko lang na-realize, noong ayaw mo, nong nag-change tayo ng strawberry limeade."

"Pero tanghaling tapat o."

"Anong oras ba kailangan mag kape?"

Napatanga ito sa kanya, kalaunan ay nagpatuloy na sa pagkain. Hindi nalang niya ito pinansin. Sumubo rin siya ng ilang ulit, napakaganda ng mood niya, patawa-tawa pa siya pero bigla iyong nawala nang mabuhusan ng tubig ang dibdib niya.

At nang umangat ang kanyang paningin ay nakita niya ang nakangising si Veyda.

"Oh sorry, aksidente lang." Maarteng sabi nito sa kanya.

Tiningan niya ang daanan, it's two spans, wala pang masyadong tao banda sa pwesto nito. Napakaluwag, e bat nagpang-abot sa pwesto niya?

Like what the hell?

Sinadya nito kamo, at anong tingin niya?

Ako ang tipong paaapi?

Kinuha niya ang tasa ng kape at tinapon rin sa dibdib nito ang laman saka ngumisi.

"Sorry, aksidente lang." Gayang-gaya niya ang tono nito kanina.

Biglang nasira ang mukha ni Veyda, kuyom na kuyom ang mga palad nito, pigil na pigil ang galit. Lahat ng mata ngayon ay nasa kanila kaya alam niyang hindi na ito gagawa ng eskandalo.

The School President's Wife (COMPLETED) Where stories live. Discover now