"Paselosin mo kaya?" Shotaro said.

"Paselosin? Effective pa ba yun?" Yangyang asked.

"Oo sobra. Akala nga ni Xioajun noon may gusto ako kay Yuqi, tanda mo nung mga panahong iniiwasan pa nya ako after kong umamin? Paselosin ko daw sabi ni Lucas tas eksaktong kagrupo ko si Yuqi at kami yung partner pa." Kwento naman ni Hendery at parepareho silang tumango.

Ang eksena kasi nila sa lounge nun, tahimik na kumakain sila ng dinner then biglang pumasok yung dalawa at nag-eksena. Ayon tuloy may free live drama silang napanood habang kumakain.

"Ah oo nga. Si Jeno pa nga nagcomfort kay Xiaojun."- Shotaro.

"Eh, wala namang dahilan para magselos si Jeno? Shunga ba kayo?"

"Tange malay mo meron. Try mo lang, pag wala edi wala. Kape nalang tayo, lilibre ka ni Hendery." Sabi ni Yangyang kaya binatukan sya nito.

"Ambagan naman tayo. Mali yon."

"Tapos di natin bati si Jeno."

Mula naman sa hotel, nakakunot-noong pinapanood ni Jeno sina Jaemin, Hendery, Yangyang at Shotaro sa baba na nagtatawanan sa may cottage. Hindi nya namalayan na umalis si Jaemin eh, kanina pa nyang hinahanap nakikipagtawanan lang pala.

"Sinong tinitingnan mo?"

Lumingon si Jeno sa umakbay sa kanya. Si Jaehyun pala, kasama si Yuta.

"Si Jaemin malamang." -Yuta.

"Hyung, tingin mo anong pinag-uusapan nila?"

"Baka chiks." - Jaehyun said and he chuckled but Jeno couldn't, he just pouted.

"Oo, jan ka magaling eh." Asar naman ni Yuta sa kanya kaya natigilan sa pagtawa si Jaehyun.

"Oy hindi ah. Stick to one ako. Malay mo lang naman diba? Baka may nirereto sila kay Jaemin."

"Stick to one kanino? Elaborate mo nga."

"Parang tanga naman."

"Wag mong pinapakaba si Jeno. Ikaw, wag kang makikinig jan kay Jaehyun. Chiks lang ang alam nyan eh. Nakikita mo yang mukhang yan? Mukha bang loyal yan?"

"Sapakin kaya kita?" Biro ni Jaehyun at kunwari pang hinila si Yuta para hamunin.

"Sinasabi mo jan Yuta hyung?"

Binalik ni Yuta ang tingin nya kay Jeno at ginulo lang nito ang buhok nya bago sumagot.

"You know, eyes can't lie baby. Lalo na sayo, ang transparent mo pa naman kapag magkasama kayo ni Jaemin." Sagot ni Yuta at nakangiting matamis sa kanya.

Umiwas naman ng tingin si Jeno, his cheeks are blushing then he dropped his eyes on Jaemin again.

Bakit ba ang ganda-ganda ng ngiti nung isang yun?

---

"Babe, tingnan mo si Sungchan parang timang." Bulong ni Lucas kay Jungwoo. Nasa may dalampasigan sila and Lucas is back hugging Jungwoo right now. Nanonood sila ng sunset pero nadistract si Lucas kay Sungchan na kasama ngayon si Donghyuck at ngiting-ngiti pa habang sumusunod sya dito.

"Mm? Why naman? Cute nga nilang tingnan eh."

"In love na in love. Sabing wag isasagad eh."

"Alin ang isasagad?" Tumingin si Jungwoo sa kanya kaya naman mabilis ding binalik ni Lucas ang tingin nya kay Jungwoo.

Lucas chuckled at pinitik ito ng mahina sa noo. "Anong iniisip mo ha? What I mean is, yung pagpaparamdam nya about how much he likes Hyuck. Sabi ko magtira sya para sa sarili nya. Masyadong napapangunahan ng emotions eh."

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora