"Mommy!" sumalubong kaagad saamin ang anak ko. Tinaas nito ang maliit na kamay na parang magpapabuhat. Kaagad ko naman siyang binuhat at hinalikan sa pisnge.


"How was my baby, hmm?" pinugpog ko ng halik ang pisnge nito, he chuckled.



"Grabe naman niyan, mommy. Wala bang kiss d'yan si Titodaddy?" Bigla na lamang sumulpot si Jackie sa harapan namin, malakas akong tumawa nu'ng nilingon siya kaagad ni Cevon at sinamaan ng tingin.



"No! Mommy's kiss is only for Cevon!" inis na asik nito.


Jackie pouted, "Ay grabe, edi kiss mo nalang ako kung ayaw mong iyang mommy mo mag kikiss saakin." Mabilis ko itong pinandilatan ng mata, bwesit talaga, kung ano ano pinagsasabi ng damuho na 'to.



Nakita ko naman ang pag panick ng mukha ni Cevon, mabilis na inabot ng maliit niyang kamay ang mukha ni Jackie bago ito matunog na hinalikan ang pisnge.


Matagumpay na ngumiti si Jackie.


"Done na po, don't bother me and mommy na po, hmmpp.." Mataray itong nag cross arm.



"Hey, don't be like that." Sita ko, ngumuso lang ang bata bago ako nilingon.


"Mommy, can I hab a wish po ba?" pag iiba nito ng topic, buhat na buhat ko itong naglakad patungong sala, doon ko nakita ang pinsan ni Jackie na nag liligpit.



"What wish, baby?"


"Nag eat po me ng broccoli and carrots, I've been a good boy po." Mabilis akong napalingon dahil sa sinabi niya.


"Really?!" natatawang usal ko, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng pinsan ni Jackie.


"Hay nako 'te, true 'yan. Siya pa mismo nag request saakin after niya mapanood iyong sa youtube na bata, kumain ng gulay matutupad daw ang kahilingan kaya ayan, todo request ng gulay. Kakaiba 'yang anak mo, 'te."



"Aba..." Malaki ang ngiti ko habang nilingon si Cevon na ngayon ay nakangiti rin saakin na parang nagyayabang. May pinagmanahan. "Ang goodboy naman pala talaga ng baby ko na iyan, ano wish mo, gagawin ni mommy!"


Masaya itong pumalakpak, narinig ko naman ang pagtawa nina Jackie.



"I decided mommy! When my birthday comes, I wish to see my real daddy." Usal nito na nakapag patahimik namin lahat. I froze, nawala ang ngiti ko sa labi. Bigla na lamang kumalabog ng malakas ang dibdib ko, I was speechless, nakaramdam naman kaagad si Jackie kaya lumapit siya saamin.


"Ikaw talagang bata ka, halika na nga, tutulog na tayo, pagod si mommy mo." Kinuha nito si Cevon saakin, tinitigan naman ni Cevon ang mukha ko.



"Sorry, mommy. Bukas ko nalang po i-say ulit wish ko." Inabot muna nito ang pisnge ko para halikan, I forced my self to smile at hinalikan din ito.


"We will play tomorrow, baby. Babawi si Mommy."


Pinahatid na ni Jackie si Cevon sa kwarto, nag bilin pa itong bihisan muna bago patulugin. I sighed loudly bago umupo sa couch.


Ang dami atang naganap ngayong araw, ang pinakamalala lamang ay itong nangyari ngayon. I don't know what to do anymore, I don't want to disappoint him, gusto kong ibigay sa kaniya lahat hanggat kaya ko, pero itong kahilingan niya, hindi ko alam, it's too difficult. Alam kong mangyayari't mangyayari rin ito, hindi naman malabong hahanapin ni Cevon ang tatay niya, nangungulila na siya.



"Ano na?" kaagad akong napalingon kay Jackie, he sat beside me.



"Hindi ko na talaga alam, hindi naman niya ito winiwish dati, kontento na siya sa new toys kasama ang friends niya." Napahilamos ako sa aking palad.


"Care to share muna kung sino ba talaga tatay niya? I mean... If okay lang naman." Ngumiwi ito at umiwas ng tingin.



Bumuntong hininga ulit ako, I am always ready to say everything. Malaki na rin ang tiwala ko kay Jackie, he's like a brother to me.



Nagsimula akong ikwento sa kaniya lahat lahat, pati na rin kung paano naging kami ni Devoungh at kung paano nag tapos. He was totally in shock, iisa isa lang ang reaction niya, naka bukas ang bibig habang nanlalaki ang mata.



"Seryuso?!" Napatakip pa ito sa bibig.



"Yeah, he's married for fvck sake. I can't just risk everything, once he find out about Cevon, everything would be fvck up. Ayukong makasira ng relasyon. Kasal na ang tao, hindi pwedeng sisingit na lamang kami bigla."




"O... kay," he paused for a second, "Wala naman akong alam na may asawa siya, bukod sa palagi lang siyang nagkukulong sa office niya wala namang dumadalaw.." kumunot pa ang nuo nito.




"He's like that. He want lowkey relationship," hindi ko maiwasang mapairap. He really like that kind of relationship, I think? Never naman niya talaga akong pinakilala sa mga kakilala niya, I bet he never told Charmain that we had a relationship. Well... bakit nga ba niya sasabihin? Matatawag siyang manloloko at two timer once malaman ng lahat na may relasyon kami.



"Anong gagawin mo ngayon?"



"For now, I'll try my best muna, baka makaisip pa ako ng solusyon---"



"Cevon nakong bata ka! Magdamit ka muna!" Mas mabilis pa sa kabayo ang leeg kong lumingon sa taas. Cevon!?


I saw him looking at me, nakita ko ang lungkot sa mukha nito, that's when I realize, he heard everything. He know everything now.


Mabilis akong tumayo, I run as fast as I can para maabutan ito nu'ng magsimula siyang maglakad papasok.



"Hey," hingal ko itong hinawakan sa balikat. Pagkakita pala nito sa mukha ko ay nagsimula na itong humikbi.



"Hey, it's okay... I am sorry, baby." Mahigpit ko itong niyakap, hindi ko napansin na pati ako ay napaiyak na rin. Malakas talaga ang impact ng anak ko saakin, nagiging ma emosiyon ako pagdating sa kaniya.



"M-Mommy!" He even cried more.



Naramdaman ko ang isang kamay sa likod ko, hinahaplos ako doon.



"A-Ayuko nalang po pala, I don't want daddy! You are enough for me, Mommy!" Ngumawa ito.


Hindi ko alam ang sasabihin kaya tanging yakap lamang ang na kaya ko. Napakasakit marinig iyon galing sa anak ko, I know how he love to experience to have a daddy pero itong sinasabi niya ay napakasakit.




"Mommy, please why po sakit ang heart ko? Ansakit mommy." Humiwalay ito ng yakap saakin, at tinuro ang dibdib niya. Mas lalo lamang akong napaluha. Gosh, why did he felt it? Gusto kong kunin ang nararamdamang sakit nito.



He doesn't deserve this. He doesn't deserve us.


"B-Baby, Cevon... Please gayahin mo si Mommy okay," I show him how to inhale and exhale, ginaya naman ako nito.



Nu'ng makitang gumagana ay binuhat ko kaagad ito. "Don't say that, baby... Daddy l-loves you, okay, he love you baby." Hinalikan ko ito sa nuo, "So please don't think negative things, we love you so much."


"B-But mommy..."


"Hush.... It's okay, Mommy's okay."



Makailang minuto ang nakalipas ay dahil sa pag iyak, mabilis lamang nakatulog si Cevon, ako na mismo ang nag lagay sa kaniya sa kama. Jackie immediately hugged me.



"Everything is going to be okay, just cry." Sumbsob kaagad ako sa dibdib nito, at doon inilabas lahat ng luhang kanina pa gustong lumabas.


Subrang sakit ng puso ko. Hirap na hirap na akong maramdaman ito, ang sakit sakit na, halos kailangan ko ng gawin lahat para lang mawala itong sakit. Gusto kong kunin pati sakit na naramdaman ni Cevon kanina, he was begging to stop the pain, he's still a three years old yet he already felt something like that, I am not a good mother. I never did.



I tried but I always failed.








END OF CHAPTER 15

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Where stories live. Discover now