Prologue

47.6K 641 25
                                    

ALL RIGHTS RESERVED 2015

COPY RIGHTS Property of Myvirgo17

-No part of this story or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise indicated for stand-alone materials.

Date Started: March 25, 2014

Date Ended: June 14, 2017

E: This is the third series of Montgomery series, kung hindi niyo pa nababasa ang Una at pangalawa, I suggest na basahin niyo muna to avoid confusion. Pero pwede ring stand-alone itong Series 3. Your choice.

NOTE: Hi readers! Nakarating na tayo sa Series 3 ng TMS. Kung nabasa niyo na ang una at ito ay sobrang nagpapasalamat ako dahil talagang sinusubaybayan niyo. Huwag sana kayong magsawa! Unlike Series 2, magiging mas Romantic at may touch ng comedy ang series 3 but not enough to call this a RomCom story. Kung napansin niyo ay sa Romance category ko siya inilagay. Huwag kayong malungkot dahil hindi naman mawawala ang wholesome na BS. X)

ENJOY!

Ang mga bida ay nasa kanan>>>>>>>>>>

-------

PROLOGUE

You say you've been overseas
I say over where
You say just a holiday
My Alsatian heir
I say I've been working late, working overtime
Haven't seen that sun since sixty-nine

My eyes are close as I sing ang play, blocking out the sound of the people watching me. Kapag tumutugtog ako ay sinisiguro kong nasa ginagawa ko lang ang atensyon ko para hindi magkamali.

Does the moonlight shine on Paris
After the sun goes down
If the London Bridge is falling
Would anybody hear a sound
If you follow that sunset will it ever end
Oh Does the moonlight shine on Paris

Du ru rum du ru rum du du
Will it ever end

I opened my eyes and smile at the people. Nangibabaw ang tilian at palakpakan nila. Tumayo na ako at yumukod sa harapan ng mga nanuod ng aking mini concert sa isang kilalang mall at kumaway. Isang oras ang binigay na oras para pumirma ako sa mga bumili ng album ko at masaya ko naman silang pinaunlakan, Nakangiti akong sumasagot sa mga tanong nila at nagpa-picture.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang signing at pilit na gumagawa ng daan ang security team para makalabas kami at makapaunta sa parking lot.

"Where's the nearest comfort room?" balihg ko sa security guard nang sa wakas ay makalabas na kami.

"Sa loob pa po, Sir." napakamot sa ulong sabi niya.

Bumaling ako sa manager ko at sa personal bodyguard ko. "I need to use it. Ako na lang mag-isa ang papasok para hindi agaw atensyon. Oh, John. Hihiramin ko muna itong cap at salamin mo." nakangising sabi ko sa kanila sabay kuha ng cap at salamin ni John at agad na itong isinuot.

Tututol pa sana sila pero pinigilan ko sila at kaswal naglakad na papasok ulit sa mall. Mabilis ko nang hinanap ang C.R at nakita ko ito sa dulong pasilyo. Diretso akong naglakad at pilit na iniyuyuko ang ulo para masigurong walang makakilala sa akin.

Pero mukhang minamalalas ako dahil may kung sinong bumunggo sa akin. Dahil sa lakas ng pagbunggo niya ay nalaglag ang suot kong salamin. Napamura na lang ako ng mahina at muli itong isinuot at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Si Isaiah ba 'yon?" rinig kong sabi ng isang babae kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko.

"Oo nga eh, parang kamukha!"

"Nakita ko ang mukha niya, siya nga si Isaiah Montgomery! Omg! Tara magpa-picture tayo!"

"Si Isaiah! Kyaah!"

Dahil sa pagsigaw nila ay naagaw na ang atensyon ng karamihan. Tumakbo na ako para iwasan ang mga nagtitiling fan girls. Siniguro kong hindi nila ako nakitang lumiko papuntang C.R bago agad na pumasok sa unang pintong nakita ko at mabilis iyong isinara.

"God dammit." mahinang mura ko at isinandal ang ulo sa pinto. Kinapa ang cell phone sa bulsa para lang muling mapamura ng maalala kong ibinigay ko ito kay Sam.

"Hoy! SIno ka? Ano'ng ginagawa mo sa storage room?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng mukhang tomboy base na rin sa pananamit at pananalita. Pero ang tinitigan ko ay ang nangungusap niyang mga mata at ang mapupula niyang mga labi.

"Magnanakaw ka ano?" pang-aakusa niya kasabay ng paglalakad papalapit sa akin. Pinaliit niya ang mapupungay niyang mga mata.

"Hell no! Look Miss, hindi ako magnanakaw. Kailangan ko lang magtago dahil---"

"Aha! Shop lifter ka?"

"Fuck sake. Miss, let me just hide here for a whi---"

Natigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang tilian sa labas at ang mga pagtatanong kung nasaan ako. Narinig ko ring may reporter sa labas na naghahanap din. Muli akong napamura ng mahina. Hindi na dapat ako umalis pang mag-isa. Now I'm freaking trapped with a... dangerous girl.

"Lalabas ka ba o sisigaw ako?" pagbabanta niya.

"No! You can't do that! Ilang minuto lang plea--"

"May magnanak--"

I cut her off by putting my hand on her mouth. Isinandal ko siya sa pinto at sumenyas na tumahimik lang siya. Nanlalaki ang mga mata niya at maya-maya pa ay napasigaw na lang ako dahil sa pagkagat niya sa kamay ko.

Tinignan ko ang kamay ko at nakita kong namumula ito at may bakas pa ng ngipin. "Ano ka, aso?! God damn it. Paano ako tutugtog nito mamaya?" inis na tanong ko sa sarili ko.

Ngumisi lang siya at muling nag-ambang sisigaw kaya naman ginawa ko na kung ano ang tingin ko'y makakapagpatahimik sa kaniya.

I kissed her. And surprisingly.... I liked it.

--------

I will start this story on... April 8 or 15. Any thoughts? Comments?

Angel Who Saved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon