Iyon dapat ang sagot don!

Asus!

Ibinaba nito ang newspaper at tumingin sa mukha niya, "I know, nanliligaw sa'yo yon, hindi mo pansin? Manhid ka ba? O alam mo pero nagbubulag-bulagan ka lang?"

Napatawa ang mama niya sa sinambit ng kanyang ama, ano daw?

"Sweetheart," saway nito sa kanyang stepmother.

Pinilit naman ng mama niya na magtigil na sa pagtawa ngunit tila hindi nito magawa.

"So tell me, is he a boyfriend or what? Nakakahalata na akong pasipsip yan sa amin ng mama mo, madalas iyang dumaan dito, nagpapa-impress sa amin," sumimsim ito ng tsaa, "so?" Tumaas pa ang isang kilay nito sa kanya.

Napalunok siya.  "He is something special dad." She then bit her lips hard para kalmahin ang sarili niya...

Huwag kabahan, huwag manigas... wala silang alam.

Napatango-tango ang dad niya at ilang ulit pang sumimsim ng tsaa habang siya ay napako sa punong hagdan.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Kung higit siya sa isang kaibigan, umamin ka na... Hindi kita pinalaking sinungaling and..." he raised his newspaper again. "Napapadalas ang pagsama-sama mo sa kanya ng gabi, hindi naman sa pinagbabawalan kita, hindi rin sa pinag-iisipan kita ng masama pero anak... babae ka at hindi talaga magandang tinggan na palagi kayong magkasama. I trust him, I really do, napapahanga niya ako sa pagkataong pinapakita niya, and I will be furious if may malaman akong hindi niyo sinasabi." Her father glanced to her, she clenched her fist so hard, ito na nga ba ang sinasabi niya.

Pakiramdam niya naiihi siya sa sobrang kaba.

"Nagkakaintindihan ba tayo anak?"

Napalunok siya. "Yes dad."

"So ito ang magiging topic natin, we are only given 1 week before our title defense and another week for our outline, we have another 2 weeks for our whole chapter 1-3, all in all we have a month. I think that's enough, what do you think Tamara?"

Maddux snapped his finger in front of her face to catch her attention. She looked into him with widened eyes.

"Did you get it?" Tanong uli nito, tumango lang siya.

Kasama niya ngayon sa Vaynes ang kanyang research team. Maddux as their team leader and she has her two other teammates, Trace Tolentino and Gavin Suarez.

All three of them were volleyball player, they're famous in the school, akala nga niya  medyo  hindi academically inclined ang lalaking varsity player, kasi nga diba, lagi silang naglalaro but these guys have proved to her that she's wrong, they're intelligent, especially this Maddux.

Well, akala lang naman niya iyon, her bad.

At kung pagpapala lang lang pag-uusapan ay talagang pasadong-pasado itong tatlong ito. Artistahing nagtatangkarang athlete, malamang maraming nangarap na maging siya noong ini-announce noong bruhilda ang pagbabago ng teams nila.

"Mukhang kailangan nating mag-over night this week," Gavin suggested, all three pairs of eyes fell into her, she just look into them innocently.

"What?"

"Is it okay with you?"

Nagitla siya bigla ng mag sinked in sa utak niya ang sinabi ni Gavin.

Overnight with three men?

Nahigit niya ang kanyang hininga.

"Relax!" Pigil ni Trace sa kanya na tawang-tawa. "Sa itsura mo parang ang sama naman namin, we are all living with our family kaya safe ka." He even chuckled to her, "doon tayo sa bahay ni Maddux, he has two sisters, para hindi ka mailang."

She looked into them, kilala na niya itong mga lalaking ito, although playboy ay mababait naman. Maddux took a sip of his cup of coffee.

"Kailangan ba talaga?"

"We have to Tamara, sa friday na ang checking, we have to rush it, kumukuha na ang classmates natin ng schedules para sa final defense, hindi tayo dapat ma fail."

Napalunok siya. "Okay."

"So bukas ha, I'll text you our address, doon na kayo mag-dinner sa bahay, matutuwa si mommy sa inyo."

Hindi sila nagkita ni Atticus ngayong araw at masyado siyang busy para puntahan ito sa opisina. Nakailang miscall na rin ito sa kanya pero hindi niya matiempuhan kaya nag-text nalang siyang marami ang ginagawa niya kaya wala siyang panahong makipagdaldalan ngayon.

Pagkarating na pagkarating niya ng bahay ay agad siyang nagkulong sa kuwarto at humarap sa laptop, kung minsan naman ay nagbabasa ng mga libro na related sa topic nila.

Nasi-stress talaga siya sa gawang madalian at sa tuwing naalala niya si Veyda ay talagang nanggagalaiti siya...

Lintik ka, pasalamat ka at marunong na akong magkontrol ng emosyon ko kundi talagang nadumog na kita.

Napatihaya siya sa kama at napatingin sa kisame habang ang isang libro ay nakapatong sa tiyan. Pakiramdam niya ay magiging genius na siya pagkatapos nito.

Nag ring ang cellphone niya, inabot niya ito at tiningnan kung sino, it's Maddux.

"Hello..."

"Hey T? Natanggap mo ba iyong e-mail ko? Paki-proofread naman." Dumapa sa kama at tumipa sa laptop...

"Wait lang." Nag-scroll siya nag kaunti. "Yeah, got it... I will read it later, may binabasa pa kasi akong book, I guess pwede natin itong ilagay sa RRL."

"Oh, okay... You can email it to me or text-" biglang natahimik ang kabilang linya, tiningan niya ang screen, bakit naputol?

Inilagay niya ang cellphone sa gilid at nag-umpisa na namang magbasa ng libro. Nang mag ring muli ang cellphone niya ay hindi na siya nag-atubili na tingnan pa ito, sinagot nalang niya.

"Maddux?"

"Who's Maddux?" Said a stern and cold voice, biglang nanlaki ang mga mata niya.

Inilayo niya sa tenga ang cellphone at tiningnan ang pangalan, damn!

Si Mr. President!

"Atticus..."

"Who's Maddux?" Ulit nito sa mas nakakatakot na tono.

"He was my teammate, Atticus."

"Teammate?"

"Oo, school stuff."

Pucha bakit nakakakaba?

"It's night and he's calling you."

Napahinga siya ng malalim saka napapikit ng mariin, ang tunog ng boses nito ay ganito kapag nagseselos.

"Atticus please, kung tumawag ka para sermonan ako, paki patay nalang ng tawag masyado akong pagod at stress sa school okay? Bukas mo nalang ako sermonan , sa umaga para fresh ang utak ko, marami akong iniisip huwag mo ng dagdagan pa."

Pagkatapos noon ay siya na mismo ang pumutol ng tawag saka nagbasang muli hanggang sa makatulog siya.


























March 10, 2021








The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon