Chapter XLIX - No...

Magsimula sa umpisa
                                    

At narinig ko na lang ang pagsarado ng pintuan ko. Ayan. Sweet lang sa'kin si Kuya kapag aalis cya. =______=

Ok, back to topic. Nasaan na nga pala tayo?

Ayon! Yung kay Kuya Jeff!

Yun nga, yun na yun. Tapos na yung pag'kwento ko. xD

Ay! Meron pa pala! Yung kina Angelo at Angel. Ayon, na'kick out sila saka hindi sila naka'graduate. Ang balita ko ay umalis sila dito sa Canada at pumunta ng ibang bansa. Ewan ko lang kung saang lupalop sila nagtago. Nyahhehehehe.

*

"Hay.. Nakakamiss naman si Denise.. Sana naman gumising na cya.."

Nandito na kami ngayon sa byahe papuntang ospital para bisitahin si Kat. 

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!*

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIII--*

"Hello?-- ANO?!"

MOMMY NILA KAT&JEFF'S POV

Hay.. Jeff..

Flashback..

"Oh Jeff! Bakit umiinom ka dyan?"

Nadatnan ko si Jeff sa terrace na umiinom.. ng alak..

"Don't worry, Mommy.. Dalawang bote lang po.. Wala po akong balak maglasing."

"Jeff. Anong problema? Sabihin mo na kay Mommy. Alam kong problemado ka dyan."

"Mommy.. *sigh* C-can.. Can I cry?"

Hindi na ako sumagot at niyakap ko na si Jeff.

"Sige lang, anak. Ilabas mo lang.."

Naramdaman ko namang umiiyak na talaga siya. Hay.. Anak ko..

"Mommy.. I miss her.. Sobra.. Ang sakit.. Sobra.. N-narinig ko kasi sila Daddy saka yung doctor na nagusap last two months.. Sabi nila.. 50/50 na lang daw si Kat.. Mommy.. Hanggang ngayon.. Hindi ko tanggap.. Hindi ko kayang mawala sa'kin yung kapatid ko.. Ayoko, Mommy.. Mahal na mahal ko po si Kat.."

"Anak.. Hindi tayo iiwan ni Kat. Kaya nya 'yon. Magdasal lang tayo. Saka wag kang masyadong mag'isip ng negative.."

"Sinusubukan ko, Mommy.. Pero hindi ea.. Nagiging nega na 'ko dahil sa narinig kong conversation nila Daddy.. Feeling ko nawawalan na ako ng pag'asa.."

"Jeff! Huwag kang mag'isip ng ganyan! Hindi tayo iiwan ni Kat! Tandaan mo 'yan!"

End of the flashback...

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Jeff.. Noong iniwan namin sila ng Daddy nila sa Pilipinas, siya na ang nag'alaga sa kapatid nya.. Siya na ang tumayong pangalawang magulang nito.. Alam kong masakit talaga ang nararamdaman nya ngayon.. 

Lagi na ring nawawalan ng ganang kumain si Jeff. Nihindi na rin namin cya nakitang ngumiti. Lagi nya ring binabanggit ang 'Bunso' sa tuwing natutulog cya..

"Mommy, punta po ako ngayon kay Kat.." paalam sa'kin ni Jeff habang pababa sya ng hagdaan.

"Magandang umaga, anak. Mamaya ka na pumunta, kain ka muna."

"Hindi na po, Mommy. Inom na lang po ako ng gatas.. Wala po akong gana.." hinayaan ko cyang pumunta sa kitchen dahil iinom lang cya.. Hindi na raw kakain.. Nag'aalala na 'ko kay Jeff. Medyo nangangayayat na cya. Maya maya ay lumabas na cya galing kitchen.

My Kuya's Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon