"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?gabi na ah? at..." tinignan nito ang mata ko, "May problema ba?"

Kung makipag usap ito ay parang magkaibigan lang kami na walang nangyari sa nakaraan.

I just smiled at him, nakita ko naman ang pagtango nito. "It's okay, kung ano man iyan, malalampasan mo rin 'yan." Nagdadalawang isip pa itong hawakan ang braso ko. Mas lalo lamang akong naiyak sa sinabi niya.

Agad ako nitong niyakap, imbis na itulak ito palayo ay nakita ko na lamang ang sariling umiiyak sa dibdib niya habang pinapatahan ako nito.




~*~


SATURDAY NGAYON at wala akong pasok sa trabaho, wala naman akong gagawin kaya nanatili lang ako sa condo. Sariwa pa rin ang sakit na naramdaman ko, kahapon lang iyon nangyari eh. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko, ilang oras lang ang tulog ko dahil sa oras na ipikit ko ang mata ko ay nakikita ko na naman ang ginawa nila kahapon.

Napahinto ako sa pag mamasahi sa binti ko nang biglaang bumukas ang pinto, hindi ko na kailangang lingunin dahil amoy pa lamang nito ay kilala ko na. Naramdaman ko ang pag upo nito sa tabi ko, niyakap kaagad ako nito bago sumiksik sa leeg ko.

Dahil sa gulat ay biglaan ko siyang naitulak. Nakita ko ang pag kagulat nito sa ginawa ko. That was my first time doing that.

"What's wrong?"

"I-I'm sorry, nagulat lang ako." he just smiled at hinalikan nya rin naman ako ulit, pinugpog niya ng halik ang mukha ko, paborito niya iyong gawin kapag namimiss niya ako o nag lalambing.

"I miss you," pabilis niyang hinalikan ang labi ko. Agad bumalatay sa mata ko ang sakit ng maalala na naman ang ginawa niya kahapon, ginawa niya rin ito sa babae.

Agad ko itong tinulak, "I-I'm sorry, naalala kong may lakad pa pala ako." I lied.

"Where? It's your day off, right?" agad naman akong nag isip sa tanong niya ngunit bago paman ako makasagot ay tumunog na ang cellphone ko.

God knows how thankful I am, kung sino man ang tumatawag saakin ngayon ay nagpapasalamat ako dahil nakatakas ako sa tanong ni Devoungh.

"Sagutin ko lang," pagpapaalam ko sa kaniya but his face is emotionless.

"Answer that here," seryuso nitong usal. Para akong ma hihipnotismo sa mga mata niya, tumango kaagad ako at sinagot iyon.

"Hello?" Iwas na iwas ako sa mga titig ni Devoungh.

"[Hey, yow! Calista, it's Quackin.]"

"A-Ahh oi ikaw pala, Quackin. Napatawag ka?" kanda utal utal na ako dahil nakita ko sa peripheral vision ko ang pag kunot nuo ni Devoungh nang marinig ang pangalang 'yon.

"[Ah, na disturbo ba kita? Pasensya na, I got your number from Clarrise, nalaman ko rin na day off niyo, I just want to ask if you are free---]"

"Oo naman! Sige, magbibihis muna ako, text nalang kita." Hindi ko maiwasang mapangiti. Gosh! Ngayon ko lang ata masasabing hindi na malas itong lalaking 'to sa buhay ko.

"Is he asking you out?"muntik na akong mahulog sa kinauupuan ng marinig ang malamig na usal. I look at him, he's now pissed when I didn't respond

"I'm asking you, Calista Jane?" Alam kong seryuso na talaga ito.

"A-Ah... Niyaya lang akong kumain sa labas," mabilis akong tumayo at pumunta kaagad sa kwarto para makahanap ng susuotin, as expected, sumunod kaagad itong si Devoungh.

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Where stories live. Discover now