NAKIKITA KO ANG MGA MANGYAYARI

2 0 0
                                    

Ang Liwanag na na nakita ni Kira ay sinilaw ang kaniyang mga mata. Umiiyak na si Kira sa liwanag nito nagulat nalang siya na bigla itong nagsalita sa kaniya at tinawag siya nito.

Liwanag: Ano ang nangyari sayo bata? (Malalim na salita ng liwanag kay Kira)

Walang sabat o sagot si Kira dito dahil siya ay natatakot dito umalis na ang Liwanag na nakita niya. Bigla nalang nawala ang Liwanag na ito.

Ginising Siya ng kaniyang Tatay para magpaalam munang umalis hindi niya ito sinundan at ang mga sumunod na nangyari.

Makalipas ng ilang oras nakita niya nanaman ang puting liwanag sa kaniyang panaginip. Kinausap siya nito at nakikipag sundo. Sinabi kay Kira na bibigyan ito ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkita ng mangyayari. Walang sinabi si Kira at ibinigay nalang sakaniya ang kapangyarihan na ito. Nakita niya na unti-unting nagkakaroon ng abo at nawawala ang liwanag habang binibigay kay kira ang kapangyarihan. Pag gising niya ay nakabalik narin ang kaniyang tatay at nagsalo silang dalawa sa hapagkainan. Kinwento ni Kira ang mga nakita niya sa kaniyang panaginip sa kaniyang Tatay.

Kira: Tatay nakakita ako ng Liwanag sa aking panaginip kinakausap niya ako kaso hindi ko siya marinig may binibigay siyang hindi ko alam at ipinasok niya ito sa aking ulo at bigla nalang itong nawala na parang abo.

Larry: Natural iyon Anak wag mo nalang pansinin ang ganiyang mga bagay, mamaya tulungan mokong mag ayos ng aking gamit at aalis pako. (Sabi ng kaniyang Tatay)

Kaya Naman pala hindi nagsasalita si Kira noong kinakausap ito ng Liwanag ay wala pala itong marinig kaso naibigay na ang kapangyarihan sa kaniya. Nang nag ayos na sila ng gamit ng kaniyang tatay umalis din agad ang tatay niya at napaisip si Kira na ang dami niyang dalang gamit. Nang nakatulog na si Kira hindi niya na nakita ang liwanag sa nakikita niya noon. Nakalipas ang ilang oras ay nakita niya ang kaniyang tatay na may kausap na mga lalaki ang dami nito at parang galit sa kaniyang tatay tuloy tuloy lang ang kaniyang pagkakakita ng bigla itong barilin sa ulo at tinadtad ng bala sa katawan. (Nagising si Kira ng pawisan at kinakabahan) Naalala niya na wag itong pansinin sabi ng tatay niya kaya naman bumalik ito sa pagtulog. (nakalipas na ang umaga nagising si Kira at ginigising ito ng kaniyang kaibigan na si L.

L: Kira ang iyong tatay nasa Plaza natagpuang wala ng buhay.

Gulat na gulat at hindi mapaniwala si Kira kaya naman sinapak ni Kira si L at sabi...

Kira: Bat mo nagawa sakin ito nag bibiruan tayo pero bat gantong biro hindi ka nakakatuwa L.(galit na kinakabahan)

L: Ganto bako kapag nakipag biruan sumama ka sakin para makita mo ang totoo.( sagot na pagalit ni L kay Kira)

Nang pinuntahan nila ito sa Plaza hindi nila makita ang patay sa sobrang daming tao. Kaya naman nakipag siksikan sila at nakipag tulakan para lang makita ito. Nang buksan ni Kira ang naka talop sa bangkay ay nakita niyang Tatay niya ito nagulat siya at sabing.

Kira: HINDI! HINDI! Maari na patay na ang aking tatay.(pasabing galit ni Kira)AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!

Tumakbo ito sa sobrang takot at nanlalambot pauwi ng bahay nag dabog at halos masira na ang kanilang mga gamit sa bahay. Sinamahan naman ito ni L.

L: Kira mag pahinga kamuna pagod na pagod kana wag mo naman patayin ang sarili mo.(sabi ni L nanag aalala)

Hindi nagsalita si Kira at natulog muna ito nang nakalipas ang ilang araw ay may pumuntang dalawang pulis sa kanilang bahay para kausapin si Kira sinabi na wala na ang kaniyang tatay sinabi na Binaril ito sa ulo at labing apat na bala ang natagpuan sa katawan. Sinarhan ni Kira ng pinto ang mga pulis na ito at tuloy parin ang pagsasalita ng pulis na banggit ng pulis na...

NAKIKITA KO ANG MGA MANGYAYARIWhere stories live. Discover now