Chapter 12

2.7K 73 2
                                    

[ELLAINE’S POV]

Bagama’t hindi na siya nakabalik sa ospital upang dalawin ang binata dahil sa dami ng school works na kailangan niyang tapusin at ihabol sa deadline. Naghahabol siya ng mas mataas na grade upang maabot niya ang average quota for magna cum laude sa darating na graduation. Ngunit sa kabila ng pagiging busy niya sa school, patuloy pa rin siyang tumatawag kay Lily upang i-monitor ang kasalukuyang estado ni John Paul.

At kanina nga ay ibinalita ni Lily na nakauwi na raw ang binata sa bahay ng mga ito. Dagdag pa ng pinsan ni Paul ay nakabawi na rin daw ito ng lakas ‘di kagaya ng mga nagdaang araw. Kahit papaano ay napanatag na siya sa kaalamang iyon.

Isang hapon habang nasa library siya at nagliligpit na siya ng gamit niya dahil malapit na siyang umuwi, bigla na lang niyang napansin na nakatayo sa harap niya si Tricia.

“We need to talk,” nakatikwas ang kilay nito nang sabihin iyon subalit sa mababang boses.

Minadali na niya ang pagliligpit ng mga gamit na nakakalat sa mesa at saka isinukbit ang bag niya pagkatapos. Nauna na itong lumabas ng library at saka nagpatiuna sa pagsakay sa elevator na nakatalaga para sa mga estudyante. Sa likod ng admin building siya nito hinarap. Walang masyadong taong nagagawi roon kaya’t malaya silang makakapag-palitan ng maaanghang na salita. Sigurado siyang iyon naman ang balak nito, ang talakan siya.

Ilang segundo rin itong nanatiling walang imik. Nakapameywang ito sa kanya at sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang mas matangkad ito sa kanya. Samantalang kung tutuusin ay ni hindi nga ito umabot sa may tainga niya.

“I don’t have all the time so you better speak up,” aniya rito. Kalmado lang ang boses niya. No need to fuss, Ellaine, bulong niya sa isip.

“Nabalitaan ko ang pagpunta mo sa ospital kung saan na-confine si John Paul.”

“In fairness, may alam ka pa naman pala sa boyfriend mo kahit papaano,” patuyang turan niya dito.

“You know what? Didiretsahin na kita, I don’t want to see you with my boyfriend, ever again!” mabalasik nitong sabi sa kanya. “Mahiya ka naman Ellaine! May girlfriend na 'yong tao tapos balak mo pang sulutin. Ganyan ka na ba kadesperada?” nang-uuyam nitong pahayag.

Nagtitimpi lang siya at sinisikap na huwag dumapo ang kamay niya sa mahaba nitong buhok pero ang totoo ay sobra na ang panggigigil niya rito. Ginaya niya rin ang ginawa nito sa kanya kanina—tiningnan niya rin ito mula ulo hanggang paa—sa paraang makakaramdam ito ng pagkainsulto. Pagkatapos ay muling tumaas ang tingin niya sa mukha nito.

“Sige, tatapatin rin kita Tricia. Okay fine, it’s true na balak kong agawin si John Paul sa 'yo.  Pero inilalayo ko lang ang kaibigan ko sa iyo because you don’t deserve him. You know why? Because you’re a scheming bitch!” Nakatikwas ang kilay niya nang sabihin iyon. At bago pa man ito makasagot ay may dinukot na siya sa shoulder bag niya saka iyon ibinato sa kanya.

Pero hindi nito iyon nagawang saluhin kaya bumagsak sa semento ang CD na naglalaman ng kababuyan nito. Yes, she had always that CD in her bag because she knew that this day would eventually come. Hindi man lang ito tuminag para pulutin ang CD na nasa paanan nito.

“Yan ang copy ng s3x video mo with Isaac, Mark, Neil and my cousin Aries.” Nakita niyang biglang namutla ang mukha nito nang sabihin niya iyon. Malamang ay alam na nito ang sinasabi niya. “Talaga bang ganyan ka kakati at hindi ka magkasya kay John Paul? Bakit, kasi hindi ka magkasya sa iisang lalaki lang, ha? Mahiya ka naman sa pagkababae mo! Pero kung wala ka na rin talagang hiya na natitira diyan sa katawan mo, kahit na lang sana sa mga magulang mo na nagpapakamatay magtrabaho mapag-aral ka lang tapos iyan lang ang igaganti mo sa kanila.” Hindi niya alam kung bakit affected siya sa s3x videong kinakasangkutan nito. Marahil dahil hindi pa naman talaga siya ganoon kasama. Naiinis siya dito pero naniniwala siyang hindi sapat ang inis o galit na nararamdaman niya para siraan ito sa iba kahit na nga ba kayang-kaya niyang gawin ang bagay na 'yon lalo na at may hawak siyang ebidensiya laban dito.

“S-san mo nakuha to?” nanginginig  ang boses nito at ngayon ay pinupulot na ang CD sa semento. Kung kanina ay halos panlisikan siya nito ng mga mata, ngayon naman ay halos hindi na ito magkandatuto sa pagkakayuko marahil ay upang itago ang pagkakapahiya sa kanya.

Why, she had just given her her own doze of medicine.

“It does not matter kung kanino ko man iyan nakuha.” Mas mababa na ang tinig niya ng mga sandaling iyon. “Anyway, I’ve actually done you a favor. Wala nang ibang may copy ng video na iyan kundi ako.” Bahagya siyang tumigil sa humugot ng malalim na paghinga. “At ngayon ako naman ang hihingi ng pabor sa 'yo. Huwag na huwag ka nang makikipagkita kay John Paul kahit kalian. Yes, you heard it right, kahit kalian. Ayoko nang makikita kang kasama mo siya because seriously, you don’t deserve him. He’s sooo nice just to be yours. Maghanap ka ng kauri mo, Tricia. At oras na makita kitang bumubuntot ulit sa kanya, alam mo naman na siguro ang susunod na mangyayari since you are not that dumb.” Iyon lang at humakbang na siya palayo dito.

Naiwan itong tigagal sa mga sinabi niya. Marahil ay matatauhan na ito sa ginawa niya. She already served her purpose. Kung hindi man magiging kanya si John Paul, she would make sure it won’t be Tricia. Masaya na rin siya at kahit papaano’y nailayo na niya ang kaibigan sa kamandag ng Tricia na 'yon.

____

Please do vote. :)

Gone Boy [COMPLETED][PUBLISHED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora