Paolo's POV
"Bro bat ba kasi di mo nalang ligawan? maganda naman siya, Mayaman, maputi, sexyy, Tsaka alam mo matalino daw yun. Yun ang pinakamatalino sa lahat ng HRM student, Oh ano pang hahanapin mo? " Paliwanag saakin ni Kevin isa din sa mga kaibigan ko
"Oo nga naman Paolo. Ang sarap pa mag luto ne rereject mo lang, pero salamat na rin at kami ang mabubusog diba pareng Kevs?" Natatawang sabi naman ni James, Andito kami ngayon sa paboritong tambayan namin isa sa mga bar ni Kevin at Kung curious kayo anong pinag uusapan namin e yung babaeng stalker ko lang naman I mean isa sa mga stalker ko (ehem) E kasi naman bat botong boto sila sa babaeng yun e wala naman yun binatbat sa Samantha ko. Naks kung maka Samantha naman. Pero kasi ayaw ko talaga, wala akong dapat paasahin tsaka di ko naman gusto yun e.. Natinag ako nang mag salita uli si James
"Hoy Paolo, alam mo labo mo din kausap ano? " sabi niya
"E sa ayaw ko nga e, mahirap ba intindihin yun? Nangako ako kay Samantha pare na aantayin ko siya at nangako naman siyang babalik siya kaya di ko yun ibre-break. " Paliwanag ko sakanila
"Eh. Diba ang ibang promise ay di naman natutupad? " Sabi ni Myro. Kabarkada ko sa soccer team.
"Di kami ganun pare" Sabay lagok ko ng alak sa baso ko
"6 years pare. 6 long years have been passed, pero anjan ka pa din sa kinatatayuan mong yan at nag aantay. Nako nanan Paolo paano kung ikaw lang pala yung nag aantay? " Sabi ni Kevin kaya napaisip ako paano nga ba kung ako lang yung nag aantay? Paano kung di niya na pala ako natatandaan? Simula nung umalis siya ay di na siya nag paramdam pang muli, ni hindi na tumawag, at nag sesent ng email until now, I was hoping and waiting. Buti nalang narinig ko yung pag uusap nila mommy at ng mommy ni Samantha sa bahay.....
Flashback---
Hinahanap ko si mommy dahil itatanong ko sa kanya yung favorite Tshirt ko kaya naman tinanong ko si Manang Esmeralda kung saan si Mommy....
"Ya, wheres mom? " Tanong ko sa kanya
"Paolo nasa garden ang mama mo kausap ang tita Beth mo" Sagot ni yaya
"Salamat ya" Sabi ko at nag mamadaling pumunta sa garden ng bahay namin ngunit ng lalabas nako sa garden nang may marinig akong di inaasahan. Bakit umiiyak si mommy? Nanatili lang ako sa pwesto ko at nakinig lang----
"Bat kailangan pang dun kayo titira? Mag kakalayo sina Samantha at Paolo tiyak di nila yun magugustuhan" Iyak naman si mommy teka sinong aalis? Bat kami mag kakalayo ni Samantha, di ko na napigilan pa at lumabas nako
"Bakit po kami mag kakalayo ni Samantha? Tita saan po kayo pupunta? " Umiyak na din ako
"Paolo? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni mommy saakin
"Mommy kung di ko pa narinig wala kayong balak sabihin saakin? " Sabi ko
"Hindi anak"Umiiyak na sabi ni mommy
Umling ako at tumakbo pataas ng bahay at pumasok sa kwarto ko at umiyak ng umiyak, I was trying to call Samantha at sabihing wag niya ako iwan but shes not answering my calls. Mag damag akong umiyak dun sa kwarto ko pero kinabukasan kinausap din ako ni mommy at inexplain lahat saakin...
End of Flashback---
"Hahahahahahahahaha" Bumalik lang ako sa realidad nangarinig kong tawanan lang ang naririnig dito sa loob ng kwarto
"Anong nakakatawa? " Sabi ko
"Malamang di mo alam tulala ka jan e'At nag tawanan naman uli
"Tss mga gago" Sabi ko at akmang tatayo na ng pigilan ako ni Myro
"Chill pare. Maya kana umuwi ang aga pa oh" sabi ni Myro
"Ang sabi namin, paano kung maging Kayo nung Kyla na yun? Ang cute niyo sigurong couples" Tawa ulit sila, Like WTH ano daw? Hanggang ngaypn yan pa din ang topic nila?
"Alam niyo ang gagago niyo? Hanggang ngayon e yan pa din pala ang topic niyo? Kayo kaya lumigaw dun kung maka tili ng sobrang wagas daig pa ang amazona" Sabi ko
"Nakss pare pansin mo din pala siya? ,Yieeeee" Asar nilang tatlo
"Ambabakla niyo, jan na nga kayo. Uuwi nako at tatalakan naman ako ni mommy pag dating ko aa bahay" Sabi ko kaya tumayo nako at lalabas na nang nag salita si James
"Ingat ka pare, baka mahulog ka sa bitag ng babaeng yun at pag nangyare yun wag na wag kang lalapit saamin at hihingi ng tuling ah hahahaha" Sabi ni Kevin kaya nag tawanan naman yun dalawa. Napailing nalang ako at lumabas na ng VIP room ng bar...
***
andito nako sa bahay at di ako makatulog dahil naiisip ko naman yung sabi nina Kevin kanina ang daming gumugulo sa isip ko yung kay Samantha, yung mga sinabi nina Myro kanina at si Kyla di ko na alam kung anong iisipin ko... Mabubuang nako netooo!! Kaya nung mga bandang 11:15 pm na nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan ang nag text
~Open message
Hi Paolo. Gising ka pa ba? Ako gising pa e. Sabi kasi nila pag may nag iisip daw sayong ibang tao di ka daw makatulog, kung totoo man yun, sino kaya nag iisip sakin? Hay malabo namang ikaw yun. Ang ilusyunada ko naman hehe. Goodnight or should I say GoodMorning? Baka kasi umaga na bago mo to mabasa e :) Sige.
--
Hay ano daw iniisip ko siya? Psh asa naman siya pero teka saan naman neto nakuha ang number ko? Maya maya ay nag vibrate uli ang phone ko kaya binuksan ko
~open message
Nga pala kay James ko nakuha phone number mo at actually matagal na pero ngayon lang ako nag lakas loob na mag text sayo. Sige.
--
Mind reader ba to? Tsa James talaga.. Di rin nag tagal nakatulog na ako..
*****
Dito muna mag tapos ang Chapter 3. Mahaba haba na sigurong update yan. Okay lang ba guys? Comment naman kayo. Vote na rin. Thanksss :*
YOU ARE READING
UNTIL WHEN [COMPLETED]
RomanceHe's not still giving up. He's still waiting. Waiting for a girl that he doesn't know for how long he will wait.. On the other side, She is also waiting for him, for him to move forward, for him to give up with his past and start for new with her ...
![UNTIL WHEN [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/32710985-64-k433832.jpg)