"Ok ok fine"

Ako pala... Ang batang ako pala ang sinasabi nyang nakapapayag sa kanyang kumain ng barbecue...

Ilang taon.......ilang taon ang nasayang na hindi tayong mag kasamang dalawa.... Kaya pala...ka-kaya pala feeling ko may kulang sa pag ka tao ko..... Ikaw pala 'yon.

Napatigil ako sa panonood sa batang ako at sa batang si Ellioner ng biglang mag bago ang scene.

"Sa-sabi m-mow Hin-di m-mo ako iiwan!"

Napalunok ako... Ito ba ito ba ang nangyari bago ako nawalan ng memorya?

"shh babalik din naman ako eh, babalikan naman kita"

"D-dapat t-tu-parin m-mow i-iyon..."

"Anak!/Mena!! "

Tumakbo ako at hinabol ang batang ako

"Batang ako wag kang tumakbo baka masagasaan ka-"

*BEEP! BEEEEEP!*

"MENAAAAA!"

Naalala ko na... Naalala ko na lahat...

P-pero...Inay... Itay...... Bakit?......bakit natiis nyong gabi gabi ako noong umiinda ng sakit ng ulo habang may mga memoryang hindi ko alam... Bakit kayo nag sinungaling saakin?....













THIRD PERSON'S POV;

SA MANSION NG MGA CLAYTON.

Masayang nag kwekwentuhan ang mag kaibigang Marie, Sheena at Agatha.

Sila ang matalik na mag kakaibigan mula college student pa lamang sila. Nag karoon man nang lamat ang pag kakaibigan nila nong college sila ay agad din naman ito naayos dahil mas nanaig ang kanilang pag kakaibigan.

Pero nanaig nga ba ang pag kakaibigan?...

Habang nag kwekwentuhan sila hindi maiwasang mag usap usap tungkol sa kanilang mga anak.

"Ikaw Agatha, kamusta ang iyong anak? What's his name again? Jasfer?"

Tukoy ni Marie sa kaisa isang anak nito.

Pero sa hindi malamang dahilan biglang namutla si Agatha.

"W-well he's ok, umuuwi pa naman sa bahay pero minsan lang dahil binilhan ko sariling condo"

"How about your daughter sheena?"

"Well she's fine still hard headed"

"Ikamusta nyo nalang ako kay Jasfer at Erica"

Iisa lamang ang pinapasukan ng mga anak nila. Yun ay ang Clayton International Academy na pag mamay-ari ng kanyang asawa.

"Ikaw marie, how's Ellioner?"

"Hmm. Ok na man sya, lalo na ngayon na kasama nya na si Valencia. And oh! Tama ka nga Sheena. Si Valencia at ang babaeng nag tatrabaho sa restaurant mo ay iisa. I found it nung dito sya tumuloy last month, nag tatampo nga ako kay Christine eh kung bakit hindi nya sinabi saakin na buhay pala si Valencia."

Naka ngiting sabi ni marie.

"Sabi na eh! Unang kita ko palang sa batang iyon may hinala na ako"

Sabi ni sheena

Malapit sa kanila si Philomena kahit ang mga magulang nito ay nag sisilbihan sa clayton Family.


Hindi batid sa kanilang kaalaman merong isang taong nanlilisik ang mata at tahimik na pinag mamasdan lamang sila.

Ang Matabang Probinsyana (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon