"Bakit? Selos ka?" Parang panunukso ni Cold habang naka smile sa akin

"Sya pagseselosan ko? Bakit? Mas gwapo ako kaysa sa kanya. Mas Hot pa" pagtataas ko sa sarili kong sabi

Hindi lang pagtaas sa sarili ko. Sinabi ko pa na may diin sa kay Cold

"At higit sa lahat HINDI TAYO. Lalong-lalo na HINDI TAYO MAG-M.U" madiin na sabi ko

"Sa ngayon pero sa katagalan magugustuhan mo rin ako" rinig ko pero mahina lang

Kunyaring hindi ko naintindihan

"Ano? May sinasabi ka?" Maang-maangan kong sabi

Bago pa sya magsalita ay lumingon muna ako sa paligid. Yung hindi nya nakikita habang naka ngiti. Na parang kinikilig

"Ang sabi ko kung sinasagot mo na ako. Eh...di sana hindi mo dinidiin na hindi tayo para okay lang na magselos ka na" pa ngangantiyaw ni Cold

"Hindi ka nga nanliligaw eh...tapos sasabihin mo sasagutin kita"

"Bakit kapag sinabi ko ba sayo na ligawan kita papayag ka ba? Di ba hindi?" Tanong nya sa akin

"Oo Hinding-hindi talaga" hindi pag agree ko

"Tama ako hindi ka papayag. Kaya bakit ko pa sasabihin sayo tsaka sasagutin mo ba ako?" Balik tanong nya

"At lalong hindi kita sasagutin. Parehas tayong guy tsaka ang lalaki ginawa para sa babae. Understood?" Pag-iintindi nya na sabi

Pinilit nya rin ang explanation nya

"May pagka Lumang tao ka rin nuh tsaka Iba na ngayon. Milenial na. 2020 na. Tanggap na ang mga lgbt ngayon sa henerasyon ngayon. Kaya pwede ng maki pagdate ngayon ang guy sa guy. Ang girl sa girl. Lahat pwede na" explain ni Cold

Humirit pa sya

"Tsaka pwede ba huwag ka na maghinala kasi hindi ko kinokontak si Frederick at hindi kami magkikita dito or sa loob ng Mall. Walang date na magaganap. Walang Frederick na susulpot dito dahil hindi nya alam na nandito ako. Higit sa lahat ay sayo lang ako makiki pagdate" sabay kindat ni Cold sa akin

"Ewan ko sayo. Ang dami mong alam. Ang dami mong dahilan at sige na. Tapusin mo na ang magtext baka lalo akong mainip. Baka ako na ang reply jan sa katext mo" sabi ko

"Uhm" tipid na sabi ni Cold

Nagtext na sya. Naghihintay naman ako sa kanya. Dahil maiinipin ako tsaka hindi ako kontento sa explanation ni Cold at nagdududa ako sa sinabi nya na hindi sya makiki pagkita or makiki pagdate kay Frederick ay hindi ko maiwasan mag-isip

Sino ba talaga ka text nya? Ang tagal talaga tapos ngingiti pa sya. Parang kinikiliti ang puwet kasi kinikilig sya. Mas mabuting tignan ko na. Hindi talaga ako mapalagay eh...dapat yung hindi ako mahahalata ni Cold

Kaya sumimpli ako ng tingin sa cellphone nya ng hindi napapansin

Haaayyy kainis hindi ko makita kasi ba naman naka tapat yung cellphone nya sa akin kaya naka tapat din sya. Baka nararamdaman nya na tinitignan ko ang cellphone nya

Napa tingin si Cold sa akin. Nagsmile ako pagkatapos ay umiwas ako ng tingin sa cellphone nya tsaka tumingin sa bintana na nasa right side ko. Bumalik na sya sa pagtetext at ako naman ay umarangkada sa pagsimpli na sa pagtingin or pagsilip sa cellphone nya

Cold and HotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora