'JEMA'
pagkatapos ng trabaho ko sa Wong's corp agad akong umalis para puntahan ang coffee shop ni Lexa sabi kasi nya sa akin nandon raw ngayon sa coffee shop nya yung Ade na kasama nilang kumain noong nakaraang araw.
agad kong sinabihan yung driver ko na dumaan muna kami sa coffee shop ni Lexa mabuti nalang hindi to kalayuan sa office dahilan para agad kaming makarating dito.
habang nasa biyahi ako nagpalitan pa kami ng text message ni Lexa tinanong nya sa'kin kung nasaan na ako kasi papaalis na raw yung babae.
nagpapasalamat talaga ako na nandiyan si Lexa para sa anak ko. nandiyan sya para balitaan ako, para maging mata ko kay Dale lalo na sa mga taong gusto syang abusohin.
sinagot ko naman dito na malapit na ako nang matanaw ko na ang coffee shop ni Lexa ay may nakita akong dalawang babae na kalalabas lang dito. ang sabi ni Lexa sa message nya papalabas naraw yung Ade.
agad ko silang hinarang ng huminto na ang sasakyan ko sa harapan nila.
bigla akong napaisip ng makita ko yung girl parang pamilyar ang mukha nya. parang nagkita na kami dati na hindi ko lang matandaan. may kakaiba akong pakiramdam sa kanya.
"ikaw ba si Ade?"
agad kong tanong dito.
tango lang ang isinagot nya pero may malawak na ngiti sa'kin. pakiramdam ko talaga matagal ko na syang kilala. yung ngiti nya yung mga mata nya, parang...
imposible naman siguro.
"ako si attorney Wong, mommy ni Dale"
pakilala ko sa kanya. pero ganon parin ang reaction nya nakangiti parin sya sa akin.
"hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa gusto ko lang sabihin sayo na, layuan mo ang anak kong si Dale. hindi kita gusto para sa kanya"
diriktang sabi ko dito.
nakita ko naman ang pagbabago ng reaction nya bigla kasi kumunot ang noo nya. sa ginawa nya kinabahan na ako nakita ko na talaga ang babaeng ito.
"sana naintindihan mo ang gusto kong ipahiwatig Ade"
dugtong ko pa.
"mukha kanamang matalino sana naunawaan mo ang sinabi ko. mauna na ako sa inyo"
mabilis kong sabi dito at agad akong umalis sa harapan nila.
kung ano-ano kasi pumapasok sa isipan ko tungkol sa kanya. siguro naman naintindihan nya ang gusto kang iparating.
gusto kong layuan nya ang anak ko gusto ko lang naman protektahan si Dale sa mga kagaya nya.
siguro naman na unawaan nya ang gusto kong mangyari na ayaw ko sa kanya para kay Dale. gagawin ko ang lahat para hindi na ulit danasin ni Dale yung mga nangyari sa kanya before.
ina ako at mahal ko ang mga anak ko. wala akong pakialam kong magmukha akong masama sa mata ng iba. kung kapalit nito ay ang mapabuti ang mga anak ko.
pero yung babae hindi sya mawala sa isip ko. yung Ade parang may kung ano sa kanya.
parang nakikita ko sa kanya si...
--------------
'ADE'
nakauwi ako ng bahay namin na dala-dala ang tanong na ano ang ibigsabihin ni atty. Wong. bakit nya nasabi 'yon.
bakit parang ibang tao yung nakaharap ko kanina, parang hindi sya yung idolo ko. yung idolo ko na mabait at mabuting tao, parang hindi sya yung nakausap ko kanina.
mali ba talaga ang pagkakakilala ko sa kanya.
"aahhrr!"
sabay sabunot ko sa ulo ko. bakit ko ba yon inaalala kainis!
"ano bang nangyayari sayo anak. may problema ba?"
takang tanong ni nanay sa akin.
"ho? wala naman po bakit po?"
takang tanong ko rin dito.
"bakit sumigaw ka. at bakit ganyan itsura mo?"
nag-aalala nyang tanong.
tumingin lang ako sa kanya. nasabi ko bayon ng malakas, pambihira.
"hehe ano kaba nay, may naisip lang ako"
palusot ko dito.
"ano ba yang naisip mo. baka makatulong ako"
lumapit na sya sakin at umupo sa harapan ko.
nandito kasi ako ngayon sa kusina namin nag-aaral pero wala namang pumapasok sa isipan ko dahil ang laman lang ng utak ko ay yung sinabi ng mommy ni Dale.
"tungkol lang po sa scholarship namin"
ngiting sagot ko dito.
"bakit. may problema ba sa scholarship nyo?"
ang daming tanong ni nanay.
"wala po nay, nag-aalala lang ako baka hindi ko maabot yung grades na hinihingi nila"
pagsisinungaling naba tong ginagawa ko.
"nag-aalala ka don. ikaw pa, eh alam ko namang napakatalino mo. may tiwala ako sayo anak"
sabay hawak nya sa balikat ko.
weeh, napaka supportive ni nanay na touch tuloy ako.
"pano nyo pala nakuha yung scholarship nyo ni Dani?"
hindi na wawalan ng tanong si nanay.
"ah nag apply po kami ni Dani ng scholarship sa W's hospital, mabuti nalang mabait yung may-ari agad kaming binigyan ng scholarship"
masayang kwento ko sa kanya.
pero biglang nag-iba ang reaction nya. wala naman sigurong mali sa sinabi ko.
"sinong may-ari sa hospital na sinasabi mo?"
napatingin ako kay tatay na nasa likod na pala ni nanay.
kanina pa ba sya nandiyan hindi ko kasi sya napansin.
"ang mga Wong ba ang may-ari ng hospital na sinasabi mo?"
si tatay ulit yon.
"opo"
sagot ko dito sabay tango.
nagkatinginan naman sila bigla ni nanay.
"kilala nyo po ang mga Wong tay?"
ako naman ang nagtanong sa kanila. nagkatinginan nanaman sila.
ano ba ang problema sa mga magulang ko. bakit parang hindi sila mapakali sa sinabi ko.
"hindi! wag munang isipin yon, ituloy muna lang ginagawa mo"
pagkasabi non ni tatay ay umalis na sya sa harapan ko.
"puntahan ko lang tatay mo"
sabi ni nanay sa'kin at pinuntahan nga si tatay.
pakiramdam ko may problema talaga sa mga magulang ko.
hindi pa nga mawala-wala sa isip ko yung nangyari sa amin ni atty. Wong kanina tapos ito naman ngayon, yung mga magulang ko.
hindi na talaga ako makakapag-aral nito ng mabuti ngayon.
----------------------------------------------------------
ito na ata yung pinakamaikling update na nagawa ko simula nang magsulat ako dito sa wattpad.
أنت تقرأ
Out of the Campus:TWO(2)
أدب الهواةbook two of Campus Crush. maynawala pero maybagong dumating ituloy natin ang kwento. uunahan ko na kayo hindi ito kagandahan pasensya na kung hindi ko maabot ang expectation nyo hindi kasi ako kagalingan 😊
