“Hindi rin. Baka yun talaga yung ugali nya or baka nag seselos lang. Y’know, everyone has their own demons, some just don't show it.” napahinto kami nun tapos sabay pa kaming nag buntong hininga. Natawa nalang tuloy kami sa mga sarili namin.
“Tara na nga, ihahatid na kita sa inyo.”
Sumakay kami ni Miki sa kotse nya at inihatid nya nga ako sa bahay. Pag dating namin sa labas ng bahay, may nakaparada ding kotse sa labas.
“Kay Dustin to ah.” sabi ni Miki.
Ano naman kayang ginagawa nun dito? Pagbaba namin ng kotse, sakto namang labas ni Tita at Dustin ng gate.
“Andito na pala si Gia eh.”
Nag kiss ako kay Tita at binati naman sya ni Miki.
“Hoy mokong, anong ginagawa mo dito? Napadpad ka yata? At san ka ba nanggaling ha?”
Ilang araw ko din kasi syang hindi nakita, na-curious lang ako kung san sya inilagay ni Lord these past few days.
“Ang dami mong tanong. Alam ko namang namiss mo ako eh.” ngumiti sya sabay ayos ng buhok nya.
“Ang kapal mo.” ginulo ko yung buhok nya.
“Ibinigay ko lang kay Tita yung pasalubong ko. Nasabi nya kasi na paborito na yung sunflower kaya dinalhan ko sya. Galing kaya akong probinsya para sa seminar.”
“Pasalubong ko?”
“Bakit naman kita bibigyan ng pasalubong?” tinignan nya ako ng nakakaloko.
“Tsk! Umalis ka na nga.”
Napalingon naman ako kay Miki. Ay oo nga pala, nakalimutan kong andito din pala si Miki. Nagpasalamat lang ulit ako sa kanya.
“Bro, bakit nga pala andito ka?”
Mga tanong netong si Dustin eh! Hindi ba obvious na ihinatid nya ako?
“Hinatid ko lang si Gia. Kakatapos lang kasi naming mag ice cream.”
“Kailangan mo pa talaga syang ihatid?”
Ayos ka din ah! Syempre gentleman si Miki kaya ihinatid nya ako. Palibhasa wala kang taglay na ganun sa katawan mo.
“Gabi na kasi, ayokong hayaan syang umuwi mag-isa bro.”
“Hindi maaano yan. Maton kaya yan, para pang fox kaya walang mag tatangkang saktan yan.” tumingin ulit sya sa akin at ang kulit ng expression ng mukha nya.
“Tsk. Loko ka! Anong parang fox?”
Dinilaan nya lang ako sabay lapit kay Miki. “Bro, mag-ingat tayo baka mag transform na sya.”
Tawa ng tawa sa amin si Tita. Ang kukulit daw namin.
“Pasok muna kayo sa bahay Miki. Dustin, pasok ka ulit.”
“Nah, uuwi na ako Tita. Ikaw bro, baka gusto mong pumasok muna?”
Umiling lang si Miki. “Mauuna na din po ako.”
“Sige, ingat kayo sa daan.”
Pumasok na si Miki sa sasakyan nya, si Dustin naman nakasandal pa lang sa kotse nya.
“Pst. Miki! Salamat ah. Ingat!”
Ngumiti lang sya at nag nod saka nag drive paalis. Sunutsutan naman ako ni Dustin.
“Ako ba hindi mo sasabihan ng ingat?”
“Bahala ka sa buhay mo!” dumila lang din ako sa kanya. At aba ang loko nag pu-puppy eyes. Akala mo naman bagay sa kanya.
“Ganyan sya Tita eh, kay Miki ang bait bait tapos ang sama-sama sa akin. Okay lang, tanggap ko.”
Natawa lang si Tita at sinabihan nya ng ingat si Dustin.
“Tse. Manahimik ka na, bilis alis na! Tsupe!”
“Oo na, oo na. Grabe talaga.” pumasok na sya nun sa kotse nya. “Hindi mo talaga ako sasabihan nun?”
Umiling-iling lang ako. “Aalis na nga lang ako.” nung paalis na talaga sya saka ko sya tinawag ulit, “Hoy wag tanga sa pag mamaneho ah.” ngumiti lang sya tapos umalis na.
Matapos kong mag dinner at mag linis ng katawan, humiga na ako sa kama ko. Nakatingin lang ako nun sa kisame nung bigla namang pumasok sa isip ko si Dustin. BATHUMP! THUMP! THUMP!
Huh? Bakit biglang ang lakas ng kabog ng dibdib ko? May nangyari kaya kay Dustin? Dali dali ko namang kinuha yung phone ko at nag dial ako. Saglit lang may sumagot din.
“Hello? Who’s this?”
Bakit babae ang sumagot?
“Oh, I’m sorry. Baka wrong number lang ako.”
“Si Dustin ba ang hinahanap mo? Nag cr lang sya.”
Malamang lang miss na si Dustin ang hinahanap ko kasi sya yung tinawagan ko, alangan namang ikaw? Bigla nalang akong napikon at nairita sa di malamang dahilan.
“Hello miss? Hello?”
Binaba ko nalang yung phone.
Stupid! Nag alala pa ako kung ano ng nangyari sa kanya tapos andun lang pala at nambababae. Idiot Dustin! Pumikit nalang ako nun para makatulog.
Maya maya lang tumunog yung phone ko. Hindi ko na tinignan kung sino basta sinagot ko nalang agad.
“Hello? Sino to?”
“Grabe ka naman Fox. Bunira mo agad number ko porke may ibang sumagot.”
Bwiset na Dustin na to!
“Bakit ka nga pala tumawag?”
“Chinecheck ko lang kung patay ka na.”
“I MISS YOU TOO FOX!”
Anong I Miss you too? Kapal ng mukha neto!
“Kapal mo. Bahala ka nga sa buhay mo at wag mo nga akong tawaging fox.”
Binabaan ko na sya ng phone nun.
From: Stupid Dustin
Nagalala k b? You’re so sweet. Sleeptight my princess.
Moron! Bakit naman ako magaalala sayo?
YOU ARE READING
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.
CHAPTER 7: Missing in Action
Start from the beginning
