SEGMENT TWO

16 5 14
                                    

Kinabukasan, bago pa man ako umalis nang apartment ay makiki-pagkilala sana ako dun sa babaeng nakatira next door pero mukhang walang tao kaya nagipit ako ng isang papel sa pintuan nung babae na may nakalagay na "Hi, ang galing mo tumog-tog at kumanta kahapon." Nilagyan ko pa nang smiley face sa ending.

Walang masyadong customer sa café ngayon since weekends ngayon. Kaya chill chill lang kami dito, si Aero ay naglalaro ng ML, malapit na daw siya kasing maging mythic, pinalaro pa nga ako nang among us since uso daw yun. Like tf mas into books ako, nakaka-adict yang ML 'e.

Napatingin kami sa pintuan ng bigla naming narinig yung parang bell sa pintuan na pag may papasok tutunog yun. Isang babae ang pumasok, mukhang stressed, may mga dala itong libro, isang laptop at naka messy bun pa yung buhok nito. Inayos nito yung salamin niya bago naglakad papuntang counter.

Busy parin si Aero sa ML kaya ako muna yung kumaha nung order nito. Isang hot brewed coffee lang yung inorder nito at nagtungo dun sa isang lamesa sa pinaka corner.

"Fuck! Ano bayan?!" Yawit ni Aero, HAHAHA mukhang natalo. Napatingin ako dito at inilagay na yung coffee filter.

"Mabuti ikaw yung magserve nito, puro ka jan ML." Sabi ko dito at ilang minuto ay handa na yung kape at ibinuhos ko na ito sa tasa at ipinatong ito sa isang tray.

"San ba to?" Napatingin ako kay Aero dahil chineck ko kung anong oras na.

"Table 4, yung babaeng naka salamin." Sagot ko sa tanong niya at umupo muna sa gilid at pinagmasdan si Aero naglakad papunta dun sa table 4.

Unang tawag ni Aero dun sa babae ay mukhang hindi ito nakarinig, nagpasalamat yung babae, mukhang lutang dahil sa sobrang stress. Naglakad na ito pabalik sa counter na naka ngiti. Na-aamoy kong may na-inlove.

"Aero, uwi na ako ha?" Pagpaalam ko habang hinuhubad yung apron ko at isinabit ito sa rack. "Babalik lang ako mamayang gabi since magna-night shift ako."

Nung naka abot na ako ng apartment ay inilabas ko na yung susi ko at handang pumasok nang may nahulog na papel na nakaipit dun sa pintuan ko. Pumasok muna ako at nagbihis since basa nanaman ako dahil sa snow, wala kasi akong masakyan na taxi. Umupo ako sa sofa at binuksan yung nakatuping papel na inipit kanina sa pintuan ko.

Mukhang galing ito dun sa babae nakatira sa kabilang silid. Nakasulat dito "Thank you, I usually play and sing kung nakakauwi lang ako dito sa apartment XD." Kumuha ako nang isang sticky note at ballpen sa aking kwarto.

Narinig ko na ang pagkanta at ang piano sa kabilang silid, mukhang alas dos na pala. As same as ever, smooth yung flow nang piano na sina-sabayan niya nang kanyang boses.

Na-isipan ko bigla kung ano yung i-susulat ko, "Pwede pa request, Love is Gone." Kinapalan ko na yung mukha ko at lumabas nang apartment ko.

Nasa harapan na ako nang pintuan sa kabilang silid at inipit yung papel dun sa pintuan bago kumatok at pumasok na sa'king apartment. Kumain muna ako ng pananghalian at nagsipilyo. Ang bilis ng oras, ala singko na pala, hindi ko man lang napansin kaya kinuha ko na yung bag ko at umalis na.

Nung nakarating na ako sa café ay nakita ko si Aero kasama na'yung babaeng naka salamin kanina, mukha hindi papala umalis. Binuksan ko yung
Pintuan at napalingon naman sila sa direktion. Bigla akong may na isipang kalokohan, kaya naglakad ako papalapit dun sa mesa kung saan yung dalawa naka upo.

"Oy Aero, girlfriend mo?" Tanong ko at napatingin kay Aero at tinaas-taasan ito nang kilay.

The girl giggled, "No, kaibigan lang kami." Tinaas-taasan ko ulit nang kilay si Aero at bigla niyang kinurot yung braso ko, Tangina!

"Ah sige, I'll be at the counter kung na we-weirduhan kana jan sa kaibigan ko ha." Pagpaalam ko at nagtungo sa counter at umupo sa isang stool.

This is gonna be a long night....

※ ※ ※

『Author - Heyooo! Thanks for reading! Leave some feedbacks or a vote, please! It's highly appreciated!

Next Update! SEGMENT THREE』

Melody's Of GoodbyeWhere stories live. Discover now