"Ohh. Sana magkaanak din ako ng tulad mo, napakacute."

He kissed her on her forehead.

Ibinaba niya naman agad, anak agad iniisip. Wala namang girlfriend -____- matuto ka munang manligaw aba!

Tumingin siya sakin ng masamaaaaa. GRRRRR.

"Ati KAAAAATH! TARAAAAA LARO TAYO? BUHANGIN. Buo, snow white yung bahay nila Cinderella." Sabi nung isang bata.

Hinila nila ako kaya ako naman nagpahila lang. hinila din nila si Clarence kaya ngayon naglalaro kami sa buhanging dalawa.

"Kuya, palakihan kayo ng kastilyong buhangin ni ate ha?"

"SIGE BA!"

Sigaw naming dalawa.

Yung mga bata naggagawa rin ng kani-kanilang kastilyo, natatawa ako kasi si Nikol dun naggagawa malapitsa tubig kaya pag umaalon natatangay at gagawa ulit siya ng panibago.

Ewan ko kung nakailang ulit ba siya ng paggagawa ng kastilyo, hindi siya sumusuko hanggang sa mapagod na siya.

"Matatapos na ako pano ba yan?" sabi ni Clarence.

Tumingin ako sa ginawa ni Clarence, whoaaaah! GRABEEEE! KAPITAL YAN! HINDI NAMAN SA OA, SOBRANG TAAS NA NUNG KANYA PANO NIYA NAGAWA YUN?! MGA 7 FEET NA SIGURO????

Lumapit ako dun at sinipa yung base nung castle niya, pwes ngayon mas mataas na yung akin. Wahahahahaha!

Bigla niya ring sinipa yung akin kaya yan mas maliit na yung sakin. Kaya mas ginulo ko yung kanya at ganun din naman siya.

"Bakit mo sinira pinaghirapan ko yun eh?!" sigaw ko kay Clarence.

"Are you out of your mind? Ikaw ang naunang sumira ng gawa ko, in fact gumanti lang ako Kathleen."

Oo nga pala ako unang sumira nung kanya, eh kahit na babae ako eh kaya dapat di na siya gumanti.

"I want a re-match!" sigaw ko.

Ngumiti lang siya. Mananalo na ako ngayon promise! Itinuon ko sa pagbuo ng kastilyo ang atensiyon ko kaya ayun. Mas mataas na yung akin sa kanya.

Clarence's POV

Pagtingin ko sa kanya, mas mataas na yung gawa niyang castle keysa sakin kaya it's my turn to ruin hers. Natawa na lang ako sa isip ko. AHAHAHAHAHA!

Sinipa ko ng bahagya yung base niya kaya BOOM! Gumiba lahat.

"WALANJU, sinong titira diyan kung ganyan yan aba! AHAHAHAHA!"

Sinamaan niya ako ng tingin, she's about to kick my castle. I held her arm at niyakap siya. AHAHAHA!

Ang gulo-gulo niya, tinutulak niya ako. Pinipilit niyang pumunta dun sa ginawa ko at sipain yun pero pinipigilan ko siya. Hanggang sa pareho na kaming nakahiga sa buhangin, nasa ibabaw ko siya at puro buhangin na kaming dalawa. It's fun you know.

Nung napagod ako, binitiwan ko na siya at humiga siya sa katabi ko. Pareho kaming hingal na hingal sa pinaggagawa namin.

"CHEATER." Sabi niya.

"It will be our house. AHAHAHA!"

Napatingin siya sakin, kahit ako nagulat sa sinabi ko. IT WILL BE OUR HOUSE?! WHAT THE F*CK?!

Napaupo tuloy ako, napatingin ako sa sunset na ngayon ay kitang-kita sa dalampasigan. May mga batang naglalaro at mga ibong humuhuni.

Umupo na rin sya.

"It's beautiful." Bulong niya.

Napatingin ako sa mukha niya, she's d*mn pretty. ARGGGGGH! F*CK!

"Yeah, it's gorgeous."

Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sakin. Her f*cking eyes are beautiful and it's hypnotizing me, her pointed and perfect nose! SH*T! THOSE SEXY LIPS! I CAN'T WAIT TO LAND MY LIPS ON THEM.

HAHALIKAN KO NA SANA SIYA NG...

"Rated SPG, maaaring may temang hindi dapat sa mga bata. Tema, lenkwahe, taharasan, seswal, horror at droka!" sigaw ni Nikol.

Nagulat tuloy ako, nakalimutan kong may mga bata pala sa lugar na 'to.

Napatingin ako kay Nikol. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit, ikinalong ko siya sakin. Ang kulit-kulit.

"Ambata mo pa ah? Saan mo yan narinig?" tanong ko.

"SIKRETO! PENGE MUNANG TENDY? GUSTO KO EXO!" sigaw niya.

Ano bang exo yan? Yung kapeng kendi ba yun?

"Sige-sige. Bibigyan ka na lang piso ni kuya, pambili mo ng exo ha?"

Tuwang-tuwa siya nung binigyan ko siya ng piso.

"Kamsahamnida oppa!"

Sana naiintindihan ko yung sinasabi ng batang yan. Pero sa pagkakaalam ko Hangul yun, medyo updated naman kasi ako sa Korean.

Tumayo ako at tiningnan kung anong pinapanood ng mga bata, nagkukumpulan kasi sila dun sa dalampasigan. Pagtingin ko andaming komang, ahahaha!

Natatandaan ko kasi sa School namin nung gradeschool andaming nagtitinda ng ganito, may piso may tres. Pag may isa akong ganto tuwang-tuwa na ako. Ewan ko ba.

"They are cute." Nakisali ako sa mga bata.

Kumuha ako ng isa at tiningnan maiige. It looks gross but they are so cute for me, lalo na pag-iiwan na nila yung shell nila at hahanap ng iba.

Parang pagmo-move on AHAHAHA! Hindi na nila mapapakinabangan yung old shell nila, or maybe nagamit na nila ng sobra. Iiwan nila yun at hahanap na ng iba.

Dumilim na kaya pumasok na yung mga bata at kami naman nagpaalam na sa mga tao dun sa bahay ampunan.

Naglalakad lang din kami pabalik, napapansin kong naiiwan sa paglalakad si Kathleen. I guess she's too tired because of me.

Siguro I need to pay her back para naman makabawi ako sa kanya sa pag-aasikaso niya sakin kagabi?

Binalikan ko siya, I lowered myself para makasakay siya sa likod ko pero di naman ata niya magets.

"I'll give you a ride."

Siguro patang-pata na siya di na kasi siya nag-atubiling magreklamo at sumakay na agad sa likod ko, hindi naman siya mabigat eh.

I've got her slippers, baka kasi malaglag. Then same situation played on my mind, with someone I loved.

Napalunok na lang ako at di ko alam, biglang may tumulong luha galing sa mga mata ko, I don't know why? Or maybe ayoko lang talagang maalala.

Si Mika...

But oh, I'm staring at the mess I made
I'm staring at the mess I made
I'm staring at the mess I made
As you turn, you take your heart and walk away

Sinagot ko naman agad yung tawag kahit medyo nahihirapan na ako.

"What?"

"Sir, tuloy po ang launching, bukas."

"Osige. Mabuti naman, di masasayang ang pagpunta ko dito."

"Sige po sir. See you, bye."

Ibinaba ko na.

#CASTLEMaking

Woman to Womanizer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon