Natawa ako sa progreso ng pag-uusap namin ni Dahlia. One moment pinag-uusapan namin iyon ambiance ng exhibit then sa pagtulong sa kanya ni Sac tapos the next thing tinatanong niya kung single ito.


"Sa pagkakaalam ko single siya."


"Ay talaga! Walang girlfriend? Pupunta ba siya sa exhibit ko?" Excited pa nitong tanong.


"Sa pagkakaalam ko walang girlfriend pero hindi naman kasi kami close ni boss. Tungkol sa trabaho lang malimit na pag-usapan namin. At palagay ko pupunta siya sa exhibit. Wala si Aaron kaya siya ang nandito. Or kung gusto mo bigyan mo siya personal ng imbitasyon."

"Pwede!" Nagulat naman ako sa pag-exclaim ni Dahlia. Mukhang crush na crush niya si Sac. Napaisip naman ako. Matagal ng panahon hindi ako nagkacrush. Kahit naman trenta'y dos na ako pwede pa rin naman ako magkacrush. Magsimula kasi ng maging kami ni Dave...hanggang sa maghiwalay kami siya lang ata ang naging crush ko at eventually minahal ko. Nahihirapan pa rin akong magmove on kasi umaasa pa rin ako. Si ate, iyon pamangkin ko at pati na rin si Sac sinasabing magmove on na pero ewan...hindi kasi nila alam...hindi ganoon kadali. Si Dave lang kasi ang lalakeng minahal ko...at kapag nagmahal ako, sobra.

"I have a new painting that is different from my gloomy ones. Ito ang pinakafinale ng exhibit." Tumingin ako kay Dahlia at naglakad-lakad ito doon sa pinakadulo ng exhibit niya. "Halika dito, Rach. I will show you."


"Love is a many-splendored things." Basa ko sa description ng pinakamalaking painting niya. Ito na ata ang pinakacolorful sa painting niya. Babae itong nakasuot ng makaluma 60's or 70's at nakaupo ito sa maliit na dining table na may dalawang upuan at isa ay bakante at nakatingin ito sa may bintana habang nagsusulsi. Nakangiti ang babae and she seemed expectant.


"Ang ganda Dahlia." Ito kasi ang unang beses na nakita ito dahil nakabalot pa ito ng inilagay bilang centre piece. Nilagyan lang kasi ng numero ang mga painting para sa pagkakasunod according sa plano at ngayon lang ito maingat na binubuksan.


"After all the heartaches that I've been through. The other woman, the failure of my marriage, divorce and my depression. The journey was painful and hard to accept... that is half of the splendid thing that love creates. But on the other hand the other half of the greatest splendid thing that love creates is this." Tiningnan ni Dahlia ang painting niya matapos ay tumingin at ngumiti sa akin. "To hope...to hope for the better days to come. To love yourself more and enjoy the thing that you loved the most. To move on and not be afraid to be in love again. To hope that God may bless the broken path that you are into for you to meet what he reserved for you to love you eternally."


Napangiti naman ako sa sinabi ni Dahlia. To hope that God bless the broken path for me to meet what he has reserved for me.


"Palagay ko dapat mong palitan na ang pseudonym mo. Hindi na dapat Black Dahlia. White Dahlia na."


"That is perfect, Rachel! A rebirth of Dahlia. White Dahlia! I love it. Ilalagay ko sa invitation na dapat nakaputi lahat. What do you think?" Ngumiti na lang ako kahit na malaking trabaho para sa akin iyon at dalawang araw na lang bago ang event niya.


"I'll do whatever that makes you fulfilled." Ngumiti ako. I need to pull extra strings for her if that is what it takes to make my client happy.

Impression on the HeartWhere stories live. Discover now