Story#33- Hiling

27 2 0
                                    

TANGHALI  na nang buksan ni Badang ang RTW boutique niya. Tanghali na kasi siya nagising dahil birthday niya kahapon at sine-lebrate nila iyon ng barkada niya. Naiinis lang siya dahil panay ang panunukso ng mga ito kung bakit wala pa siyang boyfriend! Humanda talaga ang mga ito kapag natupad ang birthday wish niya dahil ibabalandra talaga niya sa pagmumukha ng mga kaibigan niya ang jowa niya! Pagpasok ni Badang sa boutique ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita niyang nagsasalita ang maniquen niya at sinabing. Wish granted! At isang makahulugang ngiti ang ipinukol nito sa kaniya!

Hundred Words Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon