"Bakit naman?"

"Kasi ikaw palang ang kauna-unahang babae na dinala nya dito."sagot nya.

anong swerte doon?

Hindi nalang ako sumagot dahil naiinis talaga ako doon sa von na iyon at hindi naman swerte na ako ang kauna unahang babae na dinala nya dito.

Binuksan nya ang ilaw at ito nanaman ako namamangha nanaman sa mga nakikita ko.

sa bagay ngayon lang naman kasi ako nakakita ng ganitong mga bagay.

"Hindi naman sya mahilig sa libro ano?"sarkastiko kong sabi.

Parang lahat nalang kasi ng mapuntahan kong lugar dito sa bahay nya ay may libro.San damak-mak na nga ang nasa kwarto nya tapos meron pa dito.

collector ba sya ng libro?

"Tagalog dictionary."

"Yup.Dito sya nag aaral ng mga tagalog words at lahat yan ng nakikita mong libro ay tagalog dictionary.Iba iba lang ang itsura."

eh?

"Bakit hindi nalang sya nag hire ng filipino teacher?Sa dami ng libro na ito ay hindi pa din sya marunong mag-tagalog?"

"Maarte yun.Kaya ayan mas gusto nyang mag self study."sagot nya.

"Eh anong silbi mo?"kunot noong tanong ko sa kanya.

may tagaturo pero gusto ng self study?dapat sarili nya lang ang mag-tuturo sa kanya diba?

Napakamot sya sa ulo nya dahil sa sinabi ko."Nag-aaral din kasi kasi ako ng tagalog words."

"Magaling ka naman na mag-tagalog ah?Deretso na nga eh."

"Basta.Gusto ko pang matutunan ang mga malalalim na salita."tumango tango nalang ako at nag-libot pa dito sa loob.

"Eto para saan tong mga computer na ito?Pang games nyo?"tanong ko habang nakatingin sa mga computer na nasa harapan ko.

Ang gaganda kasi ng mga ito yung mga screen naka baluktot ng koti tapos parang lahat dugtong dugtong kung titignan.

"Ah yan?Nag y-youtube kami dyan.Nanonood kami ng mga tagalog tuitorial."

"Wow astig."

"Paano na ako aakyat doon ulit?"tanong ko habang nakaturo pa doon sa inakyatan ni maarteng von.

"Wait."ani nya at lumapit doon sa switch ng ilaw at may pinindot ulit doon.Namangha ako ulit ng biglang bumaba ang sinakyan namin ni von kanina at nandoon ang napakaarteng von.

Ang yabang pa ng dating nya dahil naka jagging pants lang sya tapos naka suot sya ng maluwag na t-shirt na black.Nakapamulsa pa sya at diretsong nakatingin saakin kaya inirapan ko lang sya dahil naiinis pa din ako sa kanya.

Pagka-baba nya ay lumapit kaagad sya saakin at tinaasan ako ng kilay.

Di ko sya pinansin at tumayo lang ako doon sa sinakyan nya kanina.

"Edward pa pindot naman para makaalis na ako dito dahil may lalaking pangit na dumating."nakangiting sabi ko kay edward at sinunod naman nya dahil unti unti na akong umaangat.

"I'm not pangit!"sigaw nya saakin.Inirapan ko lang sya at kumaway bago sya tuluyang mawala sa paningin ko.

Pagkaakyat ko ay pumunta muna ako sa istante ng mga libro nya at nag-hanap doon ng mgandang babasahin.

Napangiti ako ng may mahanap na ako.Pag-bukas ko ng pinto ay halos matumba ako sa sobrang gulat buti nalang at nasalo nanaman nya ako kaya hindi ako natumba.

IMMORTAL 1: Von Kaizer Lacsamanaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें