" That's the truth, Ivana. Mahal kita. Sobra sobra kitang mahal. And that's the fucking truth" He answered.

" Kahit na! Hindi iyon sapat na dahilan para magpakalasing ka at gawing hari ng kalsada ang sarili mo! Paano kung napano ka. Paano kung hindi lang iyang kamay mo ang napuruhan? Are you thinking? Do you realize my point" Medyo tumataas na ang boses ko habang kinakausap ito.

" And now you care huh." Mapanghamon niyang untag sa akin.

" I care Luigi. But that doesn't mean anything more than what I am saying now and we both know that" Truth is, I really want to make sure that he's okay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya bisitahin ngayon.

Nakita ko kung paano ito saglit na mapayuko. He said nothing and he just looked down.

Ako din ay nasasaktan sa nangyayari sa amin. His love is so cruel. I loved him, but he had chosen this. At hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan.

" Please don't do this to yourself next time. Hindi ko kayang makita ka sa ganoong sitwasyon" It was an open answer. Walang halong kasinungalingan. There's no point of not telling it.

" Tapos ang dami pang dugo ng nakita ko sa 'yo kanina-"

" Konti lang iyun. You just exaggerated everything because you still love me" He whispered na parang ayaw niyang marinig ko pero dinig na dinig ko iyun.

" I don't love you anymore, Luigi. Don't look high of yourself. And you shut up because I saw it!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko at sa kaniya.

" I saw it too. Damit ko diba" He smirked. I hate it but he looks so damn handsome. I closed my eyes and breathed deeply. Luigi will always be Luigi no matter what.

" 90/60 BP mo!" I countered. Ngayon ko lang narealize na normal pa pala iyun. It's the lowest normal BP.

" Oh normal naman iyon" Sagot niya

" What about your oxygen saturation- 89%" I demanded again.

" My fingers are cold, it's given that it reads lower." Pangingles niya sa akin. And that is very true also.

" Huwag mo akong inglisen Luigi. Tagalog ang lengwahe natin ngayon" Wika ko. Hindi ko na namamalayang lumuluha na pala ako. His eyes were automatically on my face.

" Please don't cry. I'm sorry if I made you worry. It was a risky drive. Akala ko kase kakayanin ko pang magmaneho. I didn't know I was too drunk to drive then" He tried to move but I stopped him.

" Huwag kang gumalaw. Bawal pa sa 'yo" Mabilis kong untag sa kaniya.

" I don't wanna die too, Ivana. Dahil kung mamamatay ako, mapupunta ka sa iba. Hindi ko kakayanin. Masyado akong madamot at makasarili pagdating sa 'yo. Handa kong itaya lahat, mapasaakin ka lang." Bulong niya.

" I'm telling you this now, Luigi. Huwag ka ng umasa na maibabalik pa natin ang lahat dahil hindi na. Let's move on. I gave you what you needed. Sapat na siguro ang ilang beses na may nangyari sa atin. My body in exchange of his life. Ganon ko siya kamahal." Buong tapang kong untag sa kaniya.

I saw him smirk.

" That's bullshit. You're lying" Pinantayan niya ang tingin ko.

" I'm not, Doctor" I muttered once more.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

" I am here to end everything, Luigi. I won't be able to visit you anymore. Take care of yourself. Huwag gumawa ng mga bagay na bawal pa sa 'yo. Kumain ka ng maayos." Paalam ko. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita ito.

" Ahh ang sakit ng braso ko" Pag-iinarte niya. Halata naman. Kanina wala siyang ganitong nararamdaman. Nagawa pa nga niyang gumalaw kanina ng walang inindang sakit. But I know that his left arm is not able yet. Still, I know that it doesn't hurt that much. His pain medication had been given on time. I already checked his chart.

" Kasalanan mo, tiisin mo" I told him. He smirked again bago nagdrama ulit.

" It really hurts, Ivana. Ang sakit sakit na, sobra" I breathed in at what he just said.

" That won't do the trick this time. Goodbye Doctor"

Kasabay non ang pagtunog ng intercom

" Paging Doc Fajardo, please proceed to the OR. Paging Doc Fajardo please proceed to the OR" We both heard the intercom.

" I need to leave" Wika ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim.

" Don't. Kahit ngayon lang." He pleaded. Bakit ba ang hirap iwan ang doctor na 'to?

" My patient needs me, Doctor Montenegro. Magpahinga ka na din. Take some rest and don't do anything stupid." I muttered. Wala akong balak sundin ang sinabi niya. It's part of his trick and I know that. I am not going to allow it.

I turned my back on him already but remembered something. Kaya humarap muli ako sa kaniya.

" Umamin ka nga. You're conscious awhile back right. Nagacting actingan ka lang" I asked him. I really wanted to know.

He looked straight into my eyes.

" Breathe Doctor. I need you alive" He mimicked my voice.

I rolled my eyes. Literal kong ginawa iyon sa harapan niya.

" You dimwit!" Sinira na nga niya ang imahe ko sa mga nurses at medical aide kanina tapos may gana pa siyang umarte arte ngayon. Halos gulat na gulat ang mga kasamahan ko kanina dahil ngayon lang nila ako nakitang ganon umakto. I panicked big time.

" Paging Doctor Fajardo, last call. Doc Ibarra needs you at the OR. Kung di ka raw pupunta 72 hours extention duty" The announcer spoke. Shit 72 hours? That's 3 fucking days. 3 shifts straight.

" Heard that, ayokong magextension duty okay. I still have a lot of things to do." I truthfully told him before leaving.

" Take care, Ivana. I love you" Untag niya. I just closed my eyes and did not look at him. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. This happens whenever he speaks to me that way. It was sincere and very real. Kahit ayokong paniwalaan, alam ko sa sarili kong totoo iyon.

-----

Summer Nightfalls (Completed) [R18]Where stories live. Discover now