Chapter 24

10.5K 310 17
                                    

†Angel†

Anong ginagawa nya dito? May usapan ba sila ni Ren o nandito sya para humingi ng tawad sa amin?

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Angelo na parang puno ng galit.

"Bawal ba akong bumisita sa mga kaibigan ko?"

Nilapitan ko si Angelo at hinawakan ang braso nya. Ba't naman kasi nagagalit to? At parang matagal na silang magkakilala sa pakikitungo nila sa isa't-isa.

"Stay back!"sabi ni Angelo sakin.

Tumawa lamang ng sobrang lakas si Note.

Oo, si Note. Ang bestfriend namin ni Ren.

May biglang humawak sa kamay ko at paglingon ko, si Ren pala ito. Hinila nya ako malayo kina Angelo. "Stay here." sabi nito sa akin at agad nitong lumapit kay Angelo.

"Anong kailangan mo Note?"Tanong ni Ren.

"Wala naman, kukunin ko lang sana ang final piece ko. Sa tingin ko kasi matatapos na ang larong ito."Note

"Hindi ka mananalo! Hindi mo sya makukuha."Angelo

"Ano bang pinagsasabi mo Note?"Ren

"Oh don't play dumb Ren. Alam ko namang may alam ka na sa mga nangyayare."Note

Ano bang pinagsasasabi nila? Anong laro? Anong ibig sabihin ni Note sa sinabi nya? Anong alam ni Ren? Alam ko namang may tinatago sila sa akin eh, hindi tulad dati, marami nang sekreto si Ren sakin.

Biglang itinaas ni Note ang kamay nya at biglang dumating sina Sky, Ramon, Raff, Luna at Vivian. Parang wala sa sarili sina Sky, Ramon at Luna maliban kina Raff at Vivian. Napatingin ako sa mga mata ng tatlo at kulay puti lamang ito.

Napaatras ako dahil sa nakita ko hanggang sa may nabangga ako, paglingon ko, isa itong dark shadow kaya napatakbo ako papunta kina Ren at Angelo.

"B-ba't sila nandito? Umaga ngayon, they're not supposed to come out during the day."bulong ko kina Ren at Angelo.

"Good question Angel! Bakit nga ba sila nandito sa labas when it's morning? Simple, Ilang beses na aqng pabalik-balik sa nakaraan para mabago ang hinaharap, binago ko ang lahat, I rule the underworld.. Ngayon, sisiguraduhin kong mapapasakin ka at ang kapangyarihan mo!"

His crazy! Ako lang naman ang may kakayahang gawin yan ah!

"Naaalala mo pa ba si Chad Angel? Oh wait! Hindi ko pa pala nababalik sayo ang ala-ala mo. Hahahaha!".Nilabas nya ang scythe nya at itinapat ito sa akin. May liwanag na lumabas dito at dumirecho ang ilaw na ito sa akin.

Parang may movie akong pinanunuod na naka fast forward hanggang sa...

"Aaaaargh!"ang sakit ng ulo ko!

"Angel!"dalawang boses ang narinig kong tumatawag sa akin.

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!"at bigla nalang itong tumigil.

†Ren

Bigla nalamang nahimatay si Angel matapos nitong sumigaw.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!"

"And about that, may nabago ako konti sa nakaraan, hahaha! Naging anak ka nya! Hahahaha!"parang baliw na sabi nito.

"Ano? Akala mo ba na maniniwala ako sayo?"

"nagsasabi ako ng totoo.. Tanungin mo pa ang pamangkin mo, wait, I mean kapatid. Hahaha!"

Napatingin ako kay Angelo ngunit seryoso at galit itong nakatingin kay Note.

"Malapit ka na palang mawala ng tuluyan Angelo. Mapapasakin ang mundong ito at ang mundo ng mga tao kung mawawala ka at mapapasakin ang kapangyarihan ng ama at ng tito mo. Ilang beses mo na bang sinubukang pigilan ako? Ito na ang huling pang gugulo mo sa mga plano ko!"

May lumabas na apoy sa kamay ni Note at itinapun nya ito papunta kay Sky.

"Hahahahahahaha! Mawala ka na mahal kong kapatid!"Note

"Waaaaaag!"

Magkapatid sila?

Lumakas bigla ang apoy hanggang sa wala nang natira kay Sky.

"Oo! Magkapatid kami! Inagaw nya ang lahat sa akin! Itinakwil ako ng mga magulang ko dahil sa aking pakpak! Malas daw aq, isang masamang pangitaing ipinanganak ako! Ikinulong nila ako nang ipinanganak itong taong ito. Hanggang sa isang araw ay may nagligtas sa akin, isang babaeng may maitim na pakpak. Ipinalabas nya ako sa aking kulungan at ginawa nya akong kaibigan. Pero isang araw, lumapit sya sa akin at sinabing magpapakasal na sya. Inagaw na naman nya ang dapat ay akin! Nararapat lamang sa kanya ang mamatay! Mapapasakin din ang mahal ko!"

Biglang tumakbo sina Ramon at Luna ng wala sa sarili papunta sa amin hawak ang kanilang sandata.

Pinigilan ko ang pag atake nila gamit ang sandata ko. Hinalikan ko ang singsing ko at lumabas ang aking agila.

"Ilayo mo si Angel sa lugar na ito!"

Inilabas ni Angelo ang kanyang Lion at pinasakay si Angel doon at sumakay na din Angelo at pinatakbo nya na ito.

"Akala nyo ba makakatakasa kayo sa akin?!"Note

Bago paman mahabol ni Vivian, Raff at Rette sila, nilagyan ko na agad ng water barrier ang palibot namin.

Walang makakatakas sa lugar na ito!

Iaalay ko ang aking buhay para sa kapatid ko at para sa mundong ito. Hindi nila magagamit ang kapangyarihan ng kapatid ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

a.n://

Sorry sa delay at sa hindi magandang update.. Na busy kasi.. Hindi pa gumagana ang imagination ko.. I'll make it up to you guys!

Thanks for reading this story..

Masaya na ako dahil maraming nagbabasa ng kwentong ito..

God bless you all.

Black Wings Book 1&2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora