💙PINAGTAGPO PERO 'DI TINADHANA💙

22 5 0
                                    

Pinagtagpo pero 'di Tinadhana
Inilathala ni : HYTHERINE
Genre: TEENFICTION/COMEDY

Phina Aza's POV...

"Wahhhhhhh Gowzther tama naaaaa, wahahaha!"

Nakakainis talaga ang lalaking ito hindi na tumigil sa pagkiliti sa akin.

"Gowzther isa!" ulit ko kasi hindi na siya  tumitigil sa pagkiliti sa'kin, tawa—sigaw na ako dito.

Nandito kasi kami ngayon sa bahay ng aking kaibigan na si Consienty Dora na pinsan din ni Gowzther.

"Hoy Gowzther tigilan mo na si Phina baka mamatay yan sa kaka tawa 'di pa naman kayo kinakasal," saad ni Consienty Dora.

"Awwiitt Dora manahimik ka diyan!" depensa ko sa aking kaibigan.

Nekekeesher nemen keshe eh ehe ehe...

Ay malandi 'di bagay sa'kin awwiitt!

"Oo na titigil na," sabay alis sa pagkakadagan sa'kin si Gowzther.

Matagal na kaming mag kaibigan ni Gowzther. Since we are in Grade 5 we already bestfriend and now we're already going to Grade 11! Finally Senior High is coming yehey!

Alam ni Gowzther na hindi lang pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya kun'di mas higit pa doon. Pero 'di ko alam kung gusto niya din ba ako.

Napaka komportable na namin sa isa't isa dahil sa tagal na naming magkaibigan. Minsan nga nasasabihan na kami ng mga tao na ang sweet sweet naming magkasintahan pati mga kaibigan na min nakikisama na sa pang-aasar sa'min kahit hindi naman talaga kami magkasintahan.

Kagaya ngayon tatlo lang kami dito sa bahay nina Consienty Dora para sa group study namin pero grabe na ang pang-aasar niya sa amin.

Pero syempre kenekeleg eke ehe ehe...

"Maghintay lang kayo dito huh? Lalabas muna ako para bumili ng snacks natin," sabi ni Gowzther.

"Hoy inzan starbacks sakin, capochino and strawberry cake. Thanks inzan sa libre," grabe talaga itong si Sissy mamburaot kahit kailan!

"Sa akin yung dati lang hihi," sabi ko sa kanya.

"Oww sige Brad milk tea 50% sugar level with extra blackpearl," sagot niya. Kabisadong-kabisado na niya talaga mga gusto ko awwiitt.

"Yeah, talino talaga ng Brad ko," sabi ko sabay pingot sa tenga niya. Oh diba ang sweet ko sa kanya hihi.

Hayaan niyo na sanay naman na siya hihi...

———

ONE MONTH LATER...

Matagal na hindi nagparamdam si Gowzter sa amin o sa akin.

Ewan ko ba basta sa nakalipas na isang buwan madalang nalang kami magkita. Hindi na kagaya ng dati. Kapag nagkakaroon kami ng group study sa bahay nina sissy Consienty Dora, agad din siyang umaalis at laging nagmamadali. Halos hindi na nga siya mapakali kapag nag gro-group study kami tapos ang aga-aga pa niyang umaalis...

Nami-miss ko na ang dating Brad ko...

———

ONE WEEK LATER...

Naglalakad kami ngayon ni sissy Dora dito sa corridor papunta sa silid-aralan namin nang biglang nakasalubong namin sina Gowzter kasama ang kaibigan niyang si Fassymono na crush din ni sissy Consienty Dora.

Pero may napansin ako, bakit may kasama silang babae? May girlfriend na ba si Fassymono ng hindi niya sinasabi sa'min? Eh papaano na si Sissy?

Nang makalapit sila sa amin agad na nag salita si Fassymono.

"Yow everytao, hi Dora miss me?" pagbati niya sa'min at malanding tinabihan si Sissy Dora.

"Tigil-tigilan mo ako sa kalandian mo Fassymono!" wow pakipot pa 'tong si sissy gusto din naman hayyy...

Pero ba't ang weird... Sino kaya ang babaeng ito kung makapulupot ng kamay kay Gowzter wagas?

"Hi everyone, I know you are the friends of Ther, I'm Ashum-era you can call me Era for short," pagpapakilala ng babae sa amin.

Kapal ng mukha sarap ingudngud sa lupa. Hayyy awwiitt oo...

"She's Ashum-era my girlfriend..."

Doon na nga nagunaw ang mundo ko dahil sa sinabi ni Gowzter...

Kaya pala hindi siya halos magparamdam sa'kin ng isang buwan at isang linggo dahil sa babaeng ito, ang tunay niyang kasintahan...

Well, bagay naman sila para sa isa't isa. Anong namang laban ko sa babaeng ito eh maganda siya, sexy, at mukhang mabait. Isa lang naman akong hamak na KAIBIGAN sa paningin ni Gowzter...

💙WAKAS💙

SGOB's ONE SHOT STORIES Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt