CHAPTER 47

166 8 0
                                    

[MARTINA]

After lunch, naisipan naming mag-baked. Nalaman ko na, may coffee shop pala sila, hindi s'ya baker pero hilig n'ya lang, aniya'y business 'yon ng mother ni Ryan, na pinamana na sakanilang mag-asawa nang mawala ito.

"Martina, thankyou..." Napalingon ako kay Faith ng bigla n'yang sabihin 'yon.

"Thank you for?..." I asked. Ngumiti s'ya sa'kin.

"For loving my brother. I know na kahit nag-aaway kayo you love him. Thankyou for giving him a chance to love, and to be loved again... Ngayon ko nalang ulit s'ya nakitang gan'yan kasaya... And it's because of you."

"Wala yon," aniko at natawa. "Hindi mahirap mahalin ang kapatid mo Faith. I'm just not a showy person but I really love him."

"That's why, thankyou. Ngayon ko nalang ulit talaga s'ya nakitang sobrang saya.. simula kasi nu'ng naghiwalay sila ni Ella nuon, Fighter turn into unknown person.. kahit si Mama at Papa hindi s'ya mapatino. Hindi s'ya nagbibisyo pero higit pa ro'n ang ginagawa n'ya, laging puyat, hindi kumakain, hindi naliligo, lagi pati n'yang sinisigawan ang mga katulong at manggagawa namin. Naalala ko nuon, bigla s'yang may sinesanteng mag-sasaka ng dahil lang sa nahuli ito ng dating sa palayan. But now, he's different.. he's really different." Aniya. "Laging masaya tuwing tumatawag sa'kin, lagi ka n'yang ikinu-kwento saaming mag-asawa. Kaya nga kilalang kilala ka na namin. Thank you for changing him again."

Ngumiti ako kay Faith at tinanaw si Fighter na, magso-shoot ng bola. Pawisan na s'ya dahil kanina pa silang naglalarong tatlo. Miski si Giddion at Ryan. Pero kahit ganuon, kita mo parin ang pagiging gwapo nilang tatlo. Pero syempre mas pogi bebe ko. Attitude nga lang.

"Martina.." napalingon akong muli kay Faith.

"Hmm?"

Hinawakan n'ya at kamay ko at ipinatong 'yon sa hita n'ya.   "please don't leave my brother." She begged.

Tinitigan ko s'ya, pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "Faith...." Sagot ko. Umiling s'ya,

"No matter what happened, please don't leave him. I love my brother and it's killing me, seeing him chasing again." Aniya, tumango ako, "hindi man halata pero mahal ko ang kapatid ko. Mahal na mahal, s'ya lang ang kakampi ko sa lahat." Maluha-luhang sambit n'ya. Ngumiti ako at tamango.

"Faith... Hindi ko maipapangakong hindi ko s'ya masasaktan, dahil parte 'yon nang pagmamahal. Hindi rin ako nangangako na, hindi ko siya iiwan, dahil syempre kailangan ko ring umuwi saamin, dahil kay Lola, pero ang maipapangako ko lang ay, mamahalin ko s'ya. Mahal na mahal ko s'ya..." aniko tumango s'ya.

"Kahit medyo pilosopo ka. I like you Martina. Thankyou." Aniya at niyakap ako.

Nag kwentuhan kaming dalawa ni Faith habang iniintay 'yung binake namin. Tawa kami ng tawa habang pinag-uusapan ang childhood ni Fighter.

"He's always crying like a, girl before. Kaya lagi s'yang na kay Lolo e. I found out that he's Lolo at Lola's favorite."

Faith tell me, everything about her family. Their life in manila. Nalaman ko na nagtanan lang sila ni Ryan.

"Yes, mala Romeo and Juliet kami ng asawa kong 'yan. When we found out na, I'm pregnant with Giddion, inaya n'ya akong mag-tanan. We had a private relationship. Buma-byahe pa s'ya mula manila hanggang dito para lang magkita kami."

"Saan kayo nagkakilala?" Tanong ko.

"Internet love. Hahaha." Napatawa rin ako do'n. "Chi-nat n'ya ako sa fb ko nuon, ang dami n'yang mabubulaklak na salita e, dahilan kung bakit ako na-fall. Naging kami sa chat lang, tapos nuong naisipan naming mag-meet, bumyahe s'ya mula manila hanggang dito. Its our first anniversary that time, i was fifteen I think that time, while he's eighteen.... Simula nuon lagi na s'yang na-byahe papunta sa'kin. Pero sabi ko nga, private ang relationship namin, kasi strict si Papa at Lolo. Hanggang sa dumating 'yung araw... Our fourth anniversary I gave him everything."

 Bakit Kaya? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon