Lahat ng salitang matagal na niyang inaral para sa tagpong iyon ay dagling nilipad ng hangin. Natulos siya sa kinatatayuan niya at hindi maapuhap kung ano ang sasabihin sa kaibigang ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagawa niyang halikan sa pangalawang pagkakataon.

Humakbang ito palapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “You’re impossible! All these time, I thought you were a friend. I thought we are just pure friends. I never imagined you having this stupid thing running in your mind! Ganyan ka na ba kadesperado na magkaroon ng boyfriend kaya pati ako, kakataluhin mo? You’re nuts!” anitong nanggagalaiti sa galit.

Masakit na marinig mula sa sarili nitong mga bibig ang mga ganoong bagay. Kagabi ay ihinanda na niya ang sarili niya sa ganoong tagpo kagaya ng nangyayari ngayon. At ang buong akala niya ay napaghandaan niya na ang ganoong uri sakit—hindi pa pala. Nag-unahang maglaglagan ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

At sa pagitan ng mga hikbi, nagawa niya ring ipagtapat ang matagal na niyang nararamdaman para dito. “I’m so sorry Paul that I couldn’t stop myself from falling for you. All these years you were so good to me that I’ve learned to love you more than my best friend.” Tumigil siya saglit upang humugot ng hininga dahil nagsisimula nang sumikip ang kanyang dibdib. “But believe me, I really love you so much. And it hurts me so much knowing that you will never love me the way that I love you.” Lalong lumakas ang hagulgol niya nang sabihin iyon.

Wala na siyang narinig na salita mula rito. Naramdaman niya na lang ang pagbitaw nito sa kanyang balikat at paglabas nito sa silid niya. At sa paglapat ng pinto, tila iyon na rin ang hudyat ng pagsasara ng kabanata ng pagkakaibigan nila.

Naiwan siyang hilam sa luha at naninikip ang dibdib. Ganoon pala kasakit ang ma-reject ka ng taong mahal mo. Tila ayaw na niyang lumabas ng silid niya. Nais niya na lang na magmukmok sa silid niya habang-buhay at ipagluksa ang nagging unang kasawian niya pagdating sa pag-ibig.

Ngunit nang sumapit ang Lunes, napagtanto niyang mas dapat niyang patunayan kay John Paul na kaya niyang mabuhay nang wala ito. Gusto niyang ipakita dito na hindi lang dito umiinog ang mundo niya dahil marami pang tao ang nagmamahal sa kanya.

Naging abala siya ng mga sumunod na araw sa school. Tapos na ang OJT niya kung kaya’t ang report para sa OJT coordinator naman nila ang aatupagin niya. Magandang bagay na rin iyon dahil hindi niya na masyadong naiisip ang naging takbo ng pag-uusap nila ni Paul dahil sa sobrang ka busy-han. Bagamat may mga pagkakataon pa rin na bigla na lang siyang mapapatigil at mapapatulala na lang sa isinusulat niya.

At sa mga nakalipas na araw, ni minsan ay hindi niya ito nakita sa loob ng unibersidad nila. Marahil ay ayaw na muna siya nitong makita kaya marahil iniiwasan nitong magtagpo sila sa loob ng campus lalo na at alam naman nito kung saan siya madalas tumambay. Bagama’t nasasaktan, pinilit niyang ibalik sa dating takbo ang buhay niya at matutong tanggapin na hindi na babalik sa dati ang pagkakaibigan nila ni Paul.

Gone Boy [COMPLETED][PUBLISHED]Where stories live. Discover now