Part 3: The Plan Is Already Beginning

2 0 0
                                    


BUMUHOS ang malakas na ulan habang binabaybay ni Trist ang daan patungong Laguna kung saan naroon nakatira ang kaibigan nitong si Chris. Bagamat madilim ang paligid at madulas ang kalsada tila walang pakialam si Trist. Ang mahalaga para kay Trist ay makarating ito sa destinasyon.

Sinusubukan ni Trist tawagan si Chris sa kabilang linya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa may isang sasakyan ang lumitaw sa kabilang kalsada dahilan para masilaw siya sa ilaw na nagmula sa harapan ng truck, kasabay ng pagsulpot ng isang tao sa kanyang harapan kung kaya't nahagip niya ito.

Gulat hininto ni Trist ang sasakyan na kalauna'y naramdaman na lamang niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib at habol hininga na sinabayan pa ng pagtagaktak na kanyang pawis dahil sa pagkabigla, lalo na sa taong hindi niya inaasahang sagasaan ito.

"Sana'y patawarin ako sa aking kasalanan!" Humahangos na sambit ni Trist sa kawalan.

Pikit-matang humugot ng hininga si Trist upang palakasin ang loob na harapin ang taong nakasalampak ng dapa sa sahig at duguan. Mabilis lumabas ng sasakyan si Trist at nilapitan ang nakahandusay na tao, bagaman umuulan ay wala itong pakialam kahit mabasa. Nang tuluyang makalapit si Trist ay agad nito tinihaya ang lalaking kanyang nasagasaan ngunit sa pagkakataong iyon, nanlaki ang mga mata ni Trist sa gulat. Tila tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo at kawalan ng pandinig ng ilang minuto nang makilala ang kanyang nasagasaan.

"Hindi! Hindi!" 'Di makapaniwalang sambit ni Trist, umiiling pa. Sinubukan nito yugyugin ang lalaki ngunit tila nagmistula itong lantang gulay. "Hindi pwede!" Maluha-luhang ani Trist.

Luminga-linga si Trist sa paligid kung may ibang tao ang nakakita sa kanya ngunit tila iyong pagdaan lang ng truck ang kanyang napansin. Nang may maisip na paraan si Trist, buong pwersa nito binuhat ang walang-malay na bangkay ng lalaki, saka nito inilagay sa compartment ng kanyang sasakyan. Nagmadali itong sumakay sa sasakyan at pinaharurot patungo sa kung saan.

Pagkarating si Trist sa destinasyon ay agad nito kinuha sa compartment ng sasakyan ang lalaki. Dinala niya ang bangkay sa kagubatan malapit sa bahay ng kanyang kaibigan si Chris. Biglang tumigil ang ulan dahilan para kusang pumatak ang kanyang mga luha habang nakatitig sa walang buhay na lalaki sa damuhan.

NAPADILAT ng mga mata si Trist kasabay ng pagbangon nito dahil sa panaginip. Humahangos, lumuluha at deretso ang tingin sa paanan. Natigilan si Trist nang maramdaman ang likido sa kanyang pisngi, agad niya itong kinapa at nagtatakang tinignan ang mga kamay na basa ngunit isang bagay ang nakaagaw sa kanyang pansin dahilan para matigilan siya't mapaisip. May nakakabit sa kanyang suwero sa kanan ng kanyang kamay. Ngunit kalaunan ay naalala niyang naaksidente siya.

Bumuntong hininga si Trist at yumuko na animo'y may dinadalang problema. Pero iisa lang ang pumapasok sa kanyang isipan, ang tungkol sa kanyang napaginipan na tila limot na niya ang pangyayaring iyon. Pero ang totoo, tandang-tanda pa iyon ni Trist.

Napalingon si Trist sa pintuan nang bumukas ito at iniluwal niyon ang nag-aalalang mukha ni Clement.

"Anong sabi ng doctor?" Bungad na tanong ni Clement kay Trist na makalapit ito.

Pikit-matang umiling si Trist. "Simula nang magising ako, walang doctor ang bumisita sa'kin. Pero sa palagay ko ayos lang naman ang kalagayan ko." Tugon ni Trist.

"Pero may benda ka sa ulo mo, Trist." Bwelta ni Clement.

"Malayo naman siguro sa bituka 'to." Duro ni Trist sa ulo na may benda.

"Baka magkaroon ka ng amnesia o 'di naman kaya maapektuhan ang utak mo?" Hirit pa ni Clement.

"Tumigil ka nga," inis na kunwaring suway ni Trist kay Clement. "Buhay pa ko at may mga dapat pa tayong gawin." Paalala ni Trist.

TRIST [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon